Hate That I Like You (One Shot Story)

480 15 15
                                    


Hate That I Like You (One Shot Story)


"Hi Chloe!"

Narinig kong bati sa akin ni Andrew.

Ngumiti naman ako sa kanya ng makita ko siyang naglalakad na kasabay ko.

"H-hi Andrew." Bati ko sa kanya. Ba yan! Bakit ako nauutal?

Sabay na kaming naglakad papuntang room namin. Kablock ko si Andrew pero sa kasamaang palad hindi kami close. Parang may malaking wall na nakaharang sa amin.

Oo, nag-uusap kami pero hindi talaga yung comfortable talk, may awkwardness na namamagitan tulad ngayon. Ganito kasi yun, matagal ko na siyang gusto kaya siguro nahihiya ako sa kanya. Halos lahat naman ng kablock ko close ko na except sa kanya.

Pero ang ipinagtataka ko lang bakit close kami sa chats and text lang? Basta pag personal na, hindi na kami close. Naguguluhan ako pero ayos lang kasi nakakausap ko naman siya ng matagal.

"Nagreview ka na?" Nagulat ako ng bigla siyang magtanong pero hindi ko sa kanya ipinahalata.

Tumingin ako sa kanya saglit saka sumagot. "Oo na."

Takte! Wala ata akong kwentang kausap. Kaya siguro hindi kami close sa personal kasi ang boring ko. Kasalanan ko bang magdugdugdug ang puso ko pag nandiyan siya? Yung puso ko ang may kasalanan hindi tuloy ako makapag-isip ng ayos.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango tango siya.

"A-ah ikaw?" Wala sa sarili kong tanong.

"Hmmm hindi pa. Turuan mo ko. Hahaha" Sabi niya sakin ng hindi tumitingin.

Siya? Magpapaturo sa isang tulad ko? Nahiya naman ako. Si Andrew kasi matalino yan, ibang level! Kahit di na ata siya mag-aral mataas pa rin ang score na makukuha niya.

Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako ng biglang may kumapit sa braso ko.

"Waaaaaah Chloe! Nakatulog ako kagabi pano yan hindi pa ako nag-aaral." Maarteng sabi ni Megan.

"Eh di mag-aral ka may free time naman tayo mamaya."

Nakita ko si Andrew na nauuna na pala sa amin. Okay. Feeling ko nang-snob ako. Or siya? Ewan. Si Megan kasi minsan na nga lang kami mag-usap ng personal.

"Oy si Andrew pala yun. Ayiiiiiiieee. Ikaw ha!" Mahinang sabi niya sa akin ng makita niya si Andrew. Alam ni Megan na matagal ko ng gusto yang si Andrew.

Nakarating kami sa room na sobrang tahimik. Kaya pala may mga dalang laptop, kanya kanyang mundo. Madalas kasing magbangayan ang mga kablock ko pag wala yung prof.

"Hoy Megan! Tara dito. Tingnan mo 'to may new episode na yung favorite nating anime." Sigaw ni Trisha. Napatingin pa sa kanya yung iba, ang lakas kasi ng boses. Agad namang lumapit dun si Megan.

Umupo ako sa katabing upuan nila. Dahil wala akong magawa nagsalpak na lang ako ng earphone saka nagpatugtog. Puro Kpop ang nasa playlist ko kaya wala akong maintindihan sa mga kanta pero gustong-gusto ko pa rin pakinggan ang kanta nila. Nakakarelax. And kinikilig ako sa boses nila. Fave band ko is EXO. Mahal na mahal ko si Luhan! Haha. Sino mga Kpop-ers dito? Hahahaha

Napatingin ako sa bandang kaliwa ko. Wala lang curious ako eh bakit ba? Joke lang. Pasimple ko kasing hinahanap si Andrew.

Nagulat ako ng makita ko siyang nakatingin sa akin. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin. Ibinalik ko na lang yung tingin ko sa phone ko. Nakakahiya! Nakita niya akong tumingin sa kanya. Pero teka, hindi ba siya yung nahuli ko? Asa!

Hate That I Like You (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon