Ganito pala ang Ayala sa gabi. Parang galit ang mga tao sa isa't-isa, hindi nagpapansinan, hindi nagkikibuan, nagmamadali na makauwi. Pero papaano uuwi, ni hindi nga gumagalaw ang traffic palabas ng EDSA. Ilang sandali pa, narating din ni Michael ang Greenbelt, sabay upo sa pinakamalapit na bench.
"Shit... Kapagod. Sino ba naman kasi ang naglalakad sa ganitong oras ng gabi sa ganitong getup? It's so pedestrian," pagrereklakmo ni Michael nang biglang nagtext ang hinihintay.
Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ni Micbael. " What the hell am I doing? Hindi ba parang ang awkward nito? Eh nandito na eh", nang biglang nagring ang celphone nya.
"Uhm.... Hello? Uhm... Hans? Yeah I can see you", sabay kaway sa paparating na si Hans.
----------
Mukhang underdressed yata ako. Nakapang-office pa si Kolokoy. Baka sabihin naman eh mukha akong basura. Teka.... Bakit ba ako concerned masyado eh hindi naman to date, pangiting naisip ni Michael.
Tingnan mo tong si gago oh, parang ayaw akong lapitan, nahihiya ba to, o may binabalak na hindi maganda, pag-aalala ni Michael habang pinagmamasdan ang mala estatwang si Hans sa kanyang harapan.
Mukha naman syang mabait, maamo ang mukha at maganda ang ngiti. Teka, ano naman ang kinalaman ng ngiti nya? Pailing na sinasabi ni Michael sa sarili.
"Hoy panget, so that's you. I'm Mike. Sorry it took me so long to get here. ", sambit ni Michael sabay abot ng kamay sa kaharap.
" Ok lang panget. Dami ko naman tinapos na trabaho. Alam mo naman, buhay accountant, " sagot ni Hans sabay abot ng kamay para kamayan ang kaharap.
" Pwedeng kain na tayo, kanina pa ako nagugutom" yaya ni Hans, na sinang-ayunan naman ni Michael, sabay hanap ng makakainan.
----------
So, eto pala Mike. Parang overdressed naman ako masyado. Baka isipin naman nya boring akong tao, iwanan pa ako agad. Bagay sa kanya ang black, lalong gumaganda ang mata nya, lalong nawawala pag ngumingiti na sya. Teka.... Ano naman kinalaman ng mata nya dito? Kinakausap ako, inaabot sa akin ang kamay nya, kakamayan ko ba? Sige na nga..., naisip ni Hans sa sarili.
" Ok lang panget. Dami ko naman tinapos na trabaho. Alam mo naman, buhay accountant. Pwedeng kain na tayo, kanina pa ako nagugutom"
Ay, pagkain agad? Ano ba yun... Pangiting naisip ni Hans.
Paikot-ikot ang dalawa sa Greenbelt, naghahanap nang makakainan, gayung alam na ni Michael kung ano ang gusto nya, at kanina pa nya naiisip ang mga pwedeng kainin sa Conti's. At dahil wala namang maisip si Hans, hila-hila ni Michael si Hans papunta dito.
Mabuti na lamang at wala masyadong tao nakahanap agad ng upuan ang dalawa at nakapag order.
"Cake at kape? Akala ko ba dinner? " ang nakakunot noong tanong ni Hans sa kasama. " Ahhhhh, I'm a little bit full. Had dinner before I came here. " sabi naman ng isa nang magring ang celphone ni Hans.
" Hello. Yeah, gagabihin lang ako, may lakad lang kami ng tropa ko"
Tropa? Adik pa yata ampota. Bulong ni Michael sa sarili.
"Sorry was that Grace? Is this a bad time? ", tanong ni Michael kay Hans.
" Ay hindi, nakalimutan ko lang magsabi na gagabihin ako. Nag-aalala lang yung tao. Pasensya na ha, wag kang magagalit pero, ganyan ka ba talaga ka Cognio?" tanong ni Hans
"Huh? Sorry. We talk... I mean.... Well, uhmmm, ang ibig ko sabihin, nakasanayan ko na kasi ang ganito. Pero, magaling naman ako mag-Tagalog. Pasensya ka na" paumanhin ni Michael habang pinagmamasdan ang tila nahihiyang si Hans.
Sa liwanag ng mga ilaw, mapapansin ang mala-kunehong mapuputing ngipin ni Hans, matangos na ilong, morenong balat, at ang medyo kulot na buhok. Pinagmamasdang mabuti ni Michael si Hans.
"Alam mo, kahawig mo si Jason London nung medyo kabataaan nya" sambit ni Michael, sa lalong napakunot noong si Hans.
"Sino naman yun? "
" Jason London? The Man in the Moon? Dazed and Confused? To Wong Foo? Pero yung kabataan nya ha" paglilinaw ni Michael.
"Sorry di ko kilala.... " ang nahihiyang tugon ng napakamot ulong si Hans
"Corny, pero ikaw din may kamukha" bawi ni Hans. "Si Gale Harold, yung sa Fathers and Sons?" ang nahihiyang sambit ni Hans.
"Gale Harold huh? " ang pailing na sagot ni Michael.
Nagkakalokohan na yata to. Ang pangiting bulong ni Michael sa sarili.
" Alam mo kumain na lang tayo no? Kwentuhan mo na lang ako tungkol kay Grace tutal yun din naman ang itinawag mo kanina" sambit ni Michael, at muling ikinuwento ni Hans ang away-bating relasyon nila ni Grace.
Ganoon nga ang relasyon ng dalawa. Kung sabagay, hindi mo masisisi si Grace kung panay ang selos nito. Gwapo naman si Hans, disente, mabait, at stable na rin sa kanyang trabaho. May isang taon na rin silang nagsasama.
Si Hans naman, nakukukitan na sa kakaselos ni Grace nang wala sa lugar. Wala rin syang mapagsabihan sa mga kaibigan dahil halos lahat sa kanila, kaibigan din ni Grace at ayaw nilang makialam. Si Michael lang ang nagpagsusumbungan ni Hans.
Palagay ang loob ng dalawa sa isa't isa na tila matagal na silang magkakilala sa loob ng limang buwan, at bakit nga naman hindi? Naging sumbungan nila ang isa't isa.
"Puro na lang ako, ikaw naman ang magkwento. Di ko nga alam ano ang trabaho mo" pagtataning ni Hans.
"Ako? Well...... Nagtatrabaho ako para sa mga magulang ko. Hindi naman impressive pakinggan, alam ko pero marami akong free time. Obvious ba, may oras pa akong magsulat? " pagmamalaki ni Michael.
Abala ang dalawa sa pagkukwentuhan. Ang oras, lumipas lang na hindi man lang nagpahiwatag na ito'y tumatakbo. Ang lahat, parang tumigil, parang walang direksyon, pero masaya.
"Tingnan mo nga naman ang oras, di ko man lang namalayan na alas nuebe y medya na pala. Kunin na natin ang bill. " tugon ni Michael, na sinang-ayunan naman ni Hans.
Matapos magbayad, dahan dahang naglakad ang dalawa habang nagkukwentuhan pa rin patungo sa sakayan ng taxi.
" O paano , Hans dito na ako" wika ni Mike sabay turo sa escalator paakyat ulit ng Greenbelt.
"Uwi ka na ba agad? "tanong ni Hans habang nakahawak ang isang kamay sa bukasan ng pintuan ng taxi.
" Uhm... Actually hindi ko pa alam eh.... Hindi pa naman kasi dumarating ang... "
Bago pa natapos ni Michael ang kanyang pangungusap, bigla na lang itong hinatak ni Hans pasakay ng taxi sabay wika ng" Halika, punta tayo sa Baywalk".
"Uhm... Ahhhh... Ehhh.... S-sige.... " ang nahihiyang tugon ni Michael.
Paano ba naman nya mahihindian ang mga matang yun na kulang na lang magmakaawa sa kanya. At sa mga matang yun, matagal na nakatitig si Michael.
" Bakit panget? " ang nakangising wika ni Hans.
" Ah eh wala.... " ang nahihiyang tugon ni Michael sabay bawi ng tingin sa katabi.
Tahimik ang lahat, nakakabinging katahimikan. Halos hindi nagkibuan ang dalawa habang tinatahak ng taxi ang daan papuntang Baywalk. May mga pagkakataong nasasagi ng kamay ni Michael ang kamay ni Hans, bagay na ihinihingi ng paumanhin ng una dahil sa paglipat nanrin ni Hans ng pwesto ng kanyang kamay. Sa dilim, napapansin ni Michael na sinusulyapan sya ni Hans at pag kanya naman itong tititigan, binabawi ng isa ang kanyang tingi n at ibinabaling sa ibang direksyon. Ganun din si Michael, hindi nya maintindihan kung bakit kailangan nyang titigan ang katabi, marahil para magsimula ng usapan.
Narating na nila ang isa sa mga tambayan sa Baywalk.
BINABASA MO ANG
Nang Muling Lumipad Ang Mga Paru-paro
FanfictionHindi ko alam kung paano uumpisahan ang istoryang ito. Hindi ko rin alam kung papano ito magtatapos.