PROLOGUE: WHERE IT ALL STARTED

10 0 0
                                    

Aime's P.O.V.

"Time's up!"

I raise my whiteboard ahead of time. I'm sure tama yung sagot ko at kami na ang champion. Matagal ko na kasing hinahangad na maging pinakamagaling sa Math Competetion sa buong mundo, (mataas na level na pangarap ko) este dito sa lugar namin. Nag-aral ako ng mabuti para maipanalo ang College/University Level at ngayon ang Inter-University and Colleges Math Competetion. From 40 Universities and Colleges down to 2 na naglalaban para sa championship. This is it Aime! It's your time to shine! Para sa school, para sa family, para sayo at higit sa lahat para kay Lester.

"Okay! Mr. Yousin Aquino of Blase Pascal Colleges got the correct answer! We already have the champion! Congratulations!"

"WHAT?!!" I accidentally yell (joke sinadya ko talagang sumigaw).I can't believe what I have just heard! No! This can't be! Tama naman yung sagot ko ah? Sinigurado ko yun!

"Is there any problem Miss Cruz?" tanong ng proctor namin.

"Ma'am, wait. Tama naman yung sagot ko ah?" reklamo ko, di ako makakapayag na hindi idouble check yung sagot ko.

"You got the correct digits Miss Cruz, pero kinulang ka ng isa that made Mr. Aquino correct" pinakita nya sakin yung tamang sagot at para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Aime naman! Ang laki mong engot bakit hindi mo nilagyan negative sign?! Wala na, sira na mga pangarap mo. Hindi ito pwede! Para na akong iiyak pero pinipigilan ko lang. Minsan kailangan din nating tumanggap ng pagkatalo. Pero hindi, naiiyak parin ako. Napatingin ako sa kalaban ko and nakita ko syang nakatingin sakin at yung tingin nya, parang nang-aasar. Pinukulan ko sya ng masamang tingin. Aba syempre hindi pwedeng ginaganun nya ako! Bigla syang ngumiti at nang-aasar na naman yung ngiti nya tapos bigla syang nagkibit balikat. Aba! Ang yabang! Mamaya kalang.

After awarding hindi parin mawala sa isip ko yung mayabang na yun. Paglabas ko ng restroom I saw him na palabas ng cafeteria. At dahil naghalu-halo na yung pagka-inis ko sa kanya, at sa sitwasyon, ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan na gagawin ko at hindi ko inaasahang mangyayari. AT ITO NA ANG NAGING SIMULA NG KALBARYO SA BUHAY KO.

The Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon