CHAPTER 4: BESTFRIENDS, SECRETS & PASTS

2 0 0
                                    

Jeremy's POV 

The subscribers cannot reach please try again later...

I tried calling her for the nth times pero no answer parin from her. Bakit ba hindi ko sya sinundan kanina? Anong oras na nakauwi na kaya yun? Hindi ko naman sinasadyang mainis or magalit sa kanya pero hindi naman ako yung tipo ng kaibigan na konsintidor lalo kapag alam ko na hindi naman yun makakabuti sa kaibigan mo. Pero nakakainis, magkaaway kami dahil lang sa isang lalaki na hindi ko naman kakilala, ang lalaking yun. YOUSIN LIM AQUINO, dahil sa kanya magulo ang buhay ng kaibigan ko, ng babaeng mahal ko. Yes, you heard it right? babaeng mahal ko. 

Ako pala si Jeremy Carlo Gonzales, kababata ako ni Aime at nag-iisang bestfriend nya. Simula ng makilala ko sya nung 7 years old palang kami, alam ko na na sya ang babae para sakin. Sya ang first puppy love ko, ang first real love ko. Pero alam ko na una palang alam ko na hindi ako ang para sa kanya because she only sees me as a brother, parang si Kuya Raven. Never kong pinaalam sa kanya na mahal ko sya kasi ayaw kong masira yung samahan namin, pero minsan gustung-gusto kong sabihin sa kanya kaso may mga pangyayari na nauudlot at nagdedecide nalang ako na wag nalang ipaalam. Dahil mahal ko sya, susuportahan ko sya sa lahat ng oras pero hindi sa paraang masasaktan o makakasakit sya.  Kaya ito ngayon magkaaway kami at dahil nga yun sa Yousin Aquino na yun. 

Bakit kasi kailangan nya pang bigyan ng pansin yun? oo alam kong nasira nito ang buhay nya dahil sa mga bully pero alam ko rin na mas masisira ang buhay nya kapag naghiganti sya. Kung pwede lang kahit ako nalang ang gumanti para sa kanya. Babangasan ko ang mukha ng kumag na yun! Nakakainis! Nakuha nya ang first kiss ni Aime na dapat ako! na dapat sakin! Kapag nakita ko talaga yunyari yun sakin! 

And as you can see, hindi sumasagot sa tawag si Aime, ni text or chat wala. Sana maging okay na kami bukas pag nagkita kami sa school.

Kinabukasan...

Sinubukan ko ulit syang tawagan on my way to school. Aime sagutin mo please...

"Hello?"

"Hello ahmm"

"B-akit?..." I feel the awkward moment between us, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Nasaan ka?" yan nalang ang lumabas sa bibig ko.

"Ahm, papunta na ng school" silence....

"Galit kapaba?" tanong ko sa kanya hoping na hindi na sya galit sakin.

"Ah? ...ahmm.. hindi na ..." 

"Talaga?"

"Oo nga bestfie, I'm sorry ah? I miss you." bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sorry? ako dapat magsorry ehh"  ako naman talaga dapat 

"Ayos lang, it's my fault and I realized na hindi magandang maghiganti" hay salamat naman

"Yeah, saka concerned lang naman talaga kasi ako sayo" 

"I know and thank you! labyun bestfie! See you sa school."

"Okay see you, lab yu too.... more than friends (medyo mahina yung part na to)" 

"Huuh? Ano yun? Sorry hindi ko naintindihan eh."

"Wala bestfie, sabi ko see you nalang mamaya, usap tayo.. okay? Bye" and I ended the call na kinakabahan dahil sa pasegway kong pag amin. Nasabi ko ba talaga? I'm hoping na hindi talaga nya yun naintindihan. 

Albert Einstein Colleges

Ipapasok ko na sana yung kotse sa gate nang may mapansin ako na ewan ko kung guni-guni ko lang ba yun. Itunuloy ko nalang ang pagpapark ng kotse ko at lumabas para ikonfirm yung guni-guni ko. Pumunta ako sa guard house kung saan dun ko sya nakita... at mukhang pinapagalitan yung tao. 

The Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon