Monday 8th August, 202011:30 a.m.
Dear Diary,
I blocked Alasdair The Kupal on ig. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Ganito kasi 'yan, naisipan ni Papa na kumuha na raw ako ng driver's license since marunong na rin naman ako mag-drive ng sasakyan. May student's permit na rin kasi ako, kumuha ako last January.
Gusto ko rin naman kumuha ng lisensya kasi 'yung Kuya ko meron na rin siya. Tapos gusto ko na rin mag-drive, hindi 'yung puro inaabala ko si Papa o di kaya si Kuya 'pag may pupuntahan ako o di kaya kapag pupunta ako sa UST.
So ayun, bago kasi ako mag-take ng exam e kailangan ko muna magpa-medical. Blood type at drugtest. Mga ganern, diary! HAHAHAHAHAHA kaloka.
Kanina mga alas otso ata 'yon, nagpunta ako sa LTO. Tapos sabi nung employee dun na magpa-medical muna ako sa Diagcare. Edi ayon nagpunta naman ako para sa drugtest at kung anu-ano pang chechebureche.
Tapos eto ang nangyari, pagdating ko doon mismo, andun din si Alasdair!!! May kasama siyang lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay kapatid niya ata 'yon. Kamukha niya rin kasi, e. HAHAHAHAHAHAHA.
Tas nagpapa-drugtest na rin 'yung lalaking kasama niya. Siguro nga kapatid niya talaga 'yon tas sinamahan niya lang.
Tinabihan niya ako sa may waiting area, diary!!! Tas dinaldal niya ako ng dinaldal at parang hindi siya nauubusan ng energy. Kung siguro hindi ko siya kilala bilang lokoloko at scammer, siguro kikiligin rin ako sa kaniya. Syempre pinagkakaguhulan 'yung tao na 'yon na UST, 'no! Gwapo kasi tas sobrang fashionista pa.
Pero hindi! Nakakainis siya at ang sarap niya pa rin balatan!
Okay balik tayo sa chika. So ayun na nga, nung turn ko na para injectionan nung kuyang medical technologist pumasok na ako doon sa room pero puro glass kaya nakikita ko pa rin si Alasdair sa labas. He's always making wacky faces kaya iniirapan ko na lang siya.
Tas diba tinali na 'yung tornequet sa left arm ko? Bigla akong nanlamig, diary! Jusko napaka-ignorante kong medtech poñeta! HAHAHAHAHAHA kakaasar talaga. Tas nung nilabas na 'yung karayom, biglang nanlaki 'yung mga mata ko pero G pa rin! Sa ngalan ng lisensya at ng LTO!!! LABAN!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Nung naramdaman ko na 'yung karayom, ayun bigla akong nawalan ng malay. HAHAHAHAHAA LECHE!
After 30 minutes, nagising ako tas nakahiga na ako sa isang room doon pa rin sa Diagcare!!! Tas nakaupo malapit sa hinihigaan ko si Alasdair, tawang tawa at inaasar ako ng todo!!! Binantayan niya daw ako hanggang sa magising ako kasi naawa daw siya sa 'kin since wala akong kasama.
Tas ayun, naka-car siya kaya hinatid niya na rin ako pauwi. Punyeta nakakahiya talaga! At ngayon, hindi na siya magkanda-ugaga sa kakaasar sa akin. Huhuhu!
Love,
Indigo na future medtech pero takot sa venipuncture!!!
BINABASA MO ANG
Indigo's Diary
Teen FictionEpistolary Just a random flirty chat at 3am through an online dating website. --- Halina't buklatin ang diary ni Indigo! Invading someone's privacy is bad. Pero dahil chismosa ka, okay lang 'yan! Stumuyon? HAHAHA. Halina't maki-chika sa makulay na b...