Chapter 2

16 3 2
                                    

Nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong dumirestso sa kwarto,agad na nahiga kahit hindi pa nagbibihis

"Woah! ang haggard mo na,nakakapagod at nakakainis" tanging ang sarili ko lang kinakausap ko

Hindi ko na namalayan ay naka idlip pala ako,nagising lang dahil sa katok ng....

"Good evening po Sir, 'eto po pala yung pinapaabot ng Mommy niyo inumin niyo daw po muna 'yan bago matulog"ah okay si nanay claring,yung kasambahay namin.

"Thanks nanay pakilagay nalang po diyan and pakisabi ulit kay Mommy ''Im not a child anymore' anyways thank you po ulit"nakapameywang pang sambit ko

"Nako iho, gano'n talaga ang Mommy mo ikaw naman alam mo na nga lang na nag iisa kang anak nila siyempre sino pa ba naman ang aalagaan?oh siya sige inumin mo na 'yan at aba!hindi ka pa nakakapag bihis, hala sige! Inumin mo na 'yan at mag linis ng sarili aakyat ako ulit dito mamaya para kunin itong baso" 'yon lang at lumabas na si nanay

"Si mudra naman!"padabog na naglakad papuntang banyo. Habang nakababad sa shower ay naisip ko kung bakit at paano ako naging bakla.

Flashback:

"Bunso ayan ang ganda ng kapatid ko"sabay gulo sa buhok niya

"Kuya naman eh huwag mo na pong guluhin 'diba?kaka ayos mo lang?"reklamo ni Precious

"Ang cuuute!cute ng kapatid ko nagmumukha nang bakla si kuya sa 'yo oh sige ka wala na akong maging girlfriend kasi mapagkakamalan si kuya na bakla"nakingiting paliwanag ko,napaka cute niya she's 15 years old and may gaganaping J's From sa school nila. Masaya ako basta sa kahit na anong gusto ni Precious, pero sa totoo lang sa kakaudyok ng kapatid ko na taga ayos niya pakiramdam ko nalalambot na.

Sa ngayon hindi pa nila alam,nila Mom and Dad specially my princess Precious ayokong ipaalam ayokong ma disappoint sila sakin,maybe someday.

Paalis na kami papuntang school and it's 6:00 pm 7 ang start ng From,ako ang driver only me and my sister. Habang nasa biyahe ay may isang truck na mukhang lasing ang driver i tried to avoid but BOOM! Naramdaman ko nalang na ang bigat ng katawan ko,unti-unting sumasara ang talukap ng aking mata.

Nagising ako sa ingay,pagmulat ng aking mata ay napaka liwanag,tinignan ko ang buong paligid puro puti lang hanggang sa may lumapit sa akin isang babae

"Anak,Mark gising ka na anak ko oh thank God!"hindi ko maaninag yung mukha niya dahil sa puro puti at liwanag ang nakikita ko pero paniguradong si Mommy 'yun

"M-mommy s-si..."babangon na sana ako pero

"Shh mahiga ka muna Mark"awat niya sa akin

"I love you even though you are different"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon