1

8 1 1
                                    

"ELIIII!!!! TANGHALI NA ABA GISING NA!"

"Five more minutes pa po mama." Antok na sagot ko.

"Diba ala sais pasok mo?! 6:30 na!"

Napabalikwas ako sa sinabi ni mama nahampas ko tuloy si ate.

"ARAY!!"

"Sowwy ehehehe."

Dali dali kong tinignan yung phone ko para i-check yung oras. Jusmeyomarimar 4:40 pa lang!! Kaya naman pala madilim pa sa labas. KELAN PA NAGING TANGHALI 'TO MAMA?! Pero syempre wala akong angal sa nanay ko bk masungalngal pa ako.

Bumaba na ako mula sa double deck namin ni ate. Muntik ko pang maapakan si kuya Julius.

Sayang naman. Char! HAHAHAHAHA

Wala na akong nagawa kaya naligo na  ako habang si mama nagluluto.

Nag concert pa ako sa cr. MWEHEHEHE

"DIS GORL IS ON PAYEEEERRRRR!!!"

"HOY ELISABETHANYA ANG AGA AGA ANG INGAY INGAY MO DIYAN!!"

Napatahimik na lang ako dahil sa takot kay mama. I mean sino ba ang hindi takot kay mama?

Nagmadali na lang ako tas nag bihis na din at dumiretso sa hapag kainan.

"Eli kumain ka ng gulay."

"Ayoko ma lasang damo."

"Isa dal-"

Sumandok ka agad ako ng gulay at sinubo agad yun.

"Madali ka naman palang kausap ih."

Pilit kong nginunguya itong mga dahon sa bibig ko.

"Gisingin mo na pala yung kuya mo at papasok na din yon."

"KUY-"

"Puntahan mo wag kang sumigaw sigaw diyan at magigising ang mga kapit bahay. Itong babaeng 'to talaga."

Nubayan kumakain pa nga ih.

"Kuya."

"Hmm."

"Gising ka na daw."

"Geh."

Bumalik na ako sa pagkain ko.

"Oh asan na yung kuya mo?"

"Ginising ko na po."

"Nagising ba?"

"Hindi ko po alam."

"Eli isa na lang talaga kakalbuhin na kita. Balikan mo don!"

Kamot ulo akong bumalik kila kuya.

"Luh di pa bumangon ah. Ako tuloy napagalitan."

Nilapitan ko yung tenga niya.

"KUYAAAA GISING NA DAWWW."

"ARAY ANO BA?!"

"Bumangon ka na kasi ako na naman mapapagalitan ih."

"Oo na. Ingay mo!"

"Panget mo!" Bawi ko.

"Mas panget ka!"

"HOY INGAY INGAY NIYO NATUTULOG YUNG TAO DITO!" Sigaw ng ate ko

Di ko na sila pinansin at bumalik nalng sa pagkain. Habang si kuya dumiretso na sa cr. Nung natapos na ako nag simula na akong mag sipilyo.

Inayos ko na mga gamit ko at palabas na sana pero tinawanan ko muna si kuya.

"Ma ayaw ko nga ng gulay ihhh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Better DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon