"BF"

133 0 0
                                    

"A-ano yun?" Nagiinit pa rin mukha ko. Sh*t!

"Sabi ko BF. Bestfriend . Ano ba akala mo? "

"Bestfriend rin. Hehe (akala ko pa naman BOYFRIEND). Ngayon lang tayo nagkakakilala tapos bestfriend agad?"

"Edi wag.Madali naman akong kausap eh. "

Sa totoo lang medyo imported din tong si Jay eh. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, mapupungay ang mata. Mukhang nasa kanya na lahat.

"Hehe. Sige na nga .Bestfriend na tayo. "

"Yun nam-" Sabay appear nang biglang tumunog ang bell. Tinagong ngiti lang ang ginawa ko.

Tumayo na kami ni Jay sa kinauupuan namin kasi oras na para sa next subject namin. Nasabi ko na bang ka-block kami ni Jay? Haha. Ewan ko ba kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Hindi naman ito nararamdaman ng straight na lalaki ha.

Marketing ang next subject. Magkatabi pa rin kami ni Jay ng upuan. Marami na kaming napagusapan tulad ng may kambal pala siyang babae, valedictorian siya, ano pa ba?

"Uy, kanina pa ako salita nang salita ah, bakit di ka man lang nagre-respond jan?" sabi ni Jay

"Ha? So-sorry .Eh kasi may iniisip lang ako"

"Sino?"

"Hindi sino"

"E ano? "

"Wala. "

"May girlfriend ka na ba?" Nakakagulat naman yung tanong niya.

"Sa totoo lang, may girlfriend ako" Biglang nalungkot mukha niya na kanina ang saya saya.

"NOON"dugtong ko.

"Ah. " O bakit biglang nag iba mukha niya? from a sad face to a wide smile. A smile that made a mark in my heart.

Doon nagtatapos yung pag-uusap namin kasi bigla na naman tumunog yung bell. Di dumating yung prof namin. Kaya naman dumiretso na kami sa susunod na subject. Physical Education 1.

Hanggang sa di ko namalayan naging close na nga kami ng bestfriend ko. Umuwi na agad ako sa dorm ko. Pero bago yun, nagbigayan muna kami ni Jay ng phone numbers namin. Siya pa lang ang una kong nakilala kasi wala akong oras makipag usap sa iba.

Nakatira ako sa isang sikat na dorm malapit sa university namin. Medyo mahal pero okay lang kasi dalawa lang yung naka occupy sa room na ito.

Sandali lang. Di ko pa pala nakikila ang roommate ko.

5:30 pa lang nung natapos ako sa pagliligpit nang nakaramdam ako ng ZZzzzZzZz.

A Bestfriends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon