CHAPTER 10

11 0 0
                                    

Chapter 10: The Task

FIER'S POV

"I know you can discipline them Miss Sevillana... " sinserong ani pa nito sa akin. Hinawakan pa nito ang kamay ko.

Napataas ang kilay ko sa sinabi ng Dean. Labag sa loob kong kinuha ang inabot niyang papel sa akin. Ibibigay ko daw to sa Lecturers sa lahat ng subject.

Napahalukipkip ako."So you trust me now, huh? " nakangisi ko pang tanong habang pinaglalaruan ang papel sa kamay ko. Tumikhim siya.

"I-I saw that you have a potential... So yeah.. " asiwa pa nitong sabi.

'P-Potential!?..the nerve!? '

"I'll do my best, Dean. " walang gana kong sabi. Agad na umaliwalas ang mukha niya at ngumiti.

"T-Thank you.. "

Hindi ko na siya sinagot sa halip ay lumabas na ako ng silid na yun.. Napapailing na naglakad ako sa hallway.

'Tsk! This school is somewhat stressful! '

While walking, nagtaka ako dahil nagkukumpulan mga estudyante sa hallway.

Bakit di pa pumapasok ang mga to!? 

May away naman siguro. Napangisi ako. Aba tamang tama parang gusto kong mangdisiplina ng stupidyante ngayon.Medyo masama pa naman ang timpla ng mukha ko.  Bahagya akong lumapit sa kumpulan.

"P-Pres... "

Sinenyasan kong manahimik ang ilang estudyanteng nakapansin sa paglapit ko. Magbibigay pa sana siya ng daan para makita ko ang sangkot sa gulo pero pinigilan ko siya.

Ngumiti ako at animo'y kinikilig naman sila... Tss.

'Huh? '

Napakunot ang noo ko nang makita ang pagsasagutan ni Kenn at ni Chance..???

Narinig ko ang palitan nila ng sagot. At alam ko ang dahilan kumg bakit nangagalaiti tong Kenn na to.

Napangiti ako sa isipan. 'Mahusay.. Umaayon ang lahat sa plano ko'

"Ah Pres? W-Wala po ba kayong gagawin sa mga yan?. "

Napalingon ako sa lalaking naglakas ng loob na tanungin ako. Tiningnan ko siya ng matiin kaya napaatras siya.

"Wala. " balewala kong sagot sa kaniya."They seems need a break?. " saka ko pinagkrus ang balikat.

Binalik ko ang tingin sa naglalakad na palayong si Chance kasunod ng mga kaibigan niya.

"Go back to your room.. The class is about to start.. " sabi ko nang hindi sila tiningnan at tumalikod na.

Bumalik na ako sa classroom.

------

MARAMI ang tumutol ng sabihin ko sa kanilang ililipat ako sa section nang mga abnormal, pasaway, and tsh whatever you called it. The worst section in this school.

THE GREAT PRETENDER Road to VengeanceWhere stories live. Discover now