KATHANA POV'
Nagising ako sa katok ng pinto, di'ko namalayan nakatulog pala ako kakaisip sa nangyari sakin kanina sa skwelahan.
"Anak, lumabas ka na riyan at kakain na tayo." saad ni mama "Hintayin ka namin sa baba ah!" dagdag nya.
"opo ma, susunod ako mag bibihis lang ako!" Asik ko sa kanya at syaka bumangon at nagmamadaling nagbihis.
Pagkatapos kong mag bihis ay agad akong bumaba, at nadatnan ko sila mama at kuya na kumakain.
"Oh! Baby andyan kana pala, kumain kana." bungad ni mama sakin pagkakita nya sakin, tinanguan lang din namn ako ni kuya. Umupo nalanh din ako at nagsimulang kumain.
At kong tatanungin nyo kong bakit tatlo lang kaming naruon, Kasi wala si papa busy sa business. Nasa Korea sya inaasikaso ang ibang business nila ni mama. Minsan lang din namin makasama sila mama at papa kasi palahi silang busy, nagkataon lang na andito si mama ngayon dahil sya ang umasikaso sa business namin dito sa pilipinas.
Pagkatapos kong kumain nagpaalam na agad ako kanila mama at kuya na babalik sa kwarto at magpapahinga, tinanguan lang nila ako, at tsaka umakyat.
Nagpa gulong gulong ako sa kama ko. Sa sobrang Boring nag open nalang ako sa facebook ko, di nagtagal napagod ako kaka scroll. Eh! sa walang ka chat eh, huhuhu! kawawa namn si ako...
makatulog na ngaaa...
-----KINABUKASAN----
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at tinignan ang oras '6:00 AM' ang aga pa my 1 Hour pa ako. 8:00 AM kasi start ng klase Namin!
Naligo nalang ako at pagkatapos kong maligo bumaba ako, Nadaanan ko naman ang kwarto ng tokmol kong kuya kaya sinilip ko nalang sya, at aba! tulog pa. Diko nalang sya gigisingin at maglalakad nalang ako papuntang school, total malapit lang naman.
Pagbaba ko nadatnan ko si Yaya na nagluluto ng Almusal, "Oh'Kath, Ikaw pala, ang aga mo ata ngayon? Kumain kana jan, gigisingin ko lang ang kuya mo." -Yaya, aakyat na sana sya ng pigilan ko.
"Wag niyo na'pong gisingin si Kuya, mauuna nalang po ako sakanya. Lalakadin ko nalang po total malapit lang namn..." Sabi ko kay yaya ng nakangiti, bet ko ngumiti ngayon mukang masaya ang araw ko ngayon eh. heheehe! "Ahmm... Asan po si mommy?" tanong ko kay yaya ng nakangiti nanaman. "Sumabay kana po saking kumain." dagdag ko
sanay nadin kasi akong kasabay si yaya kumain eh. Simula bata kasi ako siya na nag alaga sakin, tinatawag pa nga akong baby nyan minsan eh.
"Maagang umalis ang mommy mo iha, eh may importanteng gagawin daw sa opisina." sagot nya sa tanong ko, sabay upo sa harap ko
Nagkwentohan lang kami ni yaya ng kaunti, At nagpaalam na ako sakanyang papasol na. Naglalakad na ako sabay salampak ng headset sa tenga ko.
Pagdating ko sa gate ng school, tinignan ko kong anong oras naba, ang aga pa. Total maaga pa naman iikutin ko nalang ang campus para hindi na ako maligaw sa susunod. Ang Laki panaman ng Campus nato at ang ganda pa. Habang nag mumuni muni ako napasalampak ako bigla sa sahig ng may bumangga sakin. ' Aray! bwesit kasakit sakong lubot!! sinong hayup ba yon? nakakaasar!
Putspang yan diman lang ako tinulungan, agad akong tumayo at sinigawan sya ng, "BWISET KA!! WALANG MODO!! ANG SAKIT SAKIT NG PWET KO DAHIL SA PAGBANGGA MO, HAYUP NAYAN!! DIMAN LANG HUMINGI NG SORRY... BULAG KA BA? HA?" Walang preno! derederetsong sabi ko sa kanya. Tsaka ako nag habol ng hininga...
"Tsssk! Too many profanity. Dirty Mouth." Naka Poker face na sabi niya.
Aba naman talaga tong lalaking to napaka walang hiya!
YOU ARE READING
MAKE HER MINE: in 100 days
Teen FictionIsa lang akong Palaban na babae, sa palagi kong paglipat lipat ng skwelahan ng dahil lang sa isa akong basagolera, sumasali sa underground, nambobogbog ng mga taong daoat binubugbog! Pero na realize kong napakagulo ng buhay ko! Kaya nag pasya akon...