1

3 0 0
                                    

"We all have stories that no one else knows about."



    Lumalamig na ang simoy ng hangin, malapit na rin palitan ni buwan si haring araw na ngayon ay naghahasik ng kagandahan sa kalangitan, naghahanda na sa kanyang pahinga ngayong araw. The golden rays of the setting sun warm her heart and then she smiled. It feels so good. Inayos niya ang nakalugay na buhok na hinihipan ng hangin.

    Napansin niya ang mga tao sa paligid. Lahat sila ay may kani kaniyang ginagawa. May dalawang magkasintahan na parehong nakatingin sa repleksyon ng sinag ng araw sa dagat. Pareho itong nakangiti, si lalaki ay may binubulong sa babae na biglang tatawa at hahampasin ang balikat ng lalaki. The guy then took the hand of the girl and kissed the back of it. Napataas ang kilay niya dahil dito at itinuon ang paningin sa limang magkakaibigan na malakas na nagtatawanan. Napatawa siya ng mahina nang makitang muntik nang madulas ang isa sa mga ito sa sobrang pagtawa, mabuti na lang at nahila ito ng isa nitong kaibigan.

    Naagaw ang pansin niya ng isang batang hawak ng nanay nito at masayang nagkukwento sa ina. Hindi niya narinig ang sinasabi ng bata dahil lumampas na ito sa kinauupuan niya. Sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito, tinuro ng bata ang stand ng hotdog malapit sa fountain ng park na kinaroroonan nila. Ah, magpapabili. Inilibot pa niya ang tingin sa buong parke nang mapansin ang lalaking nakangiting nakatingin sa kanya.

    Tatlong beses siyang napakurap bago iiwas ang tingin dito. Iisang bench ang kinuupuan nila, parehang dulo— siya nasa kanang bahagi at ito ay nasa kaliwang dulo. She once again look at the setting sun, the mixtures of orange, red and pink blankets begin to vanish right before her eyes. She shifted her sit, placing her right thigh over her left and comb her hair and gently placed it on her right shoulder. Sa sulok ng kanyang mata ay nakikita niya ang lalaki na nakatingin pa rin sa kanya, she felt uncomfortable now.

    "Sunset is very beautiful, right?" Sabi ng lalaki. Hindi siya sumagot, baka kasi hindi siya ang kausap nito. "I love sunset. Tuwing nakatingin ako sa papalubog na araw— gaya nito, lagi kong naiisip na kahit hindi maganda ang naging simula ng araw ko, there will always be beautiful things to look forward to."

    Tahimik lang siyang nakinig sa lalaki. Lumipas ang limang minuto at hindi na niya narinig magsalita ang lalaki kaya napagpasyahan niyang tingnan na ito. Hindi naman ito umalis, nakatingin ito ngayon sa relo sa bisig. Nag-angat ito ng tingin at sakto naman na napatingin ito sa kanya. Hindi na niya naiiwas ang tingin kaya nginitian na lang niya ito. He smiled back.

    "Hi." Panimula niya. Awkward, yes. Hindi kasi siya sanay makipag usap sa hindi niya kilala. Gaya ng ginawa ng lalaki ay tiningnan niya sa hawak na phone ang oras.

19:10

    "Hello. Don't be scared kung sasabihin ko ito, ah. Lagi kasi kitang nakikita rito sa park, dito sa mismong pwesto na ito. Palagi kang nakatanaw sa papalubog na araw, mag oobserve sa paligid at ngingiti sa mga bagay na nakita mong kaaya aya sa paningin. Haha." Nahihiyang nagkamot ito ng ulo at ngumiti sa kanya.

     "Seriously? Napaka observant mo naman, na halos lahat ng galaw ko alam mo. Ang creepy nu'n, ah. Hahaha!" Awkward na sabi niya sabay tawa.

    "Sorry, I was just... Well, last week pa kasi kita nakikita na nandito, eh."

    "Talaga?"

    "Oo. Five thirty."

    "Nakakatakot ka, alam mo iyon."

    "Hahaha! Sorry. But I am not a bad person. Napansin ko lang talaga, lagi rin ako pumupunta rito pagtapos ng trabaho. Bago umuwi, upang tingnan ang paglubog ng araw. As I've told you kanina, I love sunset."

    "Oh, ako pala ang kausap mo kanina?"

    "Ikaw lang iyong malapit sa pwesto ko, hindi ko rin naman kinakausap ang sarili ko kasi nakakatakot iyon, haha!"

    "Hmm."

    Sampung minutong namayani ang katahimikan sa pagitan nila. She glanced at her phone again, 19:45. Usually, umuuwi siya ng ganitong oras. Hindi naman kalayuan sa park na ito ang apartment na tinutuluyan niya, walking distance lang. Pero parang hindi pa siya ready na umuwi, ang rason ay hindi niya alam.

    "Wala ka pang balak umuwi? Quarter to 8 lagi ang uwi mo 'di ba?"

    "Alam mo, ang creepy mo talaga. Na pati oras ng uwi ko ay alam mo. Baka naman pati bahay ko alam mo, ah. Nakakatakot ka na talaga."

    "Hahaha! Don't worry, hindi ako stalker mo. Kung ano ang nakikita ko sa park na ito ay mananatili lang dito."

    "I don't trust you."

    "Wala akong sinabi na pagkatiwalaan mo ako. Hindi tayo magkakilala. Ngayon lang din tayo nag usap."

    Hindi siya sumagot. Nakipagtitigan siya rito. Mapungay ang kulay tsokolate nitong mga mata na binagayan ng mahahabang pilik mata. Makapal rin ang mga kilay nito, ang ganda.

    "You know, anytime naman pwede kang tumawag ng pulis kung feeling mo may gagawin akong masama sa iyo."

    "Hmm."

     Saglit nitong tinanggal ang tingin sa kanya, tumingala at kinagat ang ibabang labi bago ibalik ang tingin sa kanya at ngumiti.

    "Alam mo iyong sinasabi ng iba na, 'mas okay kausapin ang hindi mo kilala kasi hindi ka nila ija-judge' alam mo iyon?" Nakangiting tanong nito sa kanya.

    "Oo." Tipid niyang sagot.

    "That is why I am talking to you now. I know na sa likod ng mga ngiti na pinapakita mo sa mga tao tuwing nandito ka sa park na ito, may... May lungkot diyan sa mga mata mo. Hindi ka masaya."

    "Paano mo naman nasabi iyan gayong hindi mo ako kilala?"

    "Paano ko nasabi? Madali lang."

    "Paano nga? Sabi mo kanina, kahit nakangiti ako hindi ako masaya. Nakangiti nga ako, e. Paano hindi naging masaya iyon?"

    "Because I can see myself in you. I've been there. Until now."

    "What do you mean?"

    "Tulad ng ibang tao, may problema rin ako. Pero tinatago ko ito sa mga ngiting pinapakita ko sa kanila. Tulad ng ginagawa mo."

    Matagal na katahimikan ang namayani, tanging ingay lang ng mga nasa paligid nila ang maririnig. Maya-maya ay tumayo na ang lalaki kaya napatingin siya rito. He offered his hand to her.

    "I don't want to end this conversation without having to know your name. But I guess it is much better this way. Maigi na hindi natin alam ang pangalan ng isa't isa. Para kung sakali mang magkita uli tayo rito bukas o sa mga susunod na araw ay hindi tayo mahihiyang magkwento nang nangyari sa araw natin. Are you okay with that?"

    Iniwas niya ang tingin rito at ngumiti. Pagkatapos ay inabot niya ang kamay sa naghihintay nitong kamay sa harap niya.

    "That's a good idea, I guess."

 

    "Hahaha! Okay, hello! It is nice to know you!"

    "Haha! Nice to know you, too."

    "It's time to go home now. Bye!" Paalam niya rito at nagsimulang maglakad, nilingon niya ito at kumaway rito habang nakangiti.

    "Bye! Ingat ka!" Kumaway rin ito pabalik at naglakad na palayo.

    Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa sumakay na ito ng bus kaya inumpisahan na rin niya ang paglalakad pauwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon