Patawad sa Paalam
PrologueNakatanggap si Nica ng malakas na sampal galing kay Donya Vareena. Napahawak sya agad sa kaliwang pisngi niya na ngayo'y ramdam niyang namumula na. Pero imbes na tumakbo at umiyak hinarap niya si Donya Vareena.
"ano po bang problema nyo saken?" nasa mukha ko ang galit at gusto ko na deng manaket pero kumalma parin ako dahil nanay pa rin siya ng taong mahal ko. Nanay pa rin siya ni Salvar.
Nakangisi si Donya Vareena at saka itinutok ang mata kay Nica. "Sigurado ka hindi mo alam?" Nanatili ako sa kinatatayuan ko.
Nasa garden kami ng bahay nila. Inimbita siya ni Salvar para sa isang dinner and to formally introduce si Nica sa family niya as his girlfriend. Pero gaya ng inaasahan ni Salvar, tutol ang pamilya niya sa relasyon nilang dalawa ni Nica. Dalawa na lang sila ng Donya sa labas dahil nag-insist si Nica na tumulong sa pagligpit. At habang wala ang mga katulong ay nilapitan siya ng Donya.
"Di pa ba sapat ang sampal ko para sabihin sayong layuan mo ang anak ko!" sigaw ng Donya pero sakto lang para sila lang makarinig na dalawa.
"Mahal ko po ang anak nyo"
"mahal mo siya o ang pera niya?"
Sa pagkakataong iyon ay tuluyan ng napaluha si Nica. Sa tingin kasi ng Donya sa kanya ay ang pera lang ang habol niya sa anak nito. Pinunasan miya ang mga luhang pumatak sa mga mata niya at tiningnan ang Donya.
"Magkano ba ang pera na kailangan mo? Isang milyon? Sapat na ba yun para mai-ahon mo ang squatter mong pamilya?"
"Hindi ko kailangan ng pera ng anak nyo" umiiyak na si Nica dahil sa hindi na niya malunok ang mga sinasabi ng Donya. "At hindi iyon ang habol ko sa kanya, mahal ko siya" may diin sa boses ni Nica. Pinapatunayan niya kasi sa harap ng Donya na hindi niya kailangan ng pera.
"Oh come on, wag na tayong maglokohan, im sure isa ka sa mga squatter na mukhang pera lang din" ani Donya na dinidiinan pa bawat salita nito.
Gusto ng gumalawa ng kamay ni Nica at gusto na nyang sampalin, sabunutan ang Donya pero hindi niya magawa. Lumuluha lang siya at itiniklop ang kamao. Pinipigilan niya ang sarili.
"layuan mo si Salvar, he does'nt deserve you. Alam mo kung saan ka bagay? Sa squatter na lugar mo, layuan mo siya, wag mokong susubukan"
"ipaglalaban ko po ang anak nyo" matapang na sabi niya sa Donya. Huminga siya ng malalim. "Kamatayan lang makakapagpahiwalay sa amin" pagkatapos sabihin yun ni Nica ay naglakad na siya palayo sa Donya. Nakalimang hakbang siya ng muling magsalita ang Donya.
Napatigil si Nica. "So, say hello to your death then squatter qirl"
Kumabog ng mabilis ang puso niya. Nakaramdam siya ng takot. Pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
-Ayan na po ang Prologue. Alam kong di ganun catchy pero catchy paren. Ha? Hahaha.
Gusto ko lang pong ipaalala na ,ang mga pangalan, lugar, pangyayari o kahit na ano mang mababasa niyo dito ay hindi totoo at produkto lamang ng imahinasyon ko. Salamat.
"Patawad sa Paalam" - Season One.
BINABASA MO ANG
Patawad sa Paalam (Season One) Slow Update
General FictionGaling sa mayamang angkan si Dr. Salvar Fuentabella Rodrigo. Lagi syang nakakatanggap ng Plaque Awards bilang isang outstanding Doctor. Isa sa mga projects niya ang taunang Medical Mission at ngayong taon na to ay sa Tondo sila magme-medical mission...