Prologue

832 17 2
                                    

NBSB? No Boyfriend Since Birth?


Hindi yan uso sakin dahil ako, taken na since birth.


Ang aga kong lumandi no? Siguro iniisip niyo na nasa tiyan pa lang ako ng mga magulang ko may nilalandi na akong gwapong fetus.


Pero hindi eh. Sana nga lumandi na lang ako para at least choice ko kung sino man ang lalandiin ko at kung sino man ang makaka-arrange marriage ko.


Arrange Marriage.


Ugh. Kadiri. Marinig ko pa lang yang salitang yan, nagkakagoosebumps na agad ako. Bwiset naman kasi. Kung kelan pa naging moderno ang buong mundo, saka naman naisipang muling ipauso yan ng mga magulang ko.


Simula pagkabata ko palagi na nila akong pinapaalalahanan na bawal akong mainlove kahit kanino. Ni bawal nga akong magkaroon ng crush o kahit lalaking kaibigan man lang. I must never get attached with anyone nor should I commit dahil ako rin lang naman daw ang masasaktan.


Pero nasaktan na ako eh. Ang bobo naman nila para hindi maisip na nasasaktan ako sa ginagawa nilang pag-control sa buhay ko at pagdedesisyon ng future ko.


Mga bobo. Pinapalibutan ako ng mga ganyang klaseng tao. Kung bakit ba naman kahit saan kami lumipat, panay bobo pa rin ang nakapaligid saakin.


Sila yung mga taong wala namang talagang alam, mema lang. Wala namang pruweba, chismis lang. Wala naman talagang paki, nakikiuso lang. At kung makahusga, wagas! Mas may alam pa tungkol sa akin kaysa sa sarili ko mismo.


Pero meh. Life is too short to be bothered by those problems. Life is too short rin to be commited to a single person, lalo na sa isang taong di mo pa nakikilala. 


Taken Since Birth

© 2016 PENPENdeSarahPEN

All Rights Reserved

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.

All names of people, places, and events are fictitious. Any resemblance to the real world is purely coincidental.

Sarah's Pen:

Uyy it's back mga bes. Version 2.0 ganern HAHAHAHA. Anyways, new names and cast. Same story, I think (?) hahahaha epekto ba to ng college hell life. Lol. Labyu guys, keep reading!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taken Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon