Prologue

2 1 0
                                    




"Camilla, meron daw tayong client. Balita ko bigtime 'yon!" Tuwang-tuwang sabi ni Lila.



Nahawa na rin ako sa happiness n'ya. "Talaga, sino?"



Ngumiwi naman si Lila. "Ay, hindi nag pakilala, e. Pero Mr. De Villa lang ang nilagay," kumunot ang noo ko, iisa lang naman ang kilala ko'ng De Villa.



Ang sumira at gumamit saakin.



"Sige balik na ako sa trabaho," tumango na lang ako at ibinalik amg atensyon ko sa mga papers na nasa ibabaw ng mesa ko.



De Villa? Hindi lang naman s'ya ang De Villa sa mundo, diba? Baka naman ka apelyido lang. Tama wag mo na s'yang isipin.



"Mommy!" Malakas na sigaw ni Maximus.



Tumawa ako at binigyan s'ya ng hug. Kauuwi ko lang galing trabaho. "Do you miss me?" Tanong ko dahil tuwang-tuwa s'ya, e.



Tumango ito at pinakialaman agad ang mga dala ko. "Nako, Maxi, tataba ka n'yan lalo," natatawang sabi ni mama.



Nag pout naman si Maxi. "But lola...." Paiyak na sabi ni Maxi.



Tumawa naman kami, para s'yang kinawawa dahil sa itsura n'ya. "Sige na anak go there," sabay turo ko sakanya ng dinning area. "Eat, but limit your self, ha," tumatawang tumango naman ito saka nag tatakbo sa mesa.



Tumingin naman ako kay mama na nakangiti sa'kin. "Dalwang buwan na lang apat na taon na si Maxi. Ang bilis ng panahon, parang ikaw dati, baby ka pa lang pero ngayon nanay na din." Naiiyak na sabi ni mama.



"Oo nga po, e. Mag aapat na taon na s'ya pero hindi n'ya parin kilala ang tatay niya. Paano ko ba ipapaliwanag sakanya ng maayos, ma? Sasabihin ko ba sakanya na ginamit lang ako ng tatay n'ya... na hindi man lang alam ng tatay n'ya na nabuo s'ya." Mahinang boses na pagka-kasabi ko.



Tumabi saakin si mama at niyakap ako. "Dadating din ang tamang panahon para d'yan. Hayaan muna nating lumaki ng ayos si Maxi bago mo sabihin sakanya ang lahat. Masyadong magulo ang sitwasyon hindi niya pa maiintindihan."



"Mommy?" Napalingon agad ako kay Maxi na biglang nag salita. Nag gagawa pa kasi ako ng paper works ko para sa new client.



Tumayo ako, nilagay ko muna sa gilid 'yung laptop. "What, baby?" Tanong ko sakanya.



Umalis ito sa pagka-kahiga at lumapit saakin. "I want to sleep... with you, mommy," mahinang pagka-kasabi n'ya.



Tumawa ako at binuhat s'ya. Medyo mabigat siya ng kaonti kaya umupo ako sa couch. Nilagay ko naman ang mga gamit lahat sa lamesa para maayos ang pag kakaupo ko. I caressed his back, mas madali kasi s'yang nakakatulog ng ganito.



"Nigth, mommy," he said before passing off.



"I love you, baby. Good nigth," I answered back.



Kung kompleto kaya kami si Zane kaya ang katabi ni Maxi sa kama habang wala ako. Siya kaya yung madalas na kasama ni Maxi sa mga place na gustong-gusto ni Maxi puntahan. Nung baby kaya si Maxi, s'ya kaya ang magpa-painom ng gatas dahil puyat ako. Da-da kasi ang first word ni Maxi, ang saya siguro ko'ng narinig n'ya mismo 'yon. Pero hindi ko kayang i-risk ang possibility na ayawan s'ya ni Zane. Ginamit ako ni Zane, it means na hindi n'ya ako mahal. Para saan pa kung sasabihin ko'ng may anak kami?



Nang maramdaman kong nakatulog na si Maximus ng maayos ay ihiniga ko na ulit s'ya sa kama at hinalkan sa noo.



"Balang araw anak, magiging kumpleto tayo..."



Maaga akong nagising dahil ramdam ko si Maxi na humihiga sa dibdib ko.



"Baby?" Nagta-takang tanong ko.



Tumingin ito saakin at ngumiti "Mommy, mooorniinggg!" Ngumit naman ako at niyakap s'ya.



"Morning, Maxi," aniya ko at hinalkan s'ya paulit-ulit sa pisngi, he chuckled.


Sabay kaming bumaba ni Maxi. Hawak-hawak ko ang kamay niya habang papunta kami ng dinning area. Sinabi n'ya kasi sa'kin na gusto niya daw ng choco shake at sinigang. Mamaya pa namang 10 A.M ang pasok ko, 6 A.M pa lang naman.



"Sinigang! Sinigang!" Maximus, chanting sinigang.



Nakakita naman ako ng maids na nag hahanda sa may kusina. "Nako, Ma'am, sorry po akala ko po kasi mamaya pa ang gising n'yo!" Tarantang sabi n'ya.



Umiling na lang ako. "Bumalik na po kayo sa pag tulog. Ako na lang po ang mag luluto ng breakfast. Si Maxi po kasi sinigang ang gusto," sabi ko.



"Ah, ganun po ba, Ma'am. Mag lilinis na lang po ako. Hindi na po kasi ako inaantok," tumango na lang ako at dinala si Maxi sa living area. Binuhay ko ang tv at si-net ko sa avengers.



Itinali ko muna ang buhok ko bago nag suot ng apron. Nag lagay ako ng gatas sa lamesa para hindi s'ya magutom. Sinimulan ko ng mag luto ng sinigang. Gumawa na rin ako ng choco shake. Fresh milk, isang kutsara ng cocoa powder, sugar at crushed ice.



"Oh, anak bakit ikaw ang nag luluto?" Tanong ni papa.



Nginuso ko naman si Maxi na tumatawa. "Si Maxi po kasi gusto ng sinigang at choco shake, kaya eto. Si mama po ba gising na?" Tanong ko kay papa.



Ngumisi naman ng nakakloko si papa. "Tulog pa, napagod kagabi, e," tumatawang sabi ni papa.



Napatakip agad ako sa tainga ko. Buti malayo si Maxi, curios pa naman 'yon. "Papa!" Pasigaw na sabi ko.



Tumatawang umalis si papat at pumunta sa living area para kulitin ang anak ko. Nang matapos na ako sa lahat ay nag simula na ako'ng pakainin si Maxi. Sumabay na din si papa at mama, pati 'yung mga maids. Ganyan ako hindi ko na titiis na iba ang turing ko sakanila. Kaya as much as possible sinasama ko sila sa kainan namin.



9:30 A.M na nung nakarating ako sa trabaho. Medyo traffic kasi. "Buti maaga kang dumating, Cam. 'Yung new client kasi maagang dumating," natatarantang sabi ni Tess assistant ko.



"Sige padala na lang nito sa office ko. Proceed na ako sa conference room." Buti na lang at prepared ako.



Lakad takbo ang ginawa ko para mapadali. Pag bukas ko ng pintuan ay parang umugat ang mga paa ko sa sahig. I saw a familiar man sitting in front.



-------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Scars of YouWhere stories live. Discover now