Isang palakang kabkab na mahilig gumawa ng tula ang naghinhintay ng kanyang prinsipe, naghihintay sa isang malumanay na ilog kung saan tumatama ang liwanag ng buwan na kaygandang pagmasdan ngunit nagbibigay ng kalungkutan sa nag-iisang nilalang na naghahanap ng makakasama at iibig sa kanya.
Palakang kabkab:
“Prinsipe, Oh prisipe ko
Kailan ba mararamdaman ang pagmamahal mo
Hangganng kailan ako maghihintay sayo
Kailan madarama ang pag-ibig mo”
Tumula lang ng tumula ang palakang kabkab hanggang sa siya ay nakatulog na, lumipas na ang isang gabi hinihintay parin ng palakang kabkab ang kanyang prinsipe ngunit hindi parin ito dumarating.
Kinabukasan, paggising ni palakang kabkab ay bumungad sa kanya ang kanyang kababatang si Bab. Si Bab ay ang matuturing na pinakamatalik na kaibigan ni palakang kabkab, araw-araw sila ay magkasama, naglalaro at nagkukulitan. Sa totoo lang ay gusto ni palakang kabkab si Bab, kayalang may gusto na raw si Bab ayon sa kanya, isang nilalang na mabait, masayahin, at totoo sa sarili, kaya hanggang kaibigan nalang ang turing ni palakang kabkab kay Bab.
Palakang kabkab:
”Para sa matalik kong kaibigan
Isang kaibigang hindi mapapantayan
Pangako ko sayo’y walang iwanan
Kaibigan kita magpakailan pa man”
Isang tula ang ginawa ni palakang kabkab para sa kanyang kaibigan na si Bab para sa nalalapit nitong karawan. Ngunit hindi sinasadyang narinig ito ni Bab:
Bab: ang galling mo naman, para kanino yan?
P.kabkab: ah, wala! wala!
Bab: weh, hindi nga, para siguro yang sa prisipe mo?
P.kabkab: pano mo naman nalaman?
Bab: ibig-sabihin para nga talaga yan sa prisipe mo!?
P.kabkab: hindi noh, wala naman akong prisipe eh, may gusto na syang iba.
Bab: ganon ba, sino ba kasi yung prisipe mo?
P.kabkab: basta… hindi ikaw…
At biglang tutakbo si palakang kabkab palayo kay Bab, nagtaka naman si Bab kaya sinundan niya ito at isa pa ay gusto sanang magpagawa ni Bab ng isang tula kay kabkab dahil nagandahan siya sa narinig niyang tula mula kay kabkab:
Bab: bakit ka tumakbo?
P.kabkab: bakit ba, ano bang pakialam mo sakin? (biglang talikod kay Bab)
Bab: WALA naman, nagandahan lang ako doon sa narinig ko kanina, pwede bang gawan mo din ako para sa gusto kong nilalang.
Napaluha nalang bigla si kabkab dahil ang tinuturing niyang kaibigan ay wala palang pakialam sa kanya, at nakuha pang magpatulong na manligaw ng iba, ngunit para hindi makahalata si Bab sa nararamdaman ni kabkab, ay nangako ito na tutulungan niya si Bab:
P.kabkab: sige, ako na bahala sa tula mo.
Bab: salamat
P.kabkab: sige, sige, uuwi na ako para masimulan ko na yung tula mo.
Umuwi na nga si kabkab, at naisip niya ang kanyang prinsipe, ngunit naisip nya rin na siguro ay wala na talagang pag-asa na dumating ang kanyang prinsipe. Ngunit tulad ng pinangako niya ay sinimulan na ni kabkab ang tulang ibibigay niya kay Bab para sa nililigawan nito, natapos niya kaagad ang tula at ipinakita na niya kay Bab:
P.kabkab: ito na yung tula mo… (inis na ipinakita kay Bab ang tula)
Bab: salamat hah
P.kabkab: ok, walang ano man… sige aalis na ko…
Bab: sandali lang,
P.kabkab: bakit?
Bab: pakibasa naman itong tula, sige na…
P.kabkab: bakit, di ka na marunong magbasa…!? (naiinis na sabi ni kabkab)
Bab: hindi naman…, sige na pakibasa na…
Sa sobrang inis at para tigilan narin siya ni Bab sa pangungulit nito ay binasa na nga ni palakang kabkab ang tula:
Palakang kabkab:
“Oh, Aking prinsesa,
Prinsesang napakaganda
Ang araw-araw ko’y iyong pinapasaya
At galak sa puso’y aking nadarama
Sa mga kilos mo ako ay napapahanga
Sa kabaitan mo, taob lahat sila
At wala na akong masasabi pang iba
Hiling ko nalang ay makasama ka”
P.kabkab: oh ayan, masaya ka na..!? (inis na tanong ni kabkab)
Bab: maraming salamat sa pagbabasa, pakitago naman yan para sa akin oh…
P.kabkab: kala ko ba ibibigay mo ito sa gusto mo? (nagtatakang tanong ni kabkab)
Bab: basta pakitago nalang yan…
P.kabkab: ano…! Ang galing mo rin noh…!, magpapagawa ka ng tula tapos di mo kukunin at gusto mo pang itago ko…!
Bab: wag ka nang magalit… hindi bagay sayo… ang ganda-ganda mo pa naman… (nakangiting sabi ni Bab)
P.kabkab: ano…!? (tanong ni kabkab habang nakakunot ang noo sa sobrang pagtataka)
Bab: basta… pakitago nalang yan… AKING PRINSESA…
At dyan nagtatapos ang kwento ng paghahanap ni palakang kabkab sa kanyang prisipe.
HINDI PA PALA SYA TAPOS GUSTO KO PA SYANG DUGTUNGAN EH... :) <3 <3 <3
BINABASA MO ANG
Prinsipe ka at ako'y palakang kabkab
FantasyAng Maikling kwento na ito ay nagsimula sa isang _____? (kayo na ang bahala kung ano sya) na naghahanap ng isang prinsipe na akala nya ay hindi na darating sa buhay nya ngunit _________? basahin nyo nalng sana matuwa kayo... <3 <3 <3