Chapter 2

11 1 2
                                    


“Sir, andito na po tayu sa eskwelahan. Ipasok lang naming yung mga gamit mo sa inyung tutuluyan.” Wika ni aleng maria.

Ingay ng pokpok ng martilyo ang sumalubong kay Dean sa pag pasok nya sa paaralan.
Dalawang maliit na silid aralan lamang na gawa sa kawayan ang mga dingding nito at dahon ng niyog naman ang bubong, ang mga upua’y gawa naman sa kahoy. Kanyang inuusisa ang loob ng silid aralan nang may nahulog kahoy at daglian syang nakailag.
“Sorry, muntikan ka pang mabagsakan ng kahoy.” Wika ng lalaki na nakapatong sa ibabaw ng bubong.
Napaligon si Dean sa kinaruruonan ng tinig na iyun. Isang lalaking matikas ang pangangatawan, medyo singkit ang kanyang mga mata, matangos na ilong at may kayumanging balat suot ang kupas na kulay ng tshirt na walang manggas kaya maaaninag ang kanyang braso.
“Walang anuman.” Nginitian nya ito. “Ako si Dean” wika pa nya.
“Ako naman si Gabriel. Gab nalang” tugon ng lalaki.
“Mag isa ka lang pala dito.” Ngiting tugon nya. “Tulungan na kita.” Dagdag pa nya.
“Sige ba!, iabot mo sakin yan.” Wika ni Gab at itinuloy ang pag kukumpuni ng sirang parte ng bubong.

“Ang tahimik dito no?” tanung ni Dean habang nag mamasid masid sa paligid. Ang kanilang tuluyan ay malapit lamang sa paaralan at napapaligiran ng mga puno at maririnig ang mga kuliglig mula sa kanilang kinaruruunan.
“medyo may kalyuan kasi yung mga kabahayan dito at hindi din matao ang baryong to.” sagot ni Gab.
“Siguro boring yung buhay dito, walang signal, walang internet. Teka? Wala din bang kuryente?” sabay tingin sa bubong at walang kahit anung appliances na makikita maliban na lamang sa radyong de baterya.
“Pano ba yan? Good Luck sayo” pabirong wika ni Gab.
“Welcome to Bario Sampungan” dagdag pa nya habang pinag tatawanan ni Dean.
Umismid na lamang si Dean kay Gab na parang naiinis na natatawa nalang dahil sa napagtanto nya.
“Marami nang Teachers yung pumunta dito. Isang buwan, dalawang buwan, ayun, di kinaya kaya nag palipat nalang sa ibang school” wika ni Gab.
“ikaw sa tingin ko di ka aabutan ng isang buwan dito” dagdag pa nyang pabiro kay Dean
“Grabeh ka naman, panu kung sumobra ako sa isam buwan hah?” sabi ni dean
“edi… Edi wow!” patawang tugon ni Gab.
“Grabe sya ohh.. Eh kung ganito ba naman katahimik bakit ako aalis?” tanung ni Dean
“Mukha kang City Boy eehh. Syempre di ka sanay sa ganitong lugar” seryusong wika ni Gab.
“City boy City boy ka dyan!, eto nga gusto kong lugar eehh. Tahimik… walang pressure tsaka pakiramdam ko Malaya ako” wika ni dean. “ikaw Gab?, Bakit di ka lumipat sa ibang school?”
Biglang nalungkot ang mukha ni Gab sa naging tanung ni Dean. “kung aalis ako? Sinu pa mag tuturo sa mga bata?, actually matagal ko nang gustong lumipat nung unang dating ko pa lamang dito. Peru ayun, pakiramdam ko mas kailangan nila ako dito” wika ni gab. “ikaw?” tanung nya kay Dean
“anu?” tugon ni dean. “kilan mo balak umalis?” pabirong tanung ni Gab. Hanggang sa nag tawanan nalang ang dalawa.
Maya maya pay sumapit na ang takip silim nang dumating si Mang kanor at aleng Maria na may dalang mga samotsaring pagkain at inihanda na nila sa mesa.
“Si tatay Kanor at nanay Maria nga pala” pag papakilala ni Gab kay Dean.
“Kain lang kayu, ayan may tinapa, may tinolang manok at yung isa naman ay paksiw” wika ni aleng Maria habang linalagyan ng kanin ang pingan ni Dean. “kumain ka ng marami, alam kong napagod ka sa halos buong araw mong byahe” dagdag ni aleng maria.
“Nako nanay maria nag abala pa kayu ni tatay” wika ni gab.
“nako, walang anuman yun. Tsaka may bago tayung salta.” Singit ni mang kanor habang isunubo na yung tinapang isda.
“Ay nako kanor, may pray muna. Nakakahiya kay Sir, baka isipin ang takaw takaw mo!”  pag tapik ni aleng Maria kay Mang Kanor.
“Eh gutom na ako eh! Daldal ka pa kasi nang daldal dyan!” pabirong wika ni mang Kanor.
At nag simula na silang manalangin at kumain. Nasiyahan naman si Dean sa unang gabi nyang panananatili sa baryo. Panay ang biruan nila habang kumakain na parang isang pamilya sa hapagkainan, bagay na ngayun nya lang naranasan. Simpleng pamumuhay kahit na lampara lamang ang nag sisilbing liwanag peru mababatid mo sakanyang mukha ang kasiyahan. Si gab naman ay sarap na sarap sa kanyang kinakain at si aleng maria naman ay nang bubusog ng kanyang mga kwentu tugkol sa buong araw na ginawa nila sa bukid.
“at syempre di matatapos ang gabing to na wala ang….. Tuba!” wika ni Mang kanor at inilabas nya ang isang puting galong nag lalaman ng coconut wine na kanyang naani nung araw na iyun. Nilagyan nya na din ang bawat baso. “Tagay!” wika nya. At mahaba habang kwentuhan ulit habang nasa hapagkainan.
Maya maya pay nakaramdam na ng pag kulo ng tyan at pag utot si Dean. “asan ang CR?” pabulong nito kay Gab. “Bakit?” tanung ni gab na natatawa parin sa kwento ni mang Kanor. “eehh lalabas nahhh!” tarantang tugon ni Dean kay Gab. Kaya nag madali syang itinuro sa dakong likod ng bahay.
Pinag mamasdan ni Dean ang masayang pag uusap nila gab at ng mag asawa hanggang sa mabaling ang atensyon nya sa mukha ni Gab. Hindi nya mapigilang titigan ang mapungay na mata nito , ang manipis na labi at parang naaakit sya sa bawat kilos nito. Tila nagkaroon sya ng pagkalito sa mga sandaling iyon dahil hindi babae ang kanyang tinititigan kundi si Gabriel. At hindi na sya nakaalis sa kanyang kinatatayuan.
“sir!, halika dito… sir!!!” ani aleng maria ngunit tulala parin sya hanggang sa matauhan ito.
“ahh.. anu po yun? Tanung nya”
“ang sinasbi ko kung may jowa ka na ba?”tanung ni aleng maria na nag tataka kung bakit parng tulala si Dean kanina na parang hindi narining ni Dean ang kanilang pinag uusapan.
“wala pa po” pangiting sagot nya kay aleng Maria.
“Ay nako pareho pala kayu ni sir Gab, alam mo ba? Tatlong taon na dito si sir Gab saamin peru nikahit kalian hindi nagkajowa… ee gwapo naman, moreno, may trabaho kaya nga sabi ko kay Ka Neneng na payagan nyang ligawan nitong si sir Gab yung dalagang anak nya. Ee aya…” tuly tuloy na wika ni Aleng Maria ng pinigilan sya ni mang kanor sa kakadaldal neto.
“Nako ka talaga Maria… kakadaldal mo! Basta ako wag ka muna mag aasawa, baka kasi iwan mo na kami dito ahh Anak” wika ni mang kanor na parang naluluha ngunit mapapansin mong lasing na sya.
“ako madaldal peru ikaw kanor ayan naman kadramahan mo. tara na umuwi na tayu lasing ka na.” sabay pinatayu at inakay na ang kanyang asawa.
Si Mang Kanor at Aleng Maria ang nag sisilbing magulang ni Gab buhat nung dumating sya baryong yun tatlong taon na ang nakakalipas. Tatlong pong taon nang mag asawa nila aleng  Maria at Mang kanor ngunit hindi sila nabiyayaan ng anak kaya ganun na lamang ang pag aalaga na binibigay nila kay Gabriel at syempre sa mga dumadating na bagong Guro ng paaralang iyun.

Medyo may kaliitan lang ang kanilang kubong tinutuluyan na gawa sa kawayan ang papag at dingding na may iisang kwarto lamang.
“dito ka matutulog ako naman dun sa kabilang gilid” wika nya kay Dean habang inaayus ang banig na hihigaan.
“Tara matulog na tayu. Goodnight!” pahikab na wika ni Dean.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sunset LoveWhere stories live. Discover now