Chapter 1

7 0 0
                                    

"Mag iingat ka palagi."

Gusto ko syang isumpa at murahin pagkatapos nyang isend yung message na yan, ang kapal ng mukha nya pagkatapos ng lahat?
Pinigilan ko na lang yung sarili ko at inignore message ko na lang.

Well, that was his last message ever since we broke up. It's already 1year ago pero nasasaktan pa rin ako. While him, meron na syang bago.

Andito ako ngayon sa kwarto reminiscing our memories. Naiiyak na naman ako, 'di ko pa rin tanggap na ganoon lang kadali para sa kanya.

I gave everything, I gave myself to him, para mag stay sya. Kala ko nagbago na sya eh, akala ko ako na yung magiging dahilan ng pagbabago nya, pero hindi.

More than 2 years din yung relationship namin, until nagsawa sya napagod, hindi na kami magkaintindihan. Yes, i'm mad at him dahil never siyang gumawa ng paraan para magkaayos kame, while me palaging ako, but at the same time di pa rin nawawala yung pagmamahal ko sa kanya.

Never ko siyang sinukuan. Tiniis ko yung ugali niyang sobrang hindi ko maintindihan, pinipilit ko yung sarili ko na wag sumuko. Nagpapakarupok ako para sa kanya, pero nung ako yung napagod wala siyang ginawa. Kingina sobrang saket. 2years pre pero sobrang dali lang sa kanya. Isinuko ko lahat. Sarili ko, mga kaibigan ko na pinagseselosan niya. Kahit sobrang toxic. Iniwasan ko lahat, pero wala lang lahat yun sa kanya. Minahal nya ba talaga ko?

Malapit ng tumulo ang luha ko ng biglang may pumasok sa kwarto ko, nang hindi man lang kumakatok at, dali dali akong dinaganan. Panira ng moment.

"Hoyyyyy WAHAHAHAHAHAHA" Si Lheil pinsan slash bestfriend ko, kahit sakit ng ulo ko yan mahal na mahal ko sya. Alam nya almost everything about me.

"Aray ko! Yawa ka Lheil! Umayos ka nga"
singhal ko sakanya.

"Ulol!!! Nagdadrama ka nanamang kinangina mo HAHAHAHA di mo pa rin nakakalimutan yung pangit na yon? HAHAHAHA" tangina ang ingay.

"Blah blah blah dami mong alam. Ginagawa mo dito?" Tanong ko na lang

"Gala tayo!!may irereto ako sayo HAHAHAHAHA"

"Di ako interesado"

"Move on Shanaiah!!!! Kaya di ka sumusulong e. Magbihis ka na bilisan mo! Hintayin kita sa sala nyo."

Inirapan ko na lang sya at sumunod na lang din, naligo na 'ko at nagbihis. Nagsuot na lang ako ng maong shorts at crop top, kinuha ko na din yung wallet ko.

Nadatnan ko naman sa sala si Lheil, habang nanonood ng tv at naka taas pa ang paa. Hays.

"Tara na hoy!"napatingin naman sya sakin.

"Ay wow sexy." bola pa ng peste at tumayo na din.

Nagpaalam muna ako kay mama na nasa kusina. Nagluluto sya ng kung ano ano. Libangan na nya yan ever since mawala si papa dahil sa sakit sa puso. Parating naman na siguro si kuya galing trabaho kaya may makakasama pa rin sya.

"Maaaa alis muna po kameee!"

"Osya mag iingat kayo ha! Alam nyo na tama at mali! Yung pagmomotor! Ikaw shaneng yung pagmamaneho mo kilala kita!" Aba'y nanermon pa nga.

"Oo na po mamaaaa. Babye na po." Sabay halik sa pisngi

"Babye titaaaa" singit pa netong mukang singit. Binatukan ko naman sya.

Tumawa naman si mama at umalis na kami sa kusina.

Lumabas na kami at sumakay na sa kanya kanyang motor. Oo magkahiwalay kami ng motor.

"Hoy tubol san tayo?" Tanong ko naman habang sinusuot yung helmet ko.

"Sa langit."

"Pakyu!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA basta sundan mo lang ako." Pinaandar na nya yung motor nya. Sumunod na din ako.

Dumaan muna kami sa gas station para mag pa gas. Malamang!

"Full tank po, premium" sabay abot ng bayad. Ganun din naman ang ginawa ni Lheil.

Pagkatapos ay tumuloy na kami kung san mang lupalop ako dadalhin neto.
Isang oras din yung byahe at nakarating din kami.

Tinanggal ko na ang helmet ko. Pinark na namin ang mga motor at  tinignan si Lheil na nakangiti na ngayon. Napatingin naman ako sa paligid.

Sa isang malaking field may mga cute dogs na parang tini-train nila. May mga bata nakikipag laro sa mga aso na mukang enjoy na enjoy.

"Sabi ko na magugustuhan mo eh HAHAHAHA" nabigla naman ako kay Lheil na ngayon ay nasa tabi ko na.

Hinila ko na lang sya at tumakbo palapit sa mga aso. I really really love dogs. May aso kami dati ng ex ko si Granger isang husky. Sa kasamaang palad namatay ang pinakamamahal kong aso dahil sa sakit.

"Hoy wag kang iiyak HAHAHAHA" nandito na kami sa loob ng field naglalakad habang tinitignan yung mga aso.

"Gago ba't naman ako iiyak"irap ko kay Lheil.

"Eh mukang namiss mo yung mukang aso mong ex eh HAHAHAHA" hayop 'to hindi nawawalan ng tawa.

"Nyenye bahala ka nga jan" iniwan ko na lang sya dahil may nakita akong cute na chihuahua hehe.

"HOY TANDAAN MO AKO NAGSAMA SAYO DITO!!" Habol pa ng siraulo pero 'di naman na ako sinundan dahil may nakita din syang aso na malamang ay pagtitripan nya.

Habang nagpapahabol na nga si Lheil dun sa aso nakaupo naman ako sa may damuhan dito habang hinahaplos yung ulo netong chihuahua. Well trained at well vaccined naman daw yung mga aso dito kaya kung makagat man 'yang si Lheil di pa naman mamamatay yan HAHAHAHAHAHA.

Dahil nainip naman ako na nakaupo lang kumuha ako ng bola para makipaglaro kay nana yung chihuahua binigyan ko na ng name hehe.

Hinagis ko na yung bola at dali dali namang hinabol ni nana habang tuwang tuwa naman akong pinapanood sya. Ang cuteeee.

Nang makabalik si nana ay hinayaan ko na muna siyang maglaro kung saan saan. Pwede kayang bilhin 'to?

"Shanaiah?" Gulat akong napatingin sa may likuran ko ng may biglang tumawag sakin.

Ngiti ang iniharap ko sa kanya. Ngiti upang maitago ang hapdi at kirot na dulot nya.

"Shanaiah!" Si lheil na kadarating lang na may kasama pang isang lalaki. Ngunit nabigla din sya ng makita kung sino ang kaharap ko ngayon.


"Joash.."

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Just The Way I AMWhere stories live. Discover now