Chapter 2

4 0 0
                                    


"Joash.." hindi makapaniwalang bigkas ni lheil.

"Hey nice seeing you again Anong ginagawa nyo dito?"

"Wala nagsiswimming, kita mo lumalangoy kami oh" sarkastikong sagot ni lheil umarte pa na parang lumalangoy amp. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Natawa naman ng bahagya si Joash.

"Ah wala naiinip kase kame kaya nag aya yan" turo ko kay lheil at tumawa naman ako ng pilit. Gago wala kang pake. Tangina gusto ko ng umalis.

"Hm, ganun ba. How's life goin' Nayah?Lheil? And?.. humarap naman sya sa lalaking kasama ni Lheil. Kung maka asta to parang walang ginawang masama tsk.

"Ah boyfriend ko" hinatak ko naman sa braso yung lalaki na ngayon ko lang naman talaga nakita.
Nabigla naman sya pero tinignan ko sya ng makahulugang tingin at mukang na gets naman nya.

"Oh really?" Gago ampota di pa makapaniwala.

"Yes, and we need to go na pala may pupuntahan pa kame" paalam ko na dahil yung kinginang pusong 'to di nakikisama.

"Is that so? Well, mag iingat ka palagi." Sabi pa nya na nakangiti sinuklian ko naman iyon ng pekeng ngiti at hinatak ko na yung dalawa kong kasama.

"Ang kapal din ng muka nun no? Kung makaasta ah feeling mabait sarap sapakin" well, tama ka lheil.

"Sino ba 'yon?"

"Ikaw sino ka ba?" Baling ko naman dito tinaasan ko pa ng kilay. Taray ko lang. Si lheil naman ang nagsalita.

"Ah si Sean nga pala barkada ko(yung irereto ko sayo)" bulong pa nito sa huli pero rinig na rinig naman siraulo talaga 'to hays. "Sean si shanaiah cousin slash bestfriend ko, ganda nya no? AHAHAHAHAHA". patuloy pa nito.

Well, gwapo din naman 'tong lalaking 'to. Maputi, singkit, kissable lips sarap laplapin gago HAHAHAHAHA charot.

"Glad to meet you Shanaiah" nilahad naman nya ang kamay para makipag shakehands sakin.

"Well, i'm not that glad to meet you Sean" nakipagshakehands pa rin naman ako at binigyan sya ng pekeng ngiti. Di ako easy to get hoy! Di porket gwapo ka!

"Wow ah? After mo 'kong ipakilalang boyfriend mo dun sa kung sino man 'yon. How nice of you."

Nahiya naman ako sa sinabi nya kaya napaiwas na lang ako ng tingin at binalingan si Lheil na tuwang tuwa na pinapanood kami. Hayop.

"Hoi John Lheil Payumo! Nasira na araw ko alis na tayo dito!"

"Calm down bessy HAHAHAHAHA kain muna tayo mang inasal gusto ko. Kayo??" Suggest pa ng loko tiningnan ko naman sya ng parang papatay na.

"Alam mo sarap mo sakalin!"

"Ay oo nga pala HAHAHAHA bitter ang nanay nyo dzai! HAHAHAHA" kung di lang to babaero mapagkakamalan ko ng bakla 'to.

"I have a suggestion if you guys don't mind?" Si sean

"Sige lang bro, san yan?" Tanong naman ni Lheil.

Btw nandito na kami sa pinagparkingan namin ng motor. Pati pala si Sean naka motor din.

"Sundan nyo na lang ako promise masarap dun" tumango na lang kami at kanya kanya ng nagsuot ng helmet at humarurot.

Nakarating naman kami ng matiwasay kahit sobrang bilis magpatakbo ng dalawang 'to sa isang lugar na puno ng kainan.

Nasa harap namin ngayon ang kainan ng Beef Pares sa right side naman nito ay Chicken wings sa left naman ay Shawarma Zone. Parang food court sya. Bijj i'm gonna go with chicken wings and shawarma. I don't like beef for pete's sake ayaw ko ng amoy nya.

"Pili na kayo" nakangiti naman na sabi ni Sean.

"Kuha muna tayo ng mauupuan" suhestyon ni Lheil. Habang nagtitingin tingin sa paligid.
"Doon oh! Bakante pa" turo nya pa sa isang bakanteng pwesto pumunta naman na kami doon.

"Magbantay ka dyan Nayah ako na oorder sayo." Si lheil. Well alam naman na nya gusto ko.

"Ano pa nga ba magagawa ko?"

"Tara na bro" aya nya kay Sean.

Makalipas naman ng kalahating oras na paghihintay ko nakabalik na din ang dalawa dala ang pagkain. Gutom na gutom na ko.

"Ba't ba ang tagal nyo ha?" Salubong ko sa mga peste.

"Eh kase naman madam ang haba ng pila sa gusto mong pagkain!"
Inirapan ko na lang silang dalawa at umupo na sila.

Dali dali ko namanv binuksan ang pagkain ko at kumain na. Ganoon din naman ang ginawa ng dalawa.

Walang nagsasalita habang kumakain kami dahil halata namang gutom na gutom ang lahat.

Nang matapos ng kumain napagpasyahan namin na magpahinga muna sa labas sa may open field na parang park.

Napagigitnaan naman ako ng dalawa habang nakaupo kami sa tapat ng fountain.

"Grabe ka pala kumain Shanaiah sa payat mong yan" si Sean na feeling close. Tinawanan pa nga ako.

"Wala kang pake. Eh kayo ngang dalawa parang sumabak sa gyera eh mga tomguts" sabi ko na lang

"Don't worry mas malala ka" nakangising banat nya pa.

Babatukan ko na sana sya ng biglang sumingit si Lheil.

"Alam nyo bagay kayo! Kayo na lang kaya? HAHAHAHAHA" banat ng gago kaya sya na lang ang binatukan ko.

"Asa!" Sabay naman kaming nagsalita ni Sean.

"O diba? Meant to be talaga kayo! HAHAHAHAHA" asar pa nya lalo.

"Bakit ba sinama mo pa yan?" Tukoy ko kay Sean.

"Diba sabi ko may irereto ako sayo"

"Sinabi ko naman na hindi ako interesado diba tsaka ayoko nyan ang sama ng ugali!" reklamo ko kahit wala namang ginagawa si Sean maliban sa mang asar.

"Minsan lang ma free yan eh wala daw siyang ginagawa ngayon kaya inaya ko na lang baka type mo eh HAHAHAHAHA" gago ka talaga lheil.

"Ehem nandito lang ako oh. And Ms. Shanaiah ayoko din sayo. Nabaling naman ang atensyon namin kay Sean na ngayon ay nakangisi.

"Ala akong pake bleh" asar ko na lang natawa naman silang dalawa ni Lheil.

"By the way sino yung lalaki kanina na pinakilala mo ko as boyfriend mo?" Di naman ako nakasagot kaya si Lheil na lang ang nag salita.

"Ex nyang panot"

"Oh I see. I get it now" natatawang sabi naman ni Sean. Habang natahimik naman ako. Tumahimik na din ang dalawa.

Pero natigil din ang katahimikan ng biglang may kumalabog.

Sinuntok ng isang lalaki yung pader. Nag away yata sila ng girlfriend nya na ngayon ay mukang nag aalala.

"Sh*t I'm sorry baby kasalanan ko 'to naging pabaya ako" sinuntok ulit ng lalaki ang pader habang umiiyak na rin.

"No baby ko hindi mo kasalanan na hindi pantay ang bangs ko. Stop na baby ko huhu" iyak ni ate girl.
At nagyakapan na sila.

Ok what the actual fuck?












Just The Way I AMWhere stories live. Discover now