That Eleven days of my Life.

78 3 6
                                    

Nagmahal kanaba? Nasaktan kanaba? Nagsakripisyo kanaba para sakanya?

Paano kung malaman mong sandali mo nalang sya makakasama? Mamahalin mo padin ba sya?

Magsisimula ang Storya kay Joey. Babae sya, panglalaki lang yung pangalan. Sobrang perfect na nga nya. Matalino, Mabait, Masipag, Mayaman, Maganda, at ang pangarap ng mga lalaki, SEXY! :') March na nga kasi kaya nagulat sya nung nabilang sya sa honor roll. As 1st Honorable mention. After graduation, as reward, pupunta sila ng buong pamilya nya sa Ilocos! Excited sya. First time nya kasi dun.

Nagpabook na sila sa hotel, kumuha ng ticket at byumahe na! ILOCOS, HERE WE GO!!!

Habang nagchecheck in sila Joey sa hotel, naisipan nyang lumabas. Gustong gusto nya na kasing mamasyal. At habang naglalakad palayo sa hotel, nagpipictute picture sya para sa Instagram. Habang naglalakad, nabunggo sya ni Vince, nagmula sa mahirap na pamilya. Hindi masyadong gwapo, pero matalino. Valedictorian sya nung katatapos lang nila na graduation. Galit.na galit si Joey at ang sungit sungit nya nung nabunggo sya. Ngunit, napagtripan pa sya ni Vince, sinundan nya ito at pinagtawanan ng pinagtawanan kaya ang ginawa nalang ni Joey eh bmalik sa Hotel.

Dahil sa pagod na yung mga kasama nya, nanay at tatay, Kuya at Bunsong babae, natulog silang lahat. Kaya lumabas ulit si Joey. Habang kumukuha ito ng litrato, biglang may kumuha ng Cellphone nito. Nagsisigaw sya at narinig ito ni Vince. Sabay habol at Sapul! Nakuha nya ang Cellphone ni Joey!

Vince. Magiingat ka kasi!

Joey. Oo. Magiingat nako. Salamat talaga ah?

Vince. Wala yun.

Joey. Ako nga pala si Joey, Joey Ynfante.

Vince. Ang macho ng pangalan mo ah? Ako si Vince. Vince Andre Mercado.

At dun na sila naging sobrang close. Nagkwentuhan sila ng tungkol sa buhay buhay. Naglaro sila ng habulan, patintero at kung ano ano pa. Nagpitikan ng tenga, naghatakan ng dalire, nagbatuhan ng buhangin.

Dumaan ang mga araw, sila lang ang magkasama, hindi nila narealize na matagal na pala noong una silang nagkakilala.

Vince. Uuwi na talaga kayo bukas?

Joey. Kailangan eh. 11 days na kme ngayon o? Bukas na flight namin pauwi.

Vince. Mamimiss kita.

Joey. Sobra kitang mamimiss. Basta, palagi molang iisipin na yung 11 days na magkasama tayo, yun yung best 11days ng buhay ko. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito.

Vince. Masaya ako kasi nakilala kita. Sana walang kalimutan a?

Joey. Promise.

At nangako sila gamit ang kanilang hinliliit sa kamay. Dahil walang cellphone si Vince, pagbalik nila Joey sa Manila, nawalan na sila ng komunikasyon. Halos dalawang buwan na ang nakalilipas, magpapasukan na. First day nila sa College. Si Joey, kumuha ng Mass Communication course. Si Vince, dahil sa kahirapan, titigil nalang sa pagaaral. Ngunit dahil sa matalino ito, nabigyan sya ng Scholarship ng kanyang school. Mass Communication sa Manila. Sa Eiwill International School Manila. Tinanggap nya ito.

First day, pumasok na si Joey. Magisa lang sya at tahimik. Maya maya, biglang dumating si Vince. Oo, nagkapareho nga sila ng school. At magkaklase pa. Binigyan ni Vince si Joey ng ngiti ngunit wala itong isinukli. Hangang nagkaroon na ng orientation, usap usap with their profs at nagdissmissal na.

Vince. Joey! Bat dimoko pinapansin?

Joey. ^______^

Vince. Ano ba? Ginagago mo bako? Kausapin moko.

Joey. Hindi kita kilala. Layuan monako at wag kakausapin kahit kailan.

Ipinagtaka ito no Vince, pagtalikod ni Joey, umiyak nalang ito sa sobrang sakit ng sinabi sakanya. Habang sabay pala silang umiiyak ni Joey. Kinabukasan, kinausap ni Vince si Joey ng maayos.

Vince. sabihin mo sakin bat tayo nagkaganito?

Joey. Hindi kita kilala.

Vince. Joey! Sabihin mo yung totoo!

Joey. Gusto mo ng totoo? Osige. Bibigyan kita ng totoo. 11days lang tayo nagkasama diba? Sobrang saya ko nun. Kase minahal na agd kita. Kaya paguwi ko dito, umiiyak ako pagnaiisip kita. Limitado lang oras natin non.

Vince. Noon yon. Ngayon, kahit kelan pwede tayong magsama, magusap.

Joey. Ngayon, limitado padin ang oras natin. Mamimiss lang kita ulit at baka ganon kadin.

Vince. Ano ibig sabihin mo?

Joey. May sakit ako sa puso. 11 months nalang daw ako mabubuhay. At ayokong masaktan ka ulit dahil kulang nanaman ang oras natin.

Vince. Kung nabigay ko ang pinakamasayang 11days mo, ibibigay ko ang pinakamasayang huling 11 months ng buhay mo. Mahal kita.

Joey. (umiiyak) mas mahal kita.

At nung araw din nayun ay naging sila. And that's June 11. Habang dumadaan ang panahon, lalo nilang minamahal ang isa't isa. Dumaan ang pinakamasaya at pinaka nakakakilig na araw para sakanilang dalawa. Magkasama nilang ginawa ang mga bagay kung saan, ipinagbabawal ng gawin ni Joey. Magbike, tumakbo, magswimming, magsaya. Ngunit, nalagpasan nilang dalawa yun ng magkasama. Dumating na ang April, ang itinakdang pang 11month ng buhay ni Joey.

Joey. Mamamatay nako.

Vince. Wag mo sabihin nyan. Ano bang gusto mong regalo sa Monthsari natin?

Joey. Ang maging masaya ka pag nawala nako.

At pagkasabi ni Joey nito, bigla nalng iyong nawalan ng malay, dinala ni Vince si Joey sa ospital para iligtas pa muli o pahabain pa ang buhay nito ngunit isa lang ang sinabi sakanya ng doktor, kung walang magbibigay sakanya ng puso, there are no possibility that she will wake up again. Paglipas ng 11 days, nagising si Joey.

Joey. Ma. Pa. I love you po.

MP. Mahal kadin namin. (umiiyak)

Joey. Nasan po sya?

Ma. Sulat nya to o! Basahin mo.

Dear Mahal,

Pag nababasa mo to ngayon, ibig sabihin, successful yung operasyon mo. Sorry kung hindi na kita nahintay ah? Sorry kung diko natupad yung pangako ko sayo na walang hanggan. Basta palagi mong iisipin na mahal na mahal kita. Naalala mo nung tinanong kita kung ano gsto mong regalo sa monthsari natin, sabi mo, maging masaya ako, ngayon, ako ang hihingi sayo nyan. wag ka iiyak. Basta palagi mong tandaan na yung puso ko, nasayo. Na lagi akong nanjan sayo. Mahal na mahal kita.

Ma. Oo. Binigay niya nga yung puso nya sayo. Ganyan kanya kamahal.

Joey. (umiiyak) today is April 11. I love you babe! Happy 11th Monthsari. At dadating pa ang another 11years at 111years sa ating dalawa. Mahal na mahal kita.

Bigla ngang nabago ang mundo ni Joey. Wla na si Vince sa tabi nya ngunit may isang bagay na sigurado ako. Yun ay ang hangang sa kamatayan, silay nagmamahalan.

Vince Andre Mercado. RIP April 11, 1985

Joey Ynfante. RIP April 11, 2011

Thanks for reading! ^_________^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Eleven days of my Life.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon