Chapter 1

8 0 0
                                    

"Mom? What's that number above your head?"

Tanong ng isang batang babae sa kanyang nanay.

Napakunot naman ng noo at tumaas ang kilay ng nanay ng bata habang inaayusan ito ng buhok sa harap ng salamin sa kanyang kwarto.

Alas otso na ng gabi at naghahanda na silang matulog.

"Hmm? Bakit anong number nakikita mo?" Tanong nya sa anak kahit na maski sya ay di alam kung saan nagmula ang tanong ng bata.

"One." Masayang banggit ng bata habang minumustra sa kamay ang numero.

Natapos ng suklayan ng nanay ang kanyang anak at binuhat ito.

Naglakad sila papunta sa veranda ng kwarto at binuksan ang pintuan patungo sa labas ng kwarto.

Gabi na noon at tirik na rin ang buwan. Tanging iyon lang ang ilaw nila sa pwestong iyon.

"Anak, look at the moon." Ani nya na agad namang sinunod ng bata. "Nakikita mo ba kung ilan ang buwan?"

"One."

Ngumiti ang nanay sa bata at binigyan ito ng halik sa noo at niyakap.

"You see, the number above my head represents the moon. I may have only one number, it may not be a great amount of number compare to thousands and millions, but it's like the moon. You can't have a million moon or else you'll never be able to live. You only have one, and that's enough for you to continue."

"I don't get it Mommy." Nagugulumihanang pahayag ng bata.

"You'll understand it when time comes."

Humiwalay ang nanay sa pagkakayakap sa bata at hinawakan ang dalawang gilid ng mukha nito at binigyan ng seryosong titig ang bata.

"Baby, can mommy make a promise with you?"

"Of course Mommy, I like keeping promises." Ani ng bata.

"Promise me you'll never tell anyone about the number you see above their head. Okay?"

"Why?" Nagtataka ang bata dahil ang alam nya ay normal naman ang numerong nakikita nya.

"Because Mommy loves you. Okay baby? Please? You love Mommy too right?"

"Yup, I love Mommy so much."





At ang gabing yun ang huling beses na nasabi ng bata sa kanyang ina kung gaano nya ito kamahal.

Down and upWhere stories live. Discover now