TIRED BY LOVING YOU

46 5 6
                                    

❁ཻུ۪۪⸙͎❝TIRED BY LOVING YOU❞
✍︎𝐸𝑅𝑅𝑂𝑅𝑆 𝐴𝐻𝐸𝐴𝐷

"Vanessa? Di ka ba na papagod? Kakahabol kay Ramzes?" tanong ni Mark, bestfriend ko.

"Hindi mahal ko eh." sabi ko sabay ngiti. Ewan ko ba alam ko sa sarili ko siya lang ang mamahalin ko ng ganito.

"Vanessa, ako ang naaawa sayo" mahinang sabi niya. Tumawa naman ako.

"Ano ka ba! Ayos lang! Mahal ko siya kaya gagawin ko lahat para mahalin niya ako, okay" sabi ko sabay tapik sa balikat niya. "Sige na alis na muna ako bibigyan ko pa siya ng lunch" sabi ko sabay tayo.

Naglakad ako papuntang canteen, alam kong andoon yon kasama ang mga kaibigan niya.

Nakangiti akong nag lalakad habang hawak-hawak ang lunch box. I'm sure magugustohan niya ito.

Tinignan ko ang buong canteen at nakita ko sila sa gitna nag tatawanan.

"Buti na lang hindi pa siya nakakabili ng pagkain" mahinang sabi ko sa sarili ko at tumakbo ako papunta sakanila.

"Hi Ramzes" sabi ko sabay kaway.

Napatingin naman saakin ang mga kaibigan niya at sabay-sabay na tumawa, kumunot namanang noo ko sa reaction nila.

"Ano nanaman ang problema mo?" sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Pinag luto kita ng adobo" sabi ko sabay abot sa lunch box.

Tumaas naman ang kilay niya at natawa. "Sa tingin mo ba wala akong pera pang bili ng pagkain ko?"

"Hindi naman---" napatigil ako sa pag sasalita nang maglahad siya ng kamay.

"Akin na" sabi niya agad ko naman binigay ang lunch box, tumayo siya at nag lakad papunta sa..... basurahan.

Tinapon niya yon at bumalik sa puwesto. Nanatili ang tingin ko sa basurahan dahil sa ginawa niya.

"Oh? Anong ginagawa mo pa dito?" tanong niya. "Umalis ka na kinuha ko naman na ang binigay mo ang kaso tinapon ko." sabi niya sabay ngiti.

Tumawa naman ang mga kaibigan niya, at lahat ng estudyante nakatingin saamin..... saakin.

"Bro, Hahaha baka umiyak nanaman yan" sabi ni Lucas na kaibigan ni Ramzes.

Yumuko ako dahil sa kahihiyan

"The hell I care" narinig kong sabi ni Ramzes. Unti unting naninikip ang dibdib ko, nag simula na din mamuo ang mga luha ko.

"Well andito nanaman ang manliligaw mo, Ramzes" sabi Fiona girlfriend ni Ramzes.

"Babe, andito ka na pala" sabi ni Ramzes sabay halik sa pisngi ng babae.

"Yes babe bumili ako ng food natin. Oh bat hindi ka pa umaalis?" mataray na sabi ni Fiona

"Vanessa!!" tawag ni Mark kasabay non ang pag hawak niya sa braso ko. "Let's go" sabi niya sabay hila saakin.

"Oh the super hero." hindi pa kami nakaka-alis ay narinig ko pang sinabi yon ni Ramzes.

Narinig din ni Mark yon dahil huminto siya at tumingin ng masama kay Ramzes.

"F*ck you" aniya at kinaladkad ako paalis.

"Bakit hindi mo kayang layoan ang lalaking yon, Vanessa?!" sabi niya ng makalayo na kami sa canteen.

Hindi ko siya matignan at hindi pa din ako makapag salita dahil sa pag tapon ni Ramzes ng pagkain na niluto ko.

"Vanessa!" halos isigaw na niya yon.

TIRED BY LOVING YOU (ONE SHOT) Where stories live. Discover now