[Irene's POV]
Sana hindi kami awkward.. Gusto ko lang siya makausap ng maayos.
Nagkatinginan kami at lumapit sa isa't isa. Ang lamig pa naman ngayon kasi winter.
Seulgi: Hi bunny!
Ang lawak ng ngita niya sakin.
Irene: Hello..
Naiilang ako, nahihiya ako kahit gusto ko kausapin.
Seulgi: Kumain ka na ba?
Ngumiti siya habang tinatanong ako.
Irene: Hindi pa...
Seulgi: Tara! Libre ko na.
Irene: Wag na.. May pera naman ako..
Seulgi: Ako naman nagyaya eh!
Ang cute pa din niya ngumiti. Nawawala yung mga mata niya pag ngumingiti eh.
Bigla niyang hinawakan kamay ko na ikinagulat ko.
Seulgi: Sige na. Tara na.
Kinakabahan ako. Kingina.
Tiningnan ko pagkahawak niya sa kamay ko.
Seulgi: S-sorry... Ayaw mo ba?
Inalis niya kamay niya sakin.
Seulgi: Gusto lang kita yayain bunny.. Sige hati nalang tayo sa bayad kung gusto mo..
Nag adjust na siya sakin. Wow, ang cute.
Irene: Sige..
Pumunta na kami sa restaurant para kumain. Pagkadating ng pagkain halos lahat hinanda niya na para sa akin. Chopsticks, tubig, inihipan yung mainit na sabaw.. Lahat na yata.
Irene: S-salamat... Seulgi..
Ngumiti lang siya.
Tinitingnan ko lang siya habang kumakain.
Napatanong ako sa isip ko.
'Okay lang kaya mahalin siya ulit?' Napahinga ako ng malalim kaya napatingin siya sakin.
Seulgi: Bunny, okay ka lang?
Sumang ayon lang ako.
Bumalik na kami sa pag kain hanggang sa dumating na yung bill. Kinuha ko na yung wallet ko pero pinigilan niya ako.
Seulgi: Wag na. Ako na.
Irene: Akala ko ba hati tayo...
Seulgi: Hay. Ayaw mo kasi pumayag eh kaya sinabi ko yun!
Irene: Kaya mo sinabi yun para sumama ako?
Seulgi: Oo!
Binigay niya na yung cash sa waiter tsaka kami umalis.
Kahit naman di niya sabihin yun sasamahan ko pa din naman siya kumain. Ngumiti ako habang nakatingin sa kanya pero nakatingin siya sa daan habang naglalakad kami.
Seulgi: Kamusta ka na pala? Maayos ka lang? Wala ka bang problema o kung anong umaabala sayo?
BINABASA MO ANG
Hey again. (COMPLETED)
FanfictionFILIPINO!! | Conversational Story (text) | Seulgi wants to get back with Irene. Even though Irene likes to, she tries to act cold to Seulgi because she's still hurt about their past. Will they end up loving each other again or will Irene be scared t...