CHAPTER 6

18 0 0
                                    

Janine Point of View

Lunes nanaman isa sa pinaka-ayaw kong araw well! hindi lang naman ako pati ang mga kaibigan ko na mas maaga pa gumising sa akin at ayun ang lola mo Hailey nakatapat nanaman sa laptop niya.Habang ang dalawa naman naghahanda ng almusal, lalapitan ko sana si Hailey ngunit mabilis itong tumayo at deretsong nakatingin sa akin.

"bat di ka pa kumikilos? anong oras na"- sambit niya siyaka ako nilagpasan at tumaas ng hagdan nagkatinginan naman kaming tatlo ni Donna at Tricia

"good mood ata si Hailey ngayon"- sambit ni Tricia

"siguro maaga siya gumising kanina mas nauna pa nga siya sa akin at nakatutok na sa laptop niya"- sagot ni Donna

"I see! tawagin mo na Janine kakain na tayo baka malate pa tayo sa first class natin"- utos ni Tricia siyaka ako umakyat at akmang kakatukin ang pinto ni Hailey ng magbukas ito ng kusa at nakita ko siyang naka-uniforme dala ang mga gamit niya

"Ang bilis mo naman mag-asikaso"- tanong ko sa kanya

"Bawal ako malate tara na sasabay ako sa inyo kumain pero mauuna na ako umalis- sagot niya sa akin kaya tumango na lamang ako siyaka sumunod sa kanya pababa

kakaibang Hailey ang kaharap ko ngayon ano kaya nangyare dito hmmm.

Maging sila Tricia ay malaking kataka-taka ang gumuhit sa mga mukha nila ng makitang bihis na si Hailey, kung noon lagi siyang nalalate sa amin dahil napakatagal niya kumilos at kung minsan pa nakaalis na kami siya naliligo palang pero etong Hailey na kaharap namin napaka productive ngayon araw.

Pagkaupo namin apat tahimik kami na nag-almusal habang si Hailey nakatingin sa bukas niyang laptop na malapit sa tabi niya, habang kumakain napapansin ko rin na parati siyang tumitingin sa cellphone niya na may hinihintay ng tawag o message mula sa ibang tao.

"bakit ba hindi ka mapirme dyan pati kami naguguluhan sa kilos mo ngayon"-biglang tanong ni Tricia kay Hailey agad naman namin tinignan si Hailey na parang hindi niya nagets ang sinabi ni Tricia

"wala! ano ba meron sa kilos ko?"- sambit niya

"tss. kumain na tayo"- sagot ko ngunit nakakailang subo palang ako ng biglang tumayo si Hailey siyaka uminom ng Orange juice at deretsong nakatingin sa amin tatlo

"mauuna na ako sa inyo sa school nalang tayo magkita, ingat kayo"- sambit niya siyaka tumayo at kinuha agad ang mga gamit. Narinig na lamang namin ang sasakyan niya na palayo

"ano kaya nangyare dun no? ang weird"- sambit ni Donna

"kahapon nagkulong lang sa kwarto yun diba? hindi kaya nagusap sila ni Brent na magkikita sila ngayon?"- sabat ni Tricia

"Whattt??? no way! you really kidding me! hindi papatulan ni Hailey si Brent no isa pa hindi ganon tipo ni Hailey"- sagot ko

"ang oa! syempre conclude ko lang yun hahaha, malay natin may nabebet na pala yung kaibigan natin pero wala tayong alam"- sagot ni Tricia

"you know Hailey right? magsasabi siya ng totoo at never siya magtatago sa atin kaya tanggalin niyo yan pagiisip niyo tss. liligo na ako"- sambit ni Donna siyaka tumayo sa upuan at umakyat

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dj Got us Fallin In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon