Regrets.
If you're going to summarize my story, It's about regrets. It's about lost chances. It's about looking back at the past and still depend on it. May mga salita kasi na kapag naalala natin hihilain ulit tayo pabalik sa nakaraan. May mga salita kasi na hinding hindi natin makakalimutan, Hindi lang 'yung salita. May tao rin na sadyang tatatak sa ating isipan.
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na may tamang panahon ang lahat, na may tamang tyempo. parang timpla ng kape. Hindi maalat, Hindi rin matamis. Nasa gitna.
Nakaupo ako sa pinakadulong part ng van. Nakadungaw sa bintana. Pinapanood ang mabilis na paglipas nang tanawin sa aking paningin. Nakikita ko ang unti unting pagpatak nang ulan. Kasabay nang bawat pagpatak ay libo libong ala-ala ang biglaan ding pumasok sa aking isipan.
Ilang taon na ba ang lumipas? Bakit andito pa rin ako ngayon? Kailan ba ako lalaya sa posas na ako mismo ang naglagay sa sarili ko?
Maingay ang mga kasamahan ko sa van pero pinili kong hindi maki-sali, Mas maingay ang tumatakbo sa isipan ko. Pupunta ba ako o hindi? Haharapin ko ba s'ya? May pagasa pa kaya? Paano kung may pag-asa pa, Anong gagawin ko?
I hate memories. I hate regrets.
but, I hate my self more. Bakit ba hirap na hirap ako makalimot? Binasa kong muli ang email sa akin ng isa kong ka-batch na may gaganapin na reunion sa susunod na linggo. Ngayon palang hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Makikita ko ulit s'ya! Magkikita ulit kaming dalawa! Hindi ko alam pero pakiramdam ko ito na 'yung tamang panahon na palagi kong iniisip dati. Ito na siguro 'yung oras na binigay sa amin ni Lord.
Pero, Paano kung meron na s'yang iba? Paano kung ayaw na n'ya. It's been 5 years, ineexpect ko pa rin bang tutuparin n'ya 'yung pangako n'ya sa'kin?
Suot ang earphones, Namumutawi ang kantang Jeepney ng Spongecola. Naalala ko ito ung paborito nyang kanta, Maraming memorya ang kantang ito sa akin at hindi ko maitatanggi na ang mga memoryang 'yon ay gusto kong mangyari ulit. Napabuntong hininga ako.
Papunta kami sa sorsogon ngayon, May kakausapin akong isang restaurant owner dahil ifefeature namin ang restaurant nila sa aming magazine. Napili namin ang restaurant na ito dahil nag ca-cater sila nang filipino dishes na sikat na sikat sa pang-lasa ng mga foreigners.
Tahimik lang akong nakatulala sa bintana, tinititigan ang mga lugar na mabilisang nasisilayan ng mata ko. Sa loob nang halos limang taon, hindi ko maisip kung bakit hanggang ngayon s'ya pa rin ung tumatakbo sa isipan ko.
Tama nga siguro sila. Buried feelings grow.
"GO! GO! SOPHOMORES! GO! GO! SOPHOMORES!" Cheer namin nila Ava habang pinapanood ang mga kabatch namin na naglalaro ng basketball. Intrams ngayon sa school namin, Pwedeng pwede kami manood ng mga games. Napili naming Panoorin ang basketball dahil referee ung crush ni Ava na teacher.
"Ang gwapo talaga ni sir!" kinikilig na saad ni Ava. Saad nya sa teacher namin na kasalukuyang tumatakbo kasabay ng mga players sa court. May hawak itong pito. PE teacher namin ito, masasabi kong maganda ang pangangatawan ni sir at mukhang nasa late 20's na.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong court. Wala sa players ang paningin ko kundi sa lalaking naka-upo sa gilid. Nakasuot ito ng salamin, hawak ang tumbler na para siguro sa kapatid na naglalaro.
Ang gwapo talaga ni Adryan! Ahead sya sa amin nang 2 years. Kitang kita na mukhang nabuburyo na siya pero pumunta pa rin para suportahan ang nakakabatang kapatid na si Alex.
"Haynako Lesley, Hayaan ka nanaman sa G10 na yan." Pagkatapos niyang sabihin' yon ay agad nya dinugtungan ng Irap. Hindi hilig ni adryan ang basketball, mas gusto niyang pumunta sa library at magbasa. Sa loob ng dalawang taon na pamamalagi sa school na ito, naobserbahan ko na ang mga kilos n'ya. Hindi s'ya kagaya ng mga kaedad ko na puro computer games o kaya naman ay basketball ang alam.
