Gusto kong sabihin na pagod na ako.
Pagod na akong nakatanga at naghihintay sa paramdam mong hindi na darating.
Bakit parang ako pa rin yung nagdurusa sa huli? Bakit kailangan kong tiisin yung ganitong sitwasyon? Bakit hindi ko kayang bumitaw kahit ang sinisigaw ng isip ko ay iyon na ang gawin.Naaawa na rin ata ako sa sarili ko.
Naawa na ako pero hindi ko pa rin kayang itigil. Tama nga 'yong sinasabi nila, na sa sobra mong pagmamahal mo sa isang tao, naiwawala mo na ang sarili mo. Hindi mo na makuhang isipin kung ano ang mas ikabubuti mo kasi ang alam mo lang hindi mo kaya na mawala siya sa buhay mo. Pero para mali.. Bakit pakiramdam ko hindi dapat ganoon?Hanggang kailan ko kaya to titiisin?
Hanggang kailan ako aasa na hindi na ganito 'yong magiging sitwasyon ko dahil sa' yo.
Hanggang kailan ako maghihintay na darating din 'yong araw na magiging maayos na ang lahat at masaya lang.