"Walang galang na bata paano ba ang ginawa mong pagpapalaki sa batang iyan Lita?!" Bunghalit ng matanda. Nakatayo ito sa terasa ng unang palapag ng bahay. Nakapameywang ito at kunot ang noo. Puti na ang lahat ng buhok ngunit ang dulo ay may kulay dilaw marahil ay nagpakulay ito noon. Ang kilay niyang ginuhitan lamang ng kulay berde ay nakataas. Ang kulubot nitong labi na may bahid ng kulay pula ay nakaismid. Malungkot lamang na ngumiti ang kausap nito. I rolled my eyes. I put my earphones at itinodo ang lakas ng tunog ng musika sa aking phone. Pumili ako ng rock songs para mas malakas yung tipong sasabog ang eardrums ko upang hindi ko na marinig ang daing ng matanda. Dapat nga nasasanay na ako simula pa naman noon ganito na ito magsalita. Kinuha ko ang bag ko at isinabit sa likod. Nilagpasan ko lang ang matanda at ang kausap nito ang aking ina. Nang isang dipa nalang ang layo ko sa kanila ay galit ako na sumigaw.
"Ma halika na!" Iritado kong sigaw. Ang mainit ko ng ulo ay sinabayan pa ng mainit na panahon. I rolled my eyes for the second time. Nagkatinginan kami ng matanda. Mabagal na ito maglakad at kumilos pero matabil pa rin itong magsalita. Masama ang tingin nito sa akin kung nakamamatay lamang ang mga tingin kanina pa ako pinaglalamayan. Madaling kumilos ang aking ina para sumunod sa akin. Nakalooseshirt lamang ito at short shorts.
"Paalam ka muna sa lola mo." Mahinahon ngunit maawtoridad na utos ni mama. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata saka huminga ng malalim. Sa mabibigat na paa ay lumapit ako sa matanda. Kinuha ko ang kamay nito upang magmano pero nandidiri nitong binawi iyon. Hindi ko na ito inalintana at agad na lumayo.
Unang araw ng klase sa kolehiyo at ganito ang pagoodluck sa akin ng lola ko. Busangot akong naglalakad habang pinapayungan ng ina.
"Huwag sasama ang loob mo kapag pinagsabihan ka ni lola mo ng ganoon alam mo naman ang ugali niya." Walang tigil ang pangaral sa akin ni mama habang naglalakad kami. Hindi ako sumagot dahil sobra pa rin akong inis. Inis ako sa maraming bagay.
"Yung kapitbahay natin si Aling Lucing gusto kang kunin na modelo sabi ko nga nag aaral ka pa." Nananahimik pa rin ako. Wala talaga ako sa mood magsalita. Kahapon bago pa man mangyari ito itinatak ko na sa isipan ko na uumpisahan ko ang klase ng puro positive vibes pero kung ang bubungad sayo ay ang ganoong klase ng tao mukhang walang positive vibes na papasok sayo. I gritted my teeth and for the last time I rolled my eyes again. Ang mamanyak ng ibang nangsisitsit na driver ng trucks sabik sa babae! Hindi ko alam pero kapag naumpisahan na ang araw kong pangit tuloy tuloy na. Agad na pinara ni mama ang dumaang Jeep mabilis akong sumakay. Lalong nag init ang ulo ko ng mapansing siksikan na ang loob ng Jeep. Madiin kong ipinikit ang mga mata ang tataba ng nasa unahan hindi man lang umusod ng konti!
Arielle iyon ang pinangalan sa akin ni mama. I'm the youngest sa limang magkakapatid. Sa ngayon nakatira kami sa lola ko ang bakante nilang lupa ay tinayuan namin ng bahay. I'm a woman of few words hindi dahil wala akong masabi kundi dahil sobrang mahiyain ako. Lagi kong sinasarili ang mga bagay na pumapasok sa isipan ko. Iwas ako sa ibang tao wala akong kaibigang matalik na maituturing. Sobrang boring at lungkot ng buhay ko. Kapag uuwi galing eskwelahan ay didiretso agad sa bahay. Naaalala ko noon kapag nagkaka ayaang magbonding ang mga kaklase ko, ako nakaupo lamang sa sulok. Walang kinakausap madalas sa labas ng bintana nakamasid. Mas payapa kasi at tahimik sa labas ng school. Wala akong kaibigan at lalong wala akong matinong pamilya. My dad cheated on us. Harap harapan niyang pinamumukha kay mama na may iba na siya. Kung tatanungin niyo ako kung bakit galit ako sa lola ko ay dahil hinahayaan niya lang ang pambabae ng kanyang anak. Kunsintidor na matanda. Madalas na nagdadala si papa ng babae sa bahay madalas pa nga ay kaedad ko. Sobrang galit ako sa papa ko na nawalan na ko ng tiwala sa ibang tao pero naiinis din ako sa mama ko dahil hinahayaan niya lang na tratuhin siya ng ganoon ng papa ko mabuti nalang nandyan si Jimmy ang nag iisang nagpapasaya sa malungkot kong mundo.
BINABASA MO ANG
The Myth of Artemis and Orion
Fiksi UmumRosaline is Romeo's first love but then he fell in love with Juliet his one great love. Merope is Orion's first love but fate brought him to Artemis. These two stories shows that even if you are not someone's first love if love is meant to be it alw...