Start and End

11 2 2
                                    

Warning: Expect typos, grammatical errors, and sowhatever errors.

"Babe," mahinahong tawag ko sa aking kasintahang si Drivien habang siya ay naglalaro na naman ng kinaadikang online game sa tapat ng computer.

Hindi niya ako nilingon o pinansin man lang dahil tutok siya sa laro.

Sinandal ko ang ulo ko sa braso niyang busy sa kapipindot sa keyboard. "Date naman tayo, oh. Lagi na lang iyan ang inaatupag mo. May outside world pa, kung nakalimutan mo." Sabay hilot sa kaniyang braso.

"Oo na po, babe. Sakto at may pustahan kami bukas. Promise!" tatamad-tamad niyang sabi sabay halik sa noo ko.

Nilingon ko siya. "Sama ako sa pustahan niyo bukas? Please? Mag be-behave ako. Isusupport lang kita," I begged.

"No distracting while playing. Okay?"

Excited akong tumango at ngumiti. "I won't."

Ilang segundo pa ang lumipas ay may kumatok na sa kaniyang kwarto na kinaroroonan namin ngayon. "Sir Drivien, ang mga gamot niyo po... oras na ng pag inom," sambit ng babaeng nasa likod ng pinto.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Para saan? Ba't siya nag gagamot? Atsaka anong gamot?

"Gamot? Para saan, Vien?" kunot noo kong tanong.

He eyed me with frisky eyes, tila may tinatago at takot na mabunyag. "Wala, Tina. I told you, mababa ang dugo ko kaya kailangan ng iilang vitamins," aniya.

"Tss, nasosobrahan ka na kasi sa kakalaro. Tigilan mo na nga 'yan! Inumin mo na 'yon," I commanded.

Kinabukasan, umaga pa lang ay tinext na sa'kin ni Drivien ang schedule ng pustahan nila kaya hinanda ko narin ang dapat na suotin dahil tiyak na pagkatapos no'n ay ang date namin.

Sinundo niya ako sa bahay ng alas otso ng umaga para raw maagang matapos ang laro nila.

We stopped in front of a big computer shop na may maraming lalaki sa loob na tila may inaantay.

Pumasok kami ni Drivien sa loob nang nakatago ako sa likod niya habang magkasiklop ang kamay naming dalawa.

Kita ko ang pag suri ng isang lalaki sa akin mula ulo hanggang paa habang nakadila pa sa kaniyang labi. Sinisiko siya ng katabing lalaki at may ibinubulong rito habang hindi inaalis ang titig sa'kin.

Nang nakalapit na kami sa kinaroroonan nila ay nakipag apiran si Drivien sa kanila.

"Boys, girlfriend ko nga pala. Si Martina," pagpapakilala sa akin ni Drivien.

Naunang lumapit sa akin ang kanina ko pang napapansing titig sa akin.

"Hi, Alister nga pala." Naglahad siya ng kamay.

Pinilit kong ngumiti at tinanggap ang kamay niya. Habang nasa kalagitnaan ng kamayan at gusto ko ng bawiin ang kamay ko ay tila ayaw niya itong pakawalan.

"Uh... 'yung k-kamay ko," pagpapaalala ko.

"Opps... sorry," natatawa niyang sabi.

Nagsimula na ang laro habang binibigyan isa isa ang mga players ng inumin sa kani-kanilang computer mula sa mga kapustahan. Ako'y nanatili lang tahimik sa tabi ng nobyo habang pinapanood ito.

Pansin ko ang pag ubo-ubo niya habang naglalaro at pamumungay ng mata.

Tumunog ang cellphone niya nang hindi namamalayan dahil sa busy'ng pakikipaglaro sa computer.

Kinuha ko iyon at napagpasiyahang sagutin. Lumabas ako ng shop upang hindi makaistorbo.

"Hello po?" panimula ko sa tawag.

I Lost Us (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon