Nahuhuli ko nag sarili kong nakangiti, habang tinititigan ko ang larawan mo sa cellphone ko.
Hindi ko mawari kung bakit nakakaramdam ako ng takot.
Takot na baka pinag titripan mo lang ako.
Takot na baka isang araw mapagod ka at bigla kang mawala.
Takot na sa kabila ng sayang nararamdaman ko bigla kang mag bago.
Natatakot ako...
Natatakot ako magsimula ulit sa una.
Bakit ba Lagi nalang ako nasa umpisa..
Kaylan ba ako makakatapos?
Sa kabila ng mga pangako mong maghihintay ka,
Patuloy akong natatakot.
Unti-unti akong nahuhulog sayo.
Ngunit natatakot ako na baka sa haba ng taon
Sumuko ka at mapagod.