Buong araw tayo mag kausap, ay hindi pala
Tanghali akong nagising at ikaw naman ay umalis.
Hindi nagkakasundo ang mga oras natin sa umaga kaya sa tanghali tayo palaging naguumpisa.
Panay, hagikhikan at walang katapusang asaran ang naganap.
Hawak ang selpon na halos maubos ang baterya sa tagal natin magkausap.
Tila bang wala ng bukas kung tayo'y mag bigayan ng impormasyon sa isat isa.
Mga tanungan hindi natin inaakalang na eexist sa atin.
Nakakatuwa dahil mga sandaling iyon,
Habang hawak natin parehas ang mga selpon, ipinakita mo ako sa iyong ina.
Sa ayos kong mukhang bagong gising at sabog.
Masayang nakangiti ang iyong ina.
naisukli ko tuloy ang ngiting may halong hiya habang sinasagot ang mga tanong.
Nakakahiya man pero eto ka't pinagtatawanan ako sa mga kinikilos ko.
Nakakahiya.
Pero masarap sa pakiramdam.
Na walang hadlang sa inyong dalawa..
Patuloy tayong nag usap at madami akong nalaman tungkol sa iyo.
Madami tayong napagkasunduan na tila bang ikaw na talaga ang perfect match para sa akin.
Ngunit naging mabilis ang oras para sating dalaw naubos din ang baterya.
.