the doctor and the grim reaper

8 1 0
                                    

You only live twice:
When you are born
And when once you look death in his face
Ian fleming,you only live twice.

Ilang daang taon na ang nakalilipas sa isang bayan mayroong mag asawa.

Sila ay masaya dahil dumating na ang kanilang pinaka hihintay na pagkakataon, isang sanggol na lalake ang iniluwal ng kanyang asawa.

Pero sa hindi inanahasang pag kakataon ay namatay ang ina ng bata sa di malamang dahilan.

Pumunta ang ama ng bata sa balon ng kamatayan at doon ay tinawag niya si kamatayan, umiiyak nitong itinanong kay kamatayan kung bakit nito kinuha ang buhay ng ina ng bata at nagmakaawa itong ibalik nalang ang buhay ng asawa.

Naawa si kamatayan at pinangakuan na bibigyan nito ng isang handong ang bata pag ito ay tumong tong na sa tamang edad.

Makalipas ang ilang taon ang sanggol ay isang nang ganap na binata, pumunta si kamatayan para ibigay ang pinangakong nitong regalo, isang bote na nag lalaman ng lunas sa lahat ng sakit, pero ito ay may alituntunin na dapat sundin at yun ay, kapag si kamatayan ay hawak ang kamay ng pasyente ay hindi na ito pweding gamutin ng binata dahil gusto na itong kunin ng kamatayan ngunit kapag wala si kamatayan sa paligid ay pwede nya itong gamutin

Sa pag lipas ng panahon ay yumaman at sumikat ang binata at tinawag itong doctor na nag mula sa salitang latin docēre na ang ibig sabihin ay "guro".

Isang araw nag kasakit ang kanyang kaibigan agad siyang pumunta sa bahay nito pero siya ay nang lumo sa nakita, naan doon si kamatayan na mahigpit ang pagkakahawak sa kanyan kaibigan at ito ay naka titig sa kanya at gusto nang kunin ang kanyang kaibigan pero dahil hindi niya matiis ang kanyang kaibigan ay hinatak niya ang higaan nito upang bumitaw ang kamay ni kamatayan sa pag kakahawak at saka niya ito ginamot nagalit si kamatayan at binalaan ang doctor na pag inulit pa niya ito ay kamatayan na ang haharapin nito.

Makalipas ang isang taon nag karoon ang kanyang ama ng malubahang sakit dahil sa at sa dilim sa silid  ay di na niya nakita si kamatayan na naka hawak sa kabilang kamay ng kanyang ama.
di na nagawa pang mag salita ng kanyang ama dahil dinala na ang binata sa isang madilim at malamig na lugar doon ay nakita niya ang hindi mabilang na kandila na nag re represinta ng haba ng buhay ng tao at sa di kalayuan ay nakita niya si kamatayan na hawak ang kanyang kandila ng buhay, nag makaawa siya na wag nito papatayin ang kanyang kandila pero masyadong malaki ang nagawa nitong kasalanan, pinag masdan ni kamatayan ang kandila habang ito ay unti unting na uupos hanggang sa ang natira nalang sa doctor ay abo.

The Grim Reaper And The Doctor (Tagalog) Short Story Where stories live. Discover now