Manly Gay meets Effem Gay

202 2 0
                                    

Hindi ganun kalawak ang alam ko sa kahulugan ng gender identity na Bisexual o Silahis.

Ang sabi ng iba, "bi" daw sila dahil attracted sila sa babae at lalake. At may girlfriend sila na binibida kahit hindi mo naman nakikita. Gusto kong sabihin sa mga "bi" na yan na "excuse me po! may bakla na nagdadamit babae pero may anak at may asawa!". Kaya Huwag naman sana sila magmalaki at baka ine-echos lang nila ang iba na discreet bi pero kapag nakita mo naman, kembot dito at kembot doon.

Minsan, ang kapwa beki pa ang nagde-deskrimina sa kapwa nila beki. Parehong mga bakla naman, magkaiba lang siguro sa kilos, pananalita at sa lifestyle. Pero tama ba yun? Huwag magmalaki kung hindi naman perpekto. Huwag magmaganda kung may pangit na sinasabi sayo ang iba.

Lahat na yata ng klase ng paminta ay nakilala ko na. Sa mga gay bars, house party o grand eyeball o sa kahit simple ng chill lang. Iba-iba talaga ang mga ugali ng bawat isang beki. May pabibo, pabida, papansin, pa-epal at pasosyal. May natural naman na malakas talaga ang personalidad kahit nasa isang sulok lamang. May natural na matalino, baka ka nosebleed sa husay sa wikang ingles. May maoy naman kapag nasobrahan ng inom ng alkohol na nakakalasing. At lumalabas ang tunay na ugali na hindi maganda lalo na kapag naagawan ng booking o kaawarahan.

Pero sa totoong lang, hindi naman lahat ay ganun ang senaryo. May nakilala akong effem na bisexual male. Gwapo at maganda siya. Hindi ko alam kung saan ba siya, kung bakla o silahis lang. Pero binase ko nalang sa kung paano siya kumilos at magsalita.

May kasintahan siya. Manly. O hindi pa alam kung lalake ba siya at trip lang na makipag relasyon sa isang effem na bi. Mga bata pa kasi, at nagkakilala sa isang text clan.

At saksi ako sa tinakbo ng relasyon nila. Halos lahat ng nasa text clan ay sumuporta sa relasyon ng dalawa. Cheesy talaga dahil nababasa ko ang mga group messages nila. May mga tampuhan at madalas ay sweet naman talaga.

Hindi naging hadlang ang pagkakaiba nila ng pagpapakahulugan bilang mga bisexual o silahis.

Magulo pa rin sa akin dahil yung effem, aminado naman siya na sooner, magiging kontesera din siya. Si manly naman, gusto pa rin ang babae ang makasama sa buhay niya. Ang mahalaga sa sitwasyon nila, nag eenjoy sila. At kaya nilang ipakita sa harap ng ibang tao na mahalaga ang isat isa sa kanila.

May mga discreet bi na ang gusto ay kagaya nilang discreet kuno. Yung hindi halata. Pero nauuwi lang naman sa "sex" ang pagmi-meet nila. Kaya wala naman talagang patutunguhan ang page uusap at pagkukuwentuhan sa mga gay apps at social media.

Respeto. Yun ang tanging mabibigay mo sa mga baklang ayaw tawaging bakla. Ang gusto nila ay bisexual male. Mas malakas ang market siguro para may maawarahan.

Hindi naman sa pagiging manly o effem nababase ang pagkagusto sayo ng ibang kapwa beki, kundi sa ugaling meron ka :-)

---end---

IG: chalojado

Manly Gay meets Effem GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon