Last Dance

13 2 0
                                    

Mabagal akong naglalakad paliko sa isang pasilyo. Nasa likod ko naman si Jeffrey-ang hiningan ko ng tulong upang mapuntahan ko ang lugar na ito.

Nang huminto kami sa tapat ng nakasarang pinto ay para na rin akong mauubosan ng hininga. Bumuga ako ng hangin pagkuwa'y pinalobo ang magkabilang pisngi--ito ang paraan ko upang pigilan ang sariling kagatin ang aking labi. Binalingan ko si Jeff, "Nandito ba talaga siya?"

"Ewan."

"Ano ba'ng sinabi mo sa kaniya nang mag-usap kayo?"

"Na makikipagkita ka sa kaniya." sinamaan ko siya ng tingin. Sarap talagang kausap nito e.

Itinaas ko ang dalawa kong kamay sabay winagwag 'yon sa hangin. "Kinakabahan ako Jeff. grrrr!"

"Di nga halat, e."

"Bwesit ka talaga!"

Napa-'tsk' siya habang umiiling-iling. Sinimangutan ko na lang siya. "Pumasok ka na lang para malaman mo kung sinipot ka ba niya o bitter pa rin siya hanggang ngayon. Ready?" tumango lang ako. Nakakalokong umangat ang gilid ng labi niya pagkuwa'y dumukwang upang abutin ang doorknob at agad na iyong pinihit.

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko o kung ano ba dapat ang maramdaman. Magtatalon ba ako sa saya? Malulungkot? O Mahihiga na lang sa sahig at magkunwaring nahimatay? Jusko! Nakakabaliw.

Bumungad sa paningin namin ang mesang napapagitnaan ng dalawang upoan. Sa gitna naman ng mesa ay may nakatayong lagayan ng kandila na may tatlong sinindihang laman-iyon na rin ang nagsisilbing liwanag sa may kadilimang kwarto. May nakahandang pagkain at may pa'bulalak sa tabi ng wine.

"Hi!" nabaling ang atensyon ko sa pinagmulan ng boses na iyon. Mula sa isang sulok ay lumabas ang isang lalaki.

"Luis..."

"Gail, Jeffrey!" nakangiti siyang lumapit sa kinatatayuan namin.

"Pa'no? Sa labas na muna ako." nilingon ko si Jeffrey at nagThank you sa kaniya ng walang boses. Pagkatango niya ay lumabas na siya agad.

"Upo tayo," pag-aaya niya. Nilingon ko siya. Ngumiti at tumango ako. Nagpatiuna ako sa paglapit sa mesa. Agarang inasikaso ni Luis ang pagkain namin. "For you," aniya't inabot sa akin ang bulaklak. Nakangiting tinanggap ko iyon.

"Thank you sa pa'flower." ako. Grabe akala ko 'di niya ako sisiputin. Napapangiti na lang talaga ako. Nawala na ang kaba ko kanina.

Nilagyan niya ng pagkain ang plato niya at maging ang sa akin. Nagsasalin siya ng wine sa mga baso namin. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya iyon. Nginitian niya ako nang mahuli niyang nakatingin ako sa kaniya.

"Ang gwapo mo pa rin talaga," sabi ko. Natawa siya ng mahina. "Long time no see?"

"Yeah. Long time no see." nakangiting aniya. Sabay kaming natawa nang magtagal ng ilang segundo ang titigan namin. Pareho kaming natahimik pagkatapos n'on. Parang biglang naging akward na.

"Aalis na ako." pambabasag ko sa katahimikan. Umangat ang ulo niya upang salubongin ang tingin ko.

"Kakarating mo lang, ah?" bakas ang kagulohan sa mukha niya.

"No... It's... Uhm..." I sighed. "I'm leaving for good. Naki-pagkita lang talaga ako sa'yo para..." pinalobo ko ulit ang pisngi ko. Kumurap kurap upang pigilin ang luha. "...Magpaalam."

Hindi siya sumagot. Hindi na rin muna ako nagsalita ulit. Maya maya lang ay bumuntong hininga siya at nagsalita.

"May 6 ng gabi... Dito mismo, Gail. Sa sobrang excited ko, halos dito na ako natulog n'on...Kinabukasan sana non ang 5th anniversary natin pero nong mismong gabi din na 'yon 'di na kita makontak. Biglang tumawag na lang sa'kin ang mom mo...sinabi na umalis ka. Umalis ka tapos ako na boyfriend mo 'di alam kung sa'n ka nagpunta. Bakit ka umalis? Kung...anong problema? Tapos ngayon after 3 years bumabalik ka nagpapaalam na aalis ka."

"I'm sorry, Luis."

"Noon pa man napatawad na kita. And, okay na rin naman ako. Wala akong galit sa'yo 'maybe noong una pero ngayon wala na talaga. I'm actually happy to see you again."

"Thank you!" suminghot singhot ako habang nakangiti. "Can I ask you a favor? Last na 'to." sinabayan ko pa yun ng mahinang tawa.

"Sure. What is it?"

"Can we dance? Last na talaga 'to promise! 'di na rin naman tayo magkikita, e"

"Tss! You don't need to say that. Come on let's dance." tumayo siya at naglahad ng kamay sa harap ko. Nakangiting tinanggap ko naman 'yun.

"Wala pala tayong tugtog."

"Okay lang 'yan." Tumawa siya kaya natawa na rin ako. Para na kaming mga baliw.

Ipinatong ko ang pareho kong kamay sa magkabilang balikat niya habang ang kamay niya naman ay kumapit sa gilid ng bewang ko. Kahit walang tugtog ay nagsimula kaming gumalaw. Mabagal habang nakangiti sa isa't isa. Tahimik lang kami dalawa na nagsasayaw. Masaya na rin ako sa ganito.

"Be happy, Luis. Mag-anak ka ng marami. 'Yon ang pangarap mo dati diba?"

"Naalala mo pa pala 'yon."

"Mmm! Sabi mo pa nga bubuo ka ng basketball team na puro anak mo ang myembro, e!" May halong pang-aasar na sabi ko. "Pero 'di nga...tuparin mo lahat ng pangarap mo kasama ang taong mahal mo. Enjoy niyo lang ang buhay."

Masuyong tumango tango naman ito. Lumawak pa lalo ang ngiti sa labi ko. "Thank you very much!" sinabi ko na lang iyon sa mababang boses.

Sinalubong ako ni Jeffrey paglabas ko ng pinto. "Sinabi mo ba sa kaniya ang dahilan mo?"

"Hindi na mahalaga 'yon, Jeff. Ang mahalaga na lang ngayon ay natupad ko na ang last wish ko. Salamat sa tulong mo bestfriend. "

SA HOSPITAL...

"Name?"

"Abigail Santos."

"Date and time of death?"

" May 7, 2020-7:00 pm"

Nang malaman ni Gail na lumala na ang Breast Cancer niya ay napagdesisyonan niya nang lumayo kay Luis upang hindi na ito masaktan pa kapag nalamang may sakit siya at mamamatay na.


//Ha...haduken! HAHAHAHA











One-shot StoriesWhere stories live. Discover now