Lulan ako ng jeep papunta ng aming unibersidad. Suot ang earphones sa magkabilang tainga habang nakatodo ang volume, ay hindi ko pansin ang mga katabi kong naggigitgitan sa loob ng sasakyan. Sumilip ako sa bintana upang maramdaman ko ang haplos ng hangin sa aking pisngi na nagmumula sa labas. Nasa mataas at mahabang tulay na pala kami at sa ilalim nito ay ang napakalinaw na tubig ng ilog. Napakasarap nitong pagmasdan, isama mo pa ang matatayog at mabeberdeng punong kahoy. Unti-unting lumuluwag sa loob ng jeep dahil sa pagbaba ng ilang mga pasahero. Hinanda ko na ang gamit ko dahil ang university na ang sunod na hihintuan nito.Dahan-dahan ay huminto ang jeep kaya naman bumaba na ako. Mayroon ding iba pang mga bumaba ngunit hindi ko na sila binigyan ng pansin. Suot pa rin ang earphones ay naglakad na ako patungo sa university. Lunes ngayon kaya naman uniform ang suot ko. Bukod sa bag ng school supplies ko ay sukbit ko rin ang aking gitara sa likod. Pinakita ko sa guard ang I.D na suot ko para makapasok nang tuluyan sa loob. Dumeretso ako sa gymnasium, dahil nga Lunes ngayon ay nagkakaroon ng flag raising ceremony. Hinanap ko ang linya ng mga first year college dahil doon ako kabilang. I’m a freshman student taking up Bachelor of Elementary Education. Second semester na namin ngayon kaya naman kabisado ko na ang routine dito sa loob ng university pati mukha ng mga block mates ko pero hindi ko pa nakikita yung dalawa. Si Jelo at Ali, best friends ko. Well, mas matagal ko ng kilala si Jelo at para ko na talaga siyang kapatid, kulang na nga lang ay sa amin siya tumira. Samantalang si Ali ay nakilala ko lang noong senior high school kami, naging kaibigan siya ni Jelo, friendly kasi masyado ang isang ‘yon hindi tulad ko. So ayun naging kaibigan ko rin si Ali at hindi nagtagal ay naging magbebest friend kaming tatlo.
Natapos ang flag raising pero hindi ko nakita ang mukha no'ng dalawa kaya naman dumeretso na ako sa designated room namin. Doon naabutan ko si Ali na mahinhin na tumatawa habang nakaupo sa gawing dulo ng room katabi si Rhandler na masaya ring nagkukwento ng kung ano sa kaniya. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at tumabi sa kanila. Binati ako ni Ali, ngumiti naman sa akin si Rhandler kaya naman nginitian ko rin sila pareho. Sinuot kong muli ang earphones ko na inalis ko kanina sa flag raising sa takot na makumpiska ito. Nakatanaw lang ako sa pinto, inaalam kung mauuna ba ang terror naming professor o ang best friend kong si Jelo. Pero sa huli ay nauna ang terror naming professor at nasa kalagitnaan na siya ng pagtuturo nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jelo na nakangising nakatingin sa akin.
“You’re late again Ms. Salmo!” Bulyaw sa kaniya ni Prof. Simon sa subject na Child and Adolescent Development.
“Sorry sir, traffic lang po.” Natatawang sagot naman ni Jelo sa nanggagalaiting professor. Kahit kailan talaga ang isang 'to.
“Traffic! Traffic! Wala na bang mas gagandang excuse Ms. Salmo? O siya, take your sit!” Galit pa ring sabi nito bago humarap sa white board at magsulat ng kung ano-ano roon. Tumabi naman sakin si Jelo na pagka-lawak-lawak pa rin ang pagkakangiti.
“Good morning Maryaaaa!!!” Bati niya sa akin pero hindi gano'n kalakas at sakto lang para marinig ko.
“Sabi ng h’wag mo akong tatawaging Marya! At bakit late ka na naman?” Kunwaring masungit kong tanong sa kaniya kaya naman bahagya pa siyang tumawa bago magsalita.
“Si Justine kasi, tumawag sa akin kagabi tapos sinabing uuwi siya sa bakasyon” Nagpipigil ng kilig na sabi niya. Si Justine ay ang long distance boyfriend niya. Nasa America ito at doon nag-aaral. Kung titingnan mo si Jelo at hindi mo ito kilala ay aakalain mong tomboy ito dahil na rin sa pagkilos nito pero dahil kilala ko siya pati ang boyfriend niya ay iba ang nasa isip ko siyempre. At isa pa, maganda si Jelo, matangkad at morena may pagkaboyish lang dahil varsity siya ng football ng university. May mga nagtangka ng manligaw r'yan, kaso lang bukod sa may boyfriend na siya, sinasapak niya ang mga ito.
YOU ARE READING
My Love Story
Teen FictionThis book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.