PROLOGUE

6 0 0
                                    

Bakit ba nag sasabay sabay ang mga problemang dumating sa buhay ko ngayon.

Sumasakit ang ulo kong napatingin sa mga litratong hawak ko.

Litrato iyon ng asawa ko at ni Agripa noong nasa France silang dalawa.

Kitang kita ko sa mga litratong ito kung gaano kasaya silang dalawa doon. Tila sila nakakawala sa hawla at noon lang nakalasap ng kalayaan.

May kuha pa sila sa mismong Cathédrale Notre-Dame de Chartres magkalapat ang mga labi at talagang kung hindi lang ako asawa ni Lucca ay baka mapagkamalan ko silang magkasintahan sa mga litrating ito.

Unti unti naninikip ang dibdib ko, unti unti akong nilalamon ng sakit sa dibdib ko. Parang koryenteng dumaloy ito sa buong katawan ko.

Nakaramdam ako ng panginginig at pag iinit ng mata.

'Eto na naman ako, ako ang asawa pero parang ako pa ang kabit sa aming tatlo.

Dumagdag pa sa aking nararamdaman ang pagkakakita ko sa mga litratong ito sa kwarto ng anak ko.

Hindi ko alam kung saan niya ito nakita o nakuha.

Hindi ko alam kung bakit may gustong masira ang pamilya ko.

Bakit kailangan pa nilang idamay ang anak ko. For godsake! He is onlu seven years old..

Nagsimula na tumulo ang mainit kong luha. I really tried to stop it, p-pero parang may sariling buhay ito, patuloy sa pag luha.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ang sakit na ibinibigay mo Lucca.

I heard footsteps heading in my direction.

"M-mommy" doon na ako bumigay, ang itinayo kong pundasyon sa sarili ko ay talagang nasira unti unti nang marinig ko ang bosee ng aking anak.

Tinignan ko ang aking anak halos madurog ang puso ko ng makita kong pulang pula ang mata at mukha nito marahil dahil sa sobrang pag iyak.

Nabasag ang boses nito at unti unti tumulo ang mga luha

Kung kanina ay kaya ko pa ang sakit na aking nararamdaman ngayon ay para akong dinurog paulit ulit hanggang sa wala na ako makapitan na lakas.

Lalo akong napahagulgol masakit sa akin bilang isang ina ang makitang nasasaktan ang aking anak. Ina ako kaya dapat mas isipin ko ang mararamdaman niya kaysa sa mararamdaman ko.

"L-lyrkin my b-baby." Lumapit bigla sa akin ang aking anak mahigpit itong umiyak sa aking balikat.

Hikbing hikbi ang aking anak kaya mas lalo ako nanghihina.

"B-baby please dont cry I get even more h-hurt when I see you look like that" ani ko sa aking anak.

"M-mommy, I hate daddy." Lalo akong napaiyak sa aking narinig.

"No baby. Don't hate your daddy, he loves ypu more than anything." I told him.

Nagiiling iling ang aking anak habang naiyak.

"He doesn't love us anymore, why he is with someone else. You are his wife mom. Why would he do that if he love us?" Ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa kaniyang boses.

'Eto ang ayaw ko marinig sa lahat. Ang kamuhian niya ang kaniyang sariling ama.

Sabihin na nating hindi na ako mahal ng aking asawa pero ang pagmamahal niya kay Lyrkin ay hindi matitimbang ng kung sino 'man.

Kung sino ka 'man na nagbigay ng mga litratong ito sa aking anak hindi kana naawa. Pitong taong gulang pa lang ang anak ko. Paano matatanggap ng kaniyang murang isip ang mga ganitong sitwasyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon