Promise of Undying Love- 01

12 3 0
                                    

Third Person of View:

Maraming tao ngayon sa Kapitolyo ng Shanlong  dahil ang balita ay darating ang panauhin mula sa Tanlong City. Ang Shanlong at Tanlong City ay mayroon tig isang kaharian na namumuno sa buong south.

Dahil dito pilit nilang pinagkakaisa ang dalawang palasyo na may dalawang uri ng pamumuno.

 Sa Palasyo ng Tanlong ay puro mga kababaihan ang nagpapalakad ng buong lungsod subalit sa pagkamatay ng Empress Queen  humalili ang Emperor sa pag papatakbo ng kaharian at  lungsod kasama ang mga Officials nito.

Ang Tanlong naman ay puro mga kalalakihan ang nagpapalakad ng kanilang palasyo at lungsod. Ang mga kababaihan ay siyang tanging nag bibigay serbisyo  sa buong palasyo at sa kanilang kapitolyo, Tanging mga lalaki lang sa kanilang lugar ang may roon karapatan na magpatupad ng batas at mag bigay ng opinyon.

Ang resulta ng uri ng kanilang pamumuno ay siyang nagbigay daan para ipagkasundo muli ang dalawang syudad.Sa pagkatalo ng Late Emperor ng Tanlong ay ipinangako niya sa Late Queen Mother ng Shanlong na ang isa  sa susunod niyang tagapagmana ang magiging anak na  prinsipe ng  Emperor ay papakasalan ang Isa sa Prinsesa ng Shakng para pagsilbihan ng Tanlong ang Shanlong at maging Instrumento ito ng kapayapaan.

At sa araw na ito usap usapan na ngayong araw darating ang mga Prinsipe mula sa Tanlong para gawin ang pangako na dapat matupad.



"Your highness" Bati ng mga servant ng palasyo sa Prinsesa na kanilang nakasalubong. Pinaangat na ng Prinsesa ang mga nakayukong servant. 



"Nasa silid ba ang 4th Prince?"Tanong ng Prinsesa sa mga servant na nakabantay sa unang pintuan ng silid. 



"Mahal na Prinsipe nandito ang Pangalwang Prinsesa!" Sigaw ng kanang kamay ng Prinsipe. 



 Nakatayo parin sa labas ang Prinsesa habang hinihintay ang kaniyang 4th Prince. Nakayuko ang Pangalwang Prinsesa habang bumubuntong hininga. Biglang lumabas ang 4th Prince at hinarap ang pangalwang Prinsesa.



"Uncle!" Masayang bati nito. Niyakap siya ng 4th Prince at pinapasok sa kaniyang silid. 



"Shufen, dalhan mo kami ng paborito niyang Tsaa at matamis na tinapay" Utos ng 4th Prince sa kaniyang kanang kamay at lumabas na ito para utusan ang ibang servant ng pagkain. 



"Bakit ka pala naparito? Ngayon ang dating ng dalawang prinsipe galing sa tanlong. Inaasahan nilang makita ang magagandang prinsesa."Saad ng 4th Prince sa Pangalwang Prinsesa.



Dumating na si Shufen at inilapag ang pagkain at tsaa, Sinalinan niya ng Tsaa ang baso ng 4th Prince habang ang 4th Prince naman ay sinalinan ng Tsaa ang baso ng Second Princess.



"Uncle naman parang di mo pa ako nakikita. Okay na si Mingzhu ang humarap sa Dalawang Prinsipe" Nakayukong sabi ng Second Princess. 



"Oo nakita ko naman mukha mo at ang masasabi ko ay isa kang magandang tanawin" Masayang sambit ng 4th Prince sa Second Princess. 



"Sabi sayo mahal na prinsesa maganda ka. Kailangan mo rin ipakita ang ganda mo sa mga bisita"Saad ng kanang kamay ng Second Princess.  Hinawakan na ng pangalwang prinsesa ang kaniyang baso at ipinasok niya ito paloob sa kaniyang miansha para siya ay makainom.



"Tungmei pilitin mo itong si Meixiang na dumalo mamaya sa pagtitipon. Sayang naman ang binili ni 3rd Prince sa kanya" Napatigil sa pagsasalita ang 4th Prince dahil biglaang lumabas ang 3rd Prince salikod ng harang. 



"Ano ba naman yan 4th Prince! Sopresa dapat yon pero binulgar mo naman agad"  Suway ng 3rd Prince sa kaniyang kapatid. 

Napatawa nalang ang 2nd Princess sa nakikita niya.



"Nakauwi kana pala Uncle the third. Hindi mo manlang ako binisita sa aking silid" May pagtatampo ang boses ng pangalwang prinsesa sa pangalwa niyang royal uncle.



"May sopresa kasi ako sayo kaya hindi ako nag diretso sa iyong silid kaso ito namang 4th Uncle mo sinira yung plano ko. Taiju yung mga pinamili natin ilapag mo na dito" Inilapag ng kanang kamay ng 3rd Prince ang mga binili nito sa ibat ibang palengke. 



Binuksan ng 3rd Prince ang tela na nakabalot sa mga binili nito at tumambad sa harap ng prinsesa ang bagong  palamuti sa buhok, mga botilya ng pabango, Mga palamuti sa kamay at ang pinakahuli ay ang panibagong Miansha ng prinsesa. 



Hinawakan ng prinsesa ang bigay sa kaniya ng Pangatlong Prinsipe. 



"Wala ba akong yakap sa prinsesa ko?"  

Tumayo ang pangalwang prinsesa at niyakap ng mahigpit ang kaniyang 3rd Uncle at Hinalikan ng Pangatlong Prinsipe sa ulo ang Second Princess. 





Bata palang ang Second Princess ay nakakatanggap na agad siya ng espesyal na trato sa kaniyang mga  Uncle at Ama.





"Syempre meron din akong regalo no! Akala mo ba magpapatalo ako sa kaniya" Turo ng 4th Prince sa 3rd Prince. 



 Pumasok si Shufen kasama Limang babaeng servant na may hawak ng tray. 





Ang unang servant ay may hawak na Skirt, Ang pangalawang Servant naman ay may hawak na blouse, Pangatlong Servant naman ay sa jade ornament at sash, Pang apat na servant naman ay sa Flat shoes tas ang pang limang servant naman ay sa Miansha. 





Bumitaw sa yakap ang second princess sa pinakita ng 4th Prince.





"Pero hindi ako dadalo sa pagtitipon" Saad ng prinsesa. 





Tumingin ang dalawang prinsipe kay Tungmei para kombinsihin ang prinsesa.





"Mahal na prinsesa hahayaan mo bang masayang ang pinagpaguran ng mga prinsipe para sa pag pili ng mga regalo sayo?"Pangongonsensya ni Tungmei kay Meixiang. 







"Dadalo kami ni 3rd Prince doon wag ka mag alala. Pumunta kana sa iyong silid para makapag handa ka sa pag dating ng mga prinsipe mula sa Tanlong." Nagbigay galang si Meixiang at yumuko na ito sa dalawang prinsipe  at lumabas na sa silid ni 4th Prince habang nakasunod sa kanila ang limang servant na may hawak ng tray na may laman na gamit. 





Binitbit ng ibang servant ni Meixiang ang regalo ng 3rd Prince at nagtungo na sa kaniyang silid.



Umupo na sa harap ng salamin ang Pangalawang Prinsesa habang inaantay ang kaniyang kanang kamay. Nakatingin lang sa salamin ang prinsesa habang nag dadalawang isip kung siya ay magpapakita sa panauhin. 



Kitang kita ang anino ng prinsesa sa likod ng blinds. Dumating na si Tungmei at sinimulan ng suklayan ang kaniyang buhok.



"Bakit ba ayaw mong makita ka nila? Pangalwang Prinsesa ka ng Palasyo ng Hari at ang ganda mo ay hindi dapat tinatago" Panimula ni Tungmei. 

Si Tungmei ay anak ng servant na unang nag alaga kay Meixiang, nang mamatay ito kinuha niya papasok sa palasyo si Tungmei dahil wala na itong iba pang pamilya kaya parang kapatid na ang turing ni Tungmei sa kanyang Prinsesa.



"Alam mo naman ang dahilan" Inalis na ng Prinsesa  ang kaniyang Miansha. 



Kitang kita niya ang kaniyang repleksyon sa salamin. 



"Pag bibigyan ko na ang mga uncle ko. Sayang naman yung mga binili nila sakin"



Pangungumbinsi ni Meixiang sa kaniyang sarili. 



----







Aral: 

Miansha- Veil 

Promise of Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon