Kabanata 2

4.1K 307 134
                                        

"Good morning Daddy" bati ko kay Dad na nasa dinning table at nagbabasa ng kung ng balita sa iPad niya. Bumeso muna ako bago umupo sa chair sa gawing kaliwa niya.

"Good morning princess. Did you sleep well?" Bati niya din sa akin at binaba yung Ipad. Tumango lang ako at sumandok na don sa fried rice. Nilagyan naman ako ni Dad ng itlog sa plato ko kaya nginitian ko lang siya.

Dumating si Kuya na nakapolo at nag aayos pa siya ng butones nang umupo. Pupunta ata siya sa branch office dito. Matagal na namang si kuya ang nag mamanage ng mga company dito sa pinas, habang si Daddy naman ang nagmamanage ng international sector na nakabase sa London.

"Well, did you talk about it already?" simula niya while fixing his collar. 

Biglang nasamid si Daddy sa sinabi niya. 

"I was about to" depensang sagot ni Dad. Ano na naman kaya ang pinaguusapan nila. 

Baka business stuff? Wala naman akong gaanong alam sa business namin, ang alam ko lang ay malawak na group of companies ito. Ang iba roon ay pamana pa ni Lolo kay daddy at kay kuya. Ang ibang company naman ay si Daddy mismo ang nagtaguyod. Ang alam ko rin, ay may iniwan rin na nakapangalan sa akin, pero hindi naman ako prinessure ni daddy na aralin at gustuhin. But he said it's something I am interested in, at iniwan raw ito sa akin ni mommy.

"Well you better confirm it now with her. News will break out soon. And you know what that entails..." 

Nagulat ako sa biglang pagseryoso ng tono ng boses ni Kuya. Eto si kuya makasalita minsan parang mas mataas pa kay Dad eh.

Dad chuckled silently. 

"You're thinking too much" pabirong sagot ni dad, but I saw a hint of worry in his eyes when his gaze shifted to me. 

"Daddy?" nag aalalang tanong ko.

"Oh its nothing princess, just work stuff. Alam mo naman itong kuya mo. Lumaki kasi sa tabi ng Lolo mo kaya masyadong seryoso pagdating sa trabaho." paliwanag ni daddy saka uminom ng kape. 

Kita ko naman yung pag roll ng eyes ni kuya sa sagot ni daddy. 

"Why are you looking at me like that?" Iritang tanong ni kuya.

"Wala! Was just wondering how were related." Sarkastikong sagot ko at bumalik na sa pag kain. 

Tumawa naman si Dad sa sinabi ko. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa pagtawa niya. He feels more like himself now. Hindi na ako pinatulan ni kuya, inirapan niya lang ako. My brother and I have a weird sibling dynamic, minsan okay kami, minsan naiirita kami sa isa't isa o ako lang ata ang naiirita sa kanya. Paminsan kasi kung umasta ay daig pa si daddy sa pagiging istrikto. Pero kahit ganoon siya, ay mahal na mahal ko si Kuya.

"By the way princess, sigurado ka na ba dun sa sinabi mo nung nakaraan?" Pagiiba ng topic ni Dad. 

Ano ba yung sinabi ko? Hindi ko na naman maalala.

"Are you sure you want to stay here?" Dagdag pa ni Dad. 

His tone low as he placed his coffee cup down, eyes locked on me. Kita ko yung biglang pagtigil ni kuya sa pagkain at tumingin din sa akin, nag aabang ng sagot ko.

I looked up meeting Dad's gaze. Bakas yung pag aalala niya sa mga mata. Napapaisip tuloy ako if nagaalala ba siya na baka out of whim yung decision kong mag stay dito or kung may tinatakbuhan ako. Tama siya if yung panghuli yung iniisip niya. 

"Opo. Sana. If it's alright?" 

Ayoko na kasing bumalik ng London. I feel like London=Lucas kasi. Pero the truth is London felt like a place tainted by everything that happened with Lucas—the lies, the betrayal. It felt like memories that were suffocating me.

Whispers under the Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon