Chapter 3

1 0 0
                                    

Cassandra POV

Pagkatapos namin kumain umuwi nalang ako para makatulog at hindi na bumalik maiirita lang ako sa katabi ko.


2nd semester na ng klase namin at super busy talaga sa maraming paperworks dagdagan pa ng sobrang pagod sa trabaho at ang nakakainis pa lagi akong inaasar ng walang hiyang lalaking yon.

Naglalakad ako ngayon papuntang school maaga pa naman eh, sayang din ang pamasahe. Hindi ko kasama si mysha ngayon nauna kasi akobat susunod nalang siya.

Beep.. Beep.. Beep... Beep...

Nagulantang ako, sino ba ang walang hiyang bumisina na to, sa gilid naman ako naglakakad ah.

May isang sasakyang tumigil sa harap ko.
Baka kidnapping to wala naman silang makukuha sakin.

At ganun na lamang ang gulat ko ng bumaba ang isang Greek God, ay mali pangit pala.

Good morning cass, naglalakad ka lang?
nanunudyong tanong niya.

Hindi lumilipad ako, nakakainis nakita niya namang naglalakad magtatanong pa.

Napakapilosopo mo talaga. Sumabay kana sakin.
pag-anyaya niya.

Ayoko nga!!! Baka san mo po ako dalhin!

Sa heaven, gusto mo??

Bwesit ka! Kung gusto mong pumunta dun mauna ka, at nagmamadaling naglakad ako.

Hoy! Babae tandaan mo sabay tayong makakarating dun.! sigaw niya.

Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Napakawalang hiya talaga ng lalaking yun. Ang aga-aga nang-iinis sinisira niya lang ang araw ko.

Uyy, bhebz, anyari sayo at nakasimangot ka diyan? tanong ni mysh na kakarating lang.

Eh, pano ang walang hiyang lalaki ang aga-aga binibwesit ako.

Sinong lalaki? maang-maangang tanong ni mysha

Si Madla!

Sinong Madla? Ikaw ha, may lalaki kana!!

Sino pa? edi ang walang hiyang tao na nakilala ko.

You mean si Mark?

Oo siya nga, bwesit siya!

Ayieee! may sariling endearment kana sa kanya ha! Natatawang saad ng bruha.

Tumigil ka nga babae, short cut lang ng name niya yung madla huwag kang OA.

Owwwwzzzz! Hahaha

Pumasok na ang prof namin. Teka ba't wala pa ang lalaking yun, sabay tingin sa labas. May pasigaw pang sabay kaming makakarating.

Nagstart ng magdiscuss ang prof ng kung ano-ano.

Good morning miss, I'm sorry I'm late.

San naman kaya dumaan to at nalate.
Napatingin ako sa kanya at tumingin din siya sakin sabay kindat. Inirapan ko naman siya, nakakainis!

Blah!!! Blah!!! Blah!!!

Hindi ako nakikinig, napakawalang hiya kasi ng katabi ko, ginawang laruan ang kamay ko at ako naman hinayaan ko lang. Ang lambot kasi ng kamay niya at hindi ko maexplain ang feeling ko.
At natapos ang klase ng wala akong natutunan.

Bhebz, tara lunch na tayo.
Ok! Walang gana kong sagot.

Pwebe bang sumabay sa inyo? singit ng walang hiya..
Oh! sig....

HINDI!
Wala kabang ibang kaibigan dito at kailangan samin ka pa sumabay ha! Hindi puwede at......











TSUP!!!!! (---------------)

Did you.... kissed me.?? Tila nawala ako sa katinuan at bigla ko siyang sinampal. Nagulat ang lahat sa ginawa ko.

Ang kapal ng mukha mo! Sino ka ba? Ano ba kita para halikan mo ako ha??

I'm sorry, hindi ko sinasadya cass..

SORRY, maibabalik ba ng sorry mo nawala sakin?

YOU STOLE MY FIRST KISS na dapat sa taong mahal ko lang ibibigay, hindi sa katulad mong walang kuwenta. Umiiyak kong sabi, wala akong pakialam kung marami ang nakatingin sa amin kasi naman eh, first kiss ko yun at pinahahalagahan ko yun.


Umalis ako at sinundan ako ni mysha.

Cass, sandali hintayin mo ako.

Patuloy lang ako sa paglalakad hindi ko alam kung saan ako paroroon.

Nakarating ako dito sa park. Nakakainis. Walang hiya talaga ang lalaking yun.

Bhebz, sandali nga! Hinihingal na sabi ni mysh

Cass, ang OA mo naman. Kung makaemote ka naman dyan eh, parang buong kaluluwa ang nawala.

Yun na nga ehh!!! It was just a kissed! Pero alam mo namang iniingatan ko yun. Kaibigan ba talaga kita? umiiyak kong sabi

Kasi naman kiss lang yun. Ganito bhebz, isipin mo nalang na walang nangyari, walang kiss na naganap, hindi naman sinasadya ni Mark yun eh!

Kahit na masama parin ang loob ko. Hinding hind ko siya mapapatawad.









to be continued.......

THE BADBOY STEALERWhere stories live. Discover now