Chapter 3

1K 88 11
                                    

Curse Him

ALLENDE.

ALAM kong ayaw na ayaw magpahatak ni Macky kaya natural na ang reaksyon niyang bawiin ang kamay at itulak ako.

"Ano bang nangyayari sa'yo?!" sigaw niya nang makalayo-layo kami. "Hindi ba't gusto mo'kong magmalasakit? O, anong nangyari ngayon?"

"Sorry naman, ah..." tuya ko.

"Sorry, sorry... Alam mo naman siguro kung bakit ko ginagawa 'to, ha, Yendi?"

"Oo! Alam ko!"

Kagigil!

Alam kong alam na niyang kaya ko siya pinipigilan ay may iniiwasan ako. At tama nga siya, may natuklasan ako. 'Yon ang gusto niyang palabasin sa bibig ko.

"Ngayon pa lang magpaliwanag ka na..." nauubos ang pasensyang aniya.

Inirapan ko siya. "Makatatakas ba ako sa'yo?"

"Malamang, hinde..."

"Sabi ko nga."

Inalala ko ang pangyayari sa Building One ng ERU. Malapit nang matapos ang klase nun. Tamad akong makinig sa lecture ni Doc Aro kaya nagmuni-muni muna ako.

Sumilip ako sa bintana at medyo makulimlim. Hindi sa ayaw ko sa tag-araw pero mas nanaisin ko pang umulan para hindi na kami gumala mamaya. Baka kung saan pa kami mapadpad.

Ibinalik ko ang tingin ko sa ibaba. Nandun si Doc na busy sa paglalarawan ng human anatomy. Dahil Lamarco ang apelyido ko, nilagay nila ako sa middle row tulad ng mga nasa sinehan.

Malawak ang classroom dahil marami kaming estudyante. Sa minalas-malas nga naman, kasama dun si Cersylla. Nasa may ibabang upuan siya dahil Barcelon ang kanya.

Mabuti at walang problema sa audio. Naka-lapel si Doc Aro kaya madali namin siyang maririnig dito sa gitna. Sa isang bagay lang naman ako naintriga.

"I have received some juicy news today," simula ni Doc Aro at naghiyawan ang mga kaklase ko.

Ito ang tinutukoy ko.

"Spill the beans, Doc Aro!" singit ng impokrita at gumaya ang iba kaya mas umingay ang kwarto.

"I don't know if I should be telling you this, but this thing... I have received... was a registration form, and one of the children of the Third Investor will transfer here!"

"OOOOMMG!!!"

"Who is it, Doc? Tell us!" sigaw na naman niya.

Sipsip talaga!

Para siyang tandang na kapag tumilaok, susunod na ring titilaok ang kapwa niya tandang.

"My apologies, students," saad ni Doc at naglakad na sa tapat ng pinto. "But this time I cannot tell who it is. It is confidential."

"Then, please give us a clue. Right, classmates?"

"Yes! Tell us!" sagot ng kalahati sa populasyon namin.

"Okay!" Wala siyang kawala. "Three schoolboys will transfer here in Earl the Regal University."

"Aaaaaaccckkkk!"

OA, ampota.

"How do they look? Tell us more!"

"Tama na ang blind item!" Isang malungkot na 'aww' ang natanggap niya. "It's lunchtime, so good-bye and see you next meeting."

Spot Him Behind (Season One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon