Chapter 7

910 80 7
                                    

Manager

MACTHARA.

KAKATAPOS ko maghilamos at handa na humilatag sa kama. I wore my pajama that had Naruto's face. Paki ko kung mukha akong bata, it's comfortable this way.

Kinumutan ko ang katawan ko at ipinikit ang mga mata. What is the integral of a natural logarithmic function? Kainis! I can't sleep.

May nakalimutan ba ako?

Parang wala naman na. Tapos na ako mag-brush ng teeth and my uniform is ready for tomorrow. Nakapagbasa na rin ako ng lessons pero... Pakiramdam ko tuloy may mali.

Mamaya na nga lang!

Bumangon ako sa kama at nagpunta sa balkonahe. I brought a glass of milk just to do something. Hindi ko ma-explain bakit ako nagkakaganito. Naninikip ang dibdib ko kahit wala namang nangyayari.

Sumandal ako sa baranda saka tumingala sa langit. The wind was cold and the soil had an earthy smell. Nag-reflect pa yung buwan sa putik na dinaluyan ng tubig-ulan.

Ang hirap!

Naalala ko yung alok ni Yendi. Pinipilit ko kasi siyang bayaran sa bahay. Ayokong isipin niya na kargo niya ako sa lahat. Isa pa 'tong si Malvon na kunti na lang, itakwil na rin ako.

He couldn't blame me for leaving. I would be so cruel kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. That would paint his mother a bad figure.

Tapos dumadagdag pa 'yong kanina. Sana bingi na lang ako para 'di ko nadinig yung bwisit na balita. Sa inis ko, dun ko namalayang basa na pala ang pisngi ko. Hayop na 'to!

Ba't ko ba siya iniisip?!

That fvcking De Troy has his ways of disturbing my peace. Ayoko na siyang isipin at nananalo siya sa utak ko. Wala pa naman ang salitang 'talunan' sa bokabularyo ko.

Inubos ko na ang gatas bago pumasok sa loob. Hindi muna ako natulog. Inabala ko ang sarili ko sa tapat ng computer. I typed whatever I could think of at napadpad ako sa isang site kung saan may mga in-ooffer na trabahao.

Service crew... Kasambahay... Huh?! Ba't may onlyfans dito?!

Truth is, may full scholarship ako sa ERU. Kahit ganun, meron pa ring miscellaneous fee. Ewan ko ba! Sa lahat ng pinasukan ko, sa private university pa. Akala mo naman napakayaman kong maglayas. Ni singkong duling, wala akong dala nun.

Mag-double work na lang ako. Kaya ko kaya 'yon? Ayoko pa malosyang. But it is what it is! Baka mapilitan pa akong lumapit sa mga Sartre. First, they would need to see my dead body.

The next day, sinisingil na ako ng pagpupuyat ko. I feel sleepy the entire class hour. Kaya nung magdismiss, hindi na ako tumayo. Nanatili ako sa upuan ko at umidlip.

Punyemas sabi na, nakakalosyang 'to.

"Anong plano mo?" tanong ng kung sino.

I know who owns that voice. Hindi ko alam bakit niya ako binista. My head remained rested on the armchair.

"Saan?" hihikab na sagot ko kay Yendi.

"Ano? 'Di ka talaga hihiram?"

"Ba't ako hihiram?"

Alam ko na 'yang pinaparating niya. Pero ayoko pa rin. Hiyang-hiya na ako at 'di kakayanin ng pride ko na madagdagan pa ang utang.

Spot Him Behind (Season One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon