Pagka-uwi ko sa bahay..agad akong nagtungo sa kwarto ko..unang bumungad sa paningin ko ay ang aming letrato ni Rania na nakasabit sa tabi ng kama ko..
"Tsk tsk kahit nakalimutan mo na anniversary natin bukas mahal pa din kita..Naiintindihan ko naman kung bakit mo nakalimutan eh "
Padapa akong tumalon sa kama at makalipas ang ilang sandali ..tinamaan na ako ng antok..
(K I N A B U K A S A N )
"GOODMORNING MISTER JOHN ... TODAY IS A VERY SPECIAL DAY KAYA MAG AYOS KANA HABANG MAAGA PA "
Natatawa kong wika sa sarili ko..wayt anong oras na ba?? Kinapa ko ang uluhan ko pero wla doon ang cp ko..sunod kong kinapa ay ang bulsa ng pantalon ko .. Nandito nga kaso lowbat.. Haysst nakalimutan ko palang icharge kagabi..nalowbat nga pala ito kagabi dahil naglaro kami ni Rania ng Temple Run hahaha nahampas pa nga ako nun ng ilang beses kasi lagi siyang nahuhulog o di kaya'y nabubunggo hahaha
Tumayo na ako at chinarge ang cp ko..naliligo muna ako tsaka nagbihis pupunta ako kina Rania ngayon para batiin siya .. I'm sure magugulat yun..tsaka nga pala may surprise ako sa kaniya.. Yayayain ko na siya magpakasal since 10 years ng kami ..at baka kapag next year pa wala ng kasalang magaganap..
Ng matapos aq sa pag-aayos.Binalikan ko ang cp ko tsaka ito binuhay..pagkabuhay unang tumambad sakin ay ang nakangiting mukha ni Rania ..
-RADILLO RESIDENCE-
Nakangiti akong bumaba ng kotse ko..lahat ng nakakasalubong ko nginingitian ko yung iba pa nga ng maid kinikilig eh..hehe mas gumwapo ba ako ngayon?siyemprenaman alangan namang maging gusgusin ako sa harapan niya kapag magpropropose ng kasal EDI tinanggihan ako ni Rania..Mali yun ..maling-mali hahaha
"Oh ihjo..ang aga mo at ang manligaw ngayon haha anong meron?"
Nakasalubong ko si Tita Carmen dito sa sala nila .. Mama ni Rania..
"Eh kasi Tita..."
Sinabi ko sa kaniya kung anong meron ngayon at ang balak ko..niyakap niya ako ng may malaking ngiti sa kaniyang labi..
"Salamat ihjo .. Salamat sa lahat..Salamat kasi dahil sayo napupunan ang mga pagkukulang namin ng Asawa ko Kay Rania..Salamat kasi imbis na lumayo ka pinili mong manatili sa tabi ni Rania at ito nga binabalak mo ng magpropose sa kaniya kahit alam natin na-"
"Tita..Wala po akong pagsisisihan kapag naikasal ako sa anak niyo..mahal na mahal ko po si Rania.."
"Ang swerte sayo ng anak ko,alam mo ba iyon?"
Wika nito na nagpangiti sakin ng tudo-tudo...Tumango ako bilang sagot at nagpaalam na para puntahan si Rania sa kwarto niya..Kumatok muna ako ng tatlong beses.. Hindi ako nagsalita kasi ang gusto ko kapag binuksan niya ang pinto..gugulatin ko siya at babatiin ng HAPPY ANNIVERSARY LOVE hehe corny ba?wala eh mahal ko haha
Bakit hindi niya pa binubuksan?kumatok ulit ako pero this time mas malakas..naghintay ulit aq ng ilang minuto pero wla pa din..baka tulog pa siya hehe sino naman kasing matino ang magpropropose ng alas-kwatro ang umaga hahaha TANGING si John lang po hahaha
Sampung minuto na ang lumipas kaya nagpasya nalang ako na pihitin ang door knob .. Bukas pala .. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto .. Ang dilim naman..kinapa ko ang switch ng ilaw sa gilid.. Napangiti ako ng makita kong nakatalukbong siya ng kumot..tamang-tama sa plan B ko hahaha .. Pumasok ako sa loob at maingat na nagtungo sa TV .. Sinet-up ko na ang mga kailangan ko..
Video (/)
Flowers(/)
Balloon (/)
Ring(/)OKs na hehehe sinulyapan ko ang kabuuan ng kwarto niya..napangiti ako.. Sana magustuhan niya...
Time check.. Alas-singko na kaya Lumapit na ako Kay Rania para gisingin ito ... Patalon akong umupo sa tabi niya ..natawa nga ako kasi tumalon din ung katawan niya hahaha.. Nilabas ko na ang singsing na dala ko at dahan dahan kong tinanggal ang kumot niya..
"Love!!"
Sabay Tusok sa tagiliran..no response.. Ayy dedma..
"Love, gising na"
Tusok naman sa balikat..dedma pa din .. Ang hirap naman nitong gisingin..umalis ako sa kama para tumayo sa tabi niya..pinagmasdan ko siya..maputlang mukha na parang wla ng buhay pero MAGANDA pa run.... Naka-straight din siya ng higa..ung paa niya Pantay .. Ehh ganyan ba talaga siya matulog..
*tok *tok *tok
Lumapit ako sa pinto at binuksan ito..si Tita Carmen pala..
"Ihjo, gising na ba siya?"
Tanong nito..umiling lamang ako at pinapasok siya..
"Dati-rati alas-kwatro palang ng umaga gising na yan pero nga-"
Napahinto si Tita Carmen at medyo napaatras..nagtaka naman ako..
"Bakit po nahinto kayo tita?..kanina ko pa po siya ginigising..tinusok tusok ko na din po ung tagiliran at balikat niya..dedma lang po ako eh..Balak ko na nga pong yugyugin si-"
"Pa-no!!Hindi!Hindi pa aiya pa-patay!Hindi eh!"
Tila nabingi ako sa sinabi ni Tita..Nilingon ako nito at sa pagharap niya sakin tumulo ang mga Luha niya..
"Na-nagbibiro lang po ka-kayo diba?ehh kausap ko pa siya kagabi eh"
Pilit kong tinatagan ang Boses ko pero may pumatak sa kamay ko kaya tiningnan ko ito..tubig..kinapa ko ang pisngi ko..basa
"NO NO NO!! HINDI. .HINDI MAARI.."
Sigaw ko at lumapit Kay Rania..Hinawakan ko ang kamay niya ..ang lamig..sh*t no....
"L-love... Gising na love..Hindi yan magandang Biro..Gising na m-mapropropose pa ako sayo ..di-diba ito yung gusto mo/natin ... Diba na-nagplano na tayo..E-e-excited ka pa nga diba..haha kaya love b-bangon na para ma-makasal na tayo bukas na bukas kung gu-gu-gusto mo"
"Ihjo..alam naman natin na ma-mangyayari ito"
Hindi ko pinansin si tita sa likod ko..niyakap ko si Rania..ang tigas niya..Hindi tulad dati na kapag niyayakap ko siya subrang lambot niya.
"ANONG NANGYAYARI DITO?"
" h-hun!"
I know that voice.. Tito George.. Bumitaw ako Kay Rania at humarap sa kaniya...nakayap Kay Tito si Tita..
"H-hun ..wa-wa-wala na si Rania..wal-a na ang anak nat-in *sob*"
Umalis ako ng bahay nila at nagtungo sa lugar na maraming ala-alang nabuo..
"Love..bakit..bakit mo naman agad akong iniwan..anniversary natin ngayon dapat ikaw ang susupresahin ko eh pero bakit ako/kami ang nasupresa..OO ..alam naming may taning na ang buhay mo pero hindi KO akalain..hindi ko akalain na HULI na pala nating pag-uusap..pag-sasama at kulitan kagabi..love..hi-hindi ko kaya!!hindi ko makakaya!! Bakit kasi ikaw pa..bakit kasi sayo pa binigay yang lintik na leukemia na yan.. Kung wla sana yan EDI sana masaya ako/tayo ngayon at nagplaplano na sa gaganapin nating kasal..love..bumalikka please"
Napaluhod ako sa harap ng puno..kung saan nakaukit ang pangalan naming dalawa..Dito sa lugar na ito nagsimula ang lahat..Dito sa park na ito natututong magmahal ang puso ko..Dati dalawa kaming pumupunta dito pero simula ngayon..mag-isa na lang ako..
"Love..I Love You!!...ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko..kagaya ng gusto mo..ipagpapatuloy ko ang buhay ko"
Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad....napasulyap ako sa langit..pilit akong ngumiti..
"Mahal ko, Hindi kita makakalimutan"
BINABASA MO ANG
IKAW NALANG AT WALA NANG AKO
Short Story" Darating talaga ang panahong ikaw nalang at wala nang AKO"-Rania