Kabanata 1

36 19 2
                                    


Now playing: Kiss the rain by Yiruma


Brigitte's POV



NAKAUPO ako ngayon dito sa veranda ng kwarto ko habang nakapikit at nakikinig ng isang musika na paboritong paborito ko. Eto lang naman ang nakakapagpagaan ng loob ko, ang pakikinig ng isang musika. Minsan naman ay sinasabayan ko ito sa pamamagitan ng pagkanta, ngunit ang pagkanta ko ay hindi ko pa naipapakita sa kahit kanino, maliban na lang siguro sa isang tao na malapit talaga sakin.
Natatakot ako na baka kapag ipinakita ko ito sa lahat ay baka mangyari ulet ang nangyari sakin noon.

Habang nakaupo ako dito, naramdaman ko na may humawak sa kaliwang balikat ko , hindi na ako nagulat kasi alam ko na kung sino ito. Ang tagal ko siyang hinintay. Tinanggal ko ang earphones na nakakabit sa tenga ko saka kinuha ko ang probing cane ko, dahan dahan akong tumayo at humarap sa tao na yun. Yung amoy ng pabango na lagi niyang gamit at yung presensya niya ay kilala ko na agad. Siya lang naman ang taong malapit sakin at may alam sa lahat.

Narinig ko ang paglapit nito sakin at niyakap ako.
"Namiss kita, Bri." Mahinahon na sabi sakin nito, hindi ko mapigilang mapangiti at matuwa, kaya niyakap ko siya pabalik.
"Kuya! Nagbalik ka, namiss din kita." Natutuwang saad ko dito.

Yes, kuya ko. Dalawa lang kami magkapatid kaya talagang close na close kami. Halos hindi nga kami mapaghiwalay noon eh. Pero dahil sa nangyari sa nakaraan, kinakailangan ni kuya mag-aral sa U.S. Gusto kong sumama sa kanya pero hindi kami pinayagan. Kaya naiwan ako dito kasama si mommy pero busy din naman siya sa business kaya wala din ako nakakasama sa bahay maliban kay manang at sa mga katulong namin. Wala siyang sinabi kung kailan siya babalik pero hindi ko alam na ngayon na pala, dito na siya mag aaral ng college, siya na din ang magtutuloy ng business namin dito sa Pilipinas. Simula ng mamatay si daddy dahil sa isang aksidente, siya na ang tumutulong sa pag-aasikaso ng company namin.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni kuya at bumitaw sa yakap namin, naramdaman ko na hinimas pa nito ang buhok ko ng marahan.
"Kamusta naman ang baby girl ko?" Malambing na tanong ni kuya sakin.

"Ayos lang naman ako kuya, wala naman ako ginagawa dito sa bahay, ano pa ba ginagawa ng isang bulag kundi maupo at makinig ng musika." Pabirong sagot ko dito na kahit alam niya na may katotohanan din ang mga sinabi ko. Naramdaman ko na nahinto ito sa paghimas ng buhok ko at napabuntong hininga pa ito.

"Maaayos din ang lahat, Bri." Napangiti ako ng malungkot dahil sa sinabi ni kuya, sana nga ay maging maayos na nga lahat, alam ko din na ginagawa na niya ang lahat para lang makakita ulet ako, pero lumipas ang mga taon, wala pa din kaming nakikitang tao na pede tumulong samin, unti unti na rin akong nauubusan ng pag-asa, na baka hanggang ganito na lang ako.

Si kuya yung tipo ng tao na gagawin niya ang lahat para sa taong mahal niya, nalungkot ako nung malaman ko talaga na aalis si kuya papuntang ibang bansa pero alam ko naman na hindi niya ginusto na umalis at iwan ako, alam ko din na may dahilan ang lahat ng ginagawa niya at masaya na din naman ako dahil nagbalik na siya.

Naramdaman ko na hinawakan ni kuya ang isa kong kamay na parang sinasabi nito na 'Nandito na ulet ako sa tabi mo, hindi na kita iiwan mag-isa'. Ngumiti ako para hindi na mag alala sakin si kuya, narinig namin ang pagkatok sa pinto, bumitaw sakin si kuya at narinig ko na binuksan nito ang pinto.

"Iho, Nandiyan ang mga kaibigan mo sa baba." Rinig ko na sabi ni manang.

May mga kaibigan si kuya na hindi ko pa nakakausap o nakakaharap, sa kadahilanan na nahihiya ako na humarap sa mga ito, dahil sa kapansanan ko. Minsan ay kinukulit pa ako ni kuya na kilalanin ko daw ang mga kaibigan niya, mababait naman daw mga ito, pero tinatanggihan ko lang siya kaya simula nun ay hindi na niya ako kinulit pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Voix (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon