Saan nga ba napupunta ang mga taong namamatay? Sa langit o sa impyerno?
Sabi nila ang mga taong mababait at wala masyadong kasalanan ay napupunta sa langit kasama ang mga anghel. Ang mga makakasalanang tao naman ay sinuunog sa impyerno kasama ang mga demonyo.
E ako ba saan ba ko mapupunta? Hindi ko alam kung saan pupunta ang kaluluwa ko sakaling mamatay na ko. Hindi ko alam kung sa langit ba ang punta ko. Hindi ko alam kung tatanggapin ba ko sa langit. Natanggap ba ng isang babaeng makasalanan sa langit? Matatanggap ba ang kaluluwa ko doon? O tuluyan ng susunugin sa impyerno ang kaluluwa ko? Hindi ko alam kung saan patutungo ang kaluluwa ko kung sakaling managutan ako ng hininga. Kagaya ng buhay ko, walang patutunguhan ang kaluluwa ko. Masaklap na nga ang naging buhay ko pati ba naman sa kabilang buhay masaklap parin ba?. Pero bago ko isipin kung saan mapupunta ang kaluluwa ko, gagawin ko muna ang gusto ko sa mga huling sandali ng buhay ko
Hindi ko alam kung kailan kukunin ng Panginoon ang buhay ko, kung siya man ang kukuha nito o si kamatayan. Kaya naman sa halos isang buong linggo, ginagawa ko na ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko. Bakit?. Dahil wala na kong oras, masyado kong makasalanang babae kaya naman binabawi na ang buhay na pinahiram sakin. Pero bakit ganun? Sabi nila ang masamang damo matagal mamatay, pero bakit ako? Eto konting oras nalang ang binibilang ko, pupwedeng mamaya lang mamatay na ko, pwede din namang ngayon na din mismo mamatay na ko.
Isa akong taong makasalanan, isang taong hindi karapatdapat sa langit, isang taong nagbibilang ng oras niya dito sa mundong ibabaw.
Habang naglalakad ako papunta sa eskwelahan ko noong elementarya ay napadaan ako sa isang abandunadong simbahan. Hindi ko alam kung bakit, pero tila may magneto na humihila sakin papalapit sa simbahang iyon. Sa halos dalawang dekada ng pamumuhay ko sa mundong ibabaw ay hindi ako nakapasok ng simbahan, ni hindi ko nga alam kung binyag ba kong tao. Hindi naman siguro masama kung papasok ako sa loob sa unang pagkakataon hindi ba?
Pumasok ako sa loob ng simbahan at kagaya ng inaasahan ko, walang tao Naglakad ako papalapit sa altar, tanaw ko ang imahe ng Anak ng Panginoon na siyang nagligtas sa sanlibutan. Sinayang ko ang pagligtas niya sa mga taong makasalanan, imbes na maging mabuti akong tao ay naging masama ako, naging makasalanan ako.
Unti-unti akong lumapit sa altar, pagkarating ko ay lumuhod ako at ginawa ang simbolo ng krus. Sa tanang buhay ko ito ang unang pagkakakataon na ginawa ko ito, ang gawin ang simbolo ng krus at ang magdasal. Mahirap mang paniwalaan, pero eto ako magdadasal ako ngayon, hindi upang humingi ng isa pang tyansa para mabuhay pa, kundi para pasalamatan Siya. Siya na nagbigay sakin ng pagkakataon na mabuhay sa mundong ito. Siya na nagparanas sakin ng lahat ng naranasan ko habang ako'y nabubuhay
Pinikit ko ang aking mga mata at sinimulan ng makipag-usap Sakanya:
"Panginoon, salamat po sa buhay na pinagkaloob mo sakin. Marameng salamat po sa dalawampo't apat na taon na binigay mo sakin para ako'y mabuhay. Maraming salamat po at kailanman ay hindi Niyo ko pinabayaan kahit na napaka makasalanan kong tao. Panginoon, salamat, salamat at ngayon alam kong matatapos na ang paghihirap ko. Slamat dahil alam kong matitigil na ko sa paggawa ng kasalanan. Alam ko pong hindi ako matatanggap sa lugar kung nasaan ka ngayon Panginoon, at hindi ko rin po hinihiling na ako'y kunin Niyo. Nais ko lamang pong magpasalamat sa lahat ng biyayang pinagkaloob mo sakin sa loob ng dalawampo't apat na taon ng buhay ko. Hindi ko po hinihiling na ako'y patawarin niyo saking mga kasalanan, tanging hiling ko po ay mga taong dadalaw sa araw ng aking libing. Yun lang po Panginoon, kahit isa lang ay ayos na. Maraming salamat po, Amen"
Muli ay ginawa ko ang simbolo ng krus, ang pangalawang beses kong gawin ang simnbolo ng krus sa tanang buhay ko. Tumayo na ko sinimulan ko ng lumabas ng simbahan, Tila gumaan naman ang pakiramdam ko matapos ang pakikipag-usap ko Sakanya. Ganto pala ang pakiramdam ng nakikipag-usap sa Panginoon, napaka gaan sa pakiramdam, pakiramdam ko'y wala akong problema, pakiramdam ko'y hindi ako mamamatay ano mang oras ngayon. Sana, kung sana pala'y noon pa ko lumapt Sakanya, edi sana noon palang ay magaan na ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Huling pagkakataon sa huling sandali
SpiritualEdited version ng pinasa kong entry noon sa 2014 Wattpad Writing Battle