I love My Pare

4.1K 142 67
                                    

I Love My Pare

written by Ailyn Alcala

=================================================================================

Arvin: Pare ano ba tara na…laro na tayo ng basketball, kanina pa nandun ang mga utol mo eh.

Roxanne: mauna ka na don, may tinatapos  pa akong assignment.

Patalong nahiga si Arvin sa aking kama.

Arvin: Sige hihintayin nalang kita.

Roxanne: Hoy kamote! Naayos ko na yang kama ko ha, guguluhin mo nanaman…

Arvin: Hayaan mo bukas ako mag liligpit…

Humarap ako sakanya at binato o sxa ng unan…

Roxanne: Ano?! Ibig mong sabihin makikitulog ka nanaman?

Arvin: OO bakit…,Wala kasi sina mama, ang lungkot naman kung mag-isa ako sa bahay diba pare…

Roxanne: Bahala ka…

Ganito kaming magkulitan ni Arvin, Si Arvin na kapitbahay namin. Best friend ko sxa mula pa noong mga bata pa kami. Sinong magaakala na magiging best friend ko ang mokong na yon. Mas matanda sakin ng 1 taon si Arvin, kaibigan sxa ng kapatid ko, pero mula noong isang beses na naglaro kami ng basketball, ayun hindi na kami mapaghiwalay. 4rth year high school na si Arvin at ako 3rd year high school. Nagaaral kami sa iisang University. Kaya ahit sa School, lagi parin kaming magkasama….

Ako si Roxanne, only girl ako sa aming 5 magkakapatid, I’m the youngest. Lagi akong napapagkamalang tomboy, siguro kasi, lalaki akong manamit, dun kasi ako komportable, at isa pa mga lalaki ang araw-araw kong mga kasama….. May lihim akong pagtingin sa aking bestfriend na si Arvin. Masaya ako na lagi ko syang nakakasama, kahit pa nga lalaki ang turing nya sakin.

Arvin: Ano ba pare, tapos ka na ba jan?

Roxanne: OO na nga nag save lang eh. Papatayin ko lang tong computer.

Arvin: Yes…tara na at excited na akong talunin ang mga utol mo!

Roxanne: Ay yabang mo, eh ako lang naman ang laging nakaka shoot satin eh.

Arvin: Ay sus…ang kapal..tara na at wag kang masyadong nagiilusyon.

(Sa Basketball Court)

 Arvin: Pare gagalingan ko talaga…panis ka sakin ngayon, nanjan ang inspirasyon ko eh, si Babes Ellah.

Si Ella ang girl friend ni Arvin. Ewan ba kung anong nagustuhan ni Arvin don, eh kung magaayos lang ako laking ganda ko don eh, ubod pa ng sama ng ugali, allergy sakin yun eh, nagseselos sakin kasi mas madalas pa daw na kami ni Arvin ang magkasama kesa sa kanilang dalawa…

Paglapit namin sa bench.

Ellah: ( Kiss sa lips ni Arvin ) Hi babe! (Biglang tingin sakin na nakataas ang isang kilay ) Hi Roxy!

Roxanne: Hi

Arvin: Oh babe, kanina ka pa ba?

Ellah: Actually, kadadating ko lang, I hang out pa kasi with my friends eh. Alam mo naman, we went shopping kanina.

Napaisip ako..Sobrang arte talaga ng babaeng to…sarap batukan at kung makalingkis kay Arvin, daig pa ang anaconda..Bwisittttt talaga.

Roxanne: Tara na pare, magsisimula na…

Ellah: mmmmwah (Kiss sa lips) Good luck kiss babe…galingan mo ha. ( Tumingin sakin na para bang nangiinggit)

Nagstart na kaming maglaro 3on3 kami magkakakampi ang tatlo kong kuya at kami naman ni Arvin kasama ang isa ko pang kuya…Mukang seryoso nga itong si Arvin, puro shoot ang mga tira nya..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love My PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon