The Memories

11 5 2
                                    

I felt the tears rolling down my cheeks.

Agad kong itinutok ang hose kay kuya.

"Ah, hinahamon mo ako?" Aniya habang basang-basa.

"Kuya!" Napatili ako nang bigla niya akong nahuli. Inagaw niya sa akin ang hose at itinutok sa akin.

And now we're both wet. Narinig ko ang pagtawa ni Nanay at ni Tatay sa gilid.

"Tay! Si kuya, o!" Sumbong ko at ngumuso na lalong nagpatawa sa kanila.

"Yay! Ice cream!" I cheered when kuya handed me a cup of ice cream. "Thank you, kuya!" Niyakap ko siya.

"Oo na, sige na at kainin mo na yan!" Tugon niya at kinain na rin ang kanya.

"Truth or dare?" Tanong ni Jel nang tumapat sa akin ang bote.

"Truth." Tugon ko.

Nagkatinginan ang mga kaibigan ko at naghagikhikan.

"Crush mo ba si Ren?" Agad na tanong ni Jel.

Akmang aalma ako nang nagsalita si Marjie. "Truth is truth, and dare is dare. Wala nang bawian."

Kapawa sila nag-ngiting-aso.

"O-oo na!" Nahihiyang sagot ko.

Nag-sigawan sila nang marinig ang sagot ko.

"Sayang, hindi na-record!" Kantyaw pa ni Monique samantalang tahimik lang si Frances, gaya ng nakasanayan.

"Crush mo pala si Ren?" Gulat na tanong ni Chelie.

"Ano ba yan, huli na naman sa balita!" Natatawang ani ni Marjie.

"Hoy, Raiseanne, kain ka lang ng kain d'yan!" Pambubulabog ni Monique dito.

"May pagkain, eh!" Tugon naman ni Raiseanne habang may laman pa ang bibig.

'Robie invited you to play Classic.'

I pressed agree. Kasama namin si Vin, Monique at si Ren.

'Hoy bahala kayo, pag talo 'wag niyo ko sisihin.' Chat ko sa Team.

"Argh! Talo na naman! Isa pa!" Sigaw ko habang mag-isa sa kwarto.

"You can try to catch me!"

"An enemy has been slain!"

"You have slain an enemy!"

"Victory!"

"Nice game, buds!" Bati namin sa isa't-isa habang nasa chatroom.

Dinig ko ang kantahan ng barkada nila Ren. Tumutugtog si Vin at kumakanta si Leandro.

"Singing, Here's to never growing up!" Sinabayan ko siya gaya ni Diana Camille.

I looked at him, I saw his smile. Tanging ang bonfire lang ang naghihiwalay sa aming dalawa.

I can feel the warmth of the morning sun in my face.

I grabbed my digital camera and captured the beautiful sun rising up.

Nagsimula na muli akong magpidal ng aking bisikleta at pinagmasdan ang ganda ng bukirin dito sa probinsya.

"Sa lilim ng iyong mga papak, umaawit akong buong galak." Pagtatapos ko ng kanta.

Nakita ko ang mga taong nagsisimba mula rito sa choir loaf. I admire them for still holding onto him, either they're tasting hardships or success.

"Halika sa dalampasigan." Pag-aya ni kuya.

Naramdaman ko ang alon sa aking mga paa. Napangisi ako nang may maisip na kalokohan.

The MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon