Panaginip
"Sorry!" Paulit ulit na lang. "Sorry kung na buntis ko siya. Pero babe, I don't like her. Still you, Always you. Sorry but sorry, kung gumawa ako ng kalokohan, i promise to you, na ikaw lang ang papakasalan ko. Hindi siya babe. Ikaw! " Aniya.
Hindi ko man matingnan ng maayos ang kanyang mga mata dahil hindi ko siya kayang makitang umiiyak at nasasaktan saking harapan. Tanging ilaw lang ng poste upang makita ang kilos niya. Nasasaktan ako, Hindi lang siya ang nakakaramdam pati na rin ako.
"No. Pakasalan mo siya. May baby na kayo, mqgiging ama kana. Yun naman diba ang pangarap mo. Maging isang ama. Magkaroon ng masayang pamilya. Nakakahiya sa mga magulang niya...kung hindi mo siya pananagutan....."
Lumapit siya sakin at dahan-dahan niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Alam kong titig na titig siya saking mga mata. Dahil sa oras na'to, hindi na siya magiging akin pa. Hindi ko'na masasabing hoy akin yan. Lahat ng pangarap namin ay isang pindot lang ay na delete na agad.
Hindi sa lahat ng oras, araw-araw o buwan-buwan ay matutupad ang lahat ng pangako niyo sa isa't isa, dahil sa isang maling galaw mo lang ay masisira't masisira.
Kinabukasan o paggising mo ay maglalaho lahat ng pangako niyo isa't isa......lahat-lahat at 'di na'yun babalik muli.
"You know, Roydy. You can apologize over and over. But if your actions don't change, the words become meaningless."
Hinugot ko ang dalawang kamay ko At umatras. Hindi ko alam kung ano ang kulang sakin, may mali ba akong ginawa. Binigay ko ang lahat-lahat. Minahal ko siya kaysa'king sarili. Oras, atensyon't pagmamahal. Gusto ko man pigilan ang luhang gustong lumabas at umalis. Pero hindi ko kayang pigilan o labanan dahil mahina ako pagdating sa ganitong pangyayari. Gusto ko man ipakita kung gaano ako kalakas kahit durog na durog na'ko. Sa madaling salita ay OKAY LANG AKO.
Muli ako nagsalita."Mataba man siya o payat. Maganda man siya o pangit. Babae pa rin siya na dapat mahalin ng sobra, at itinuturing na parang isang prinsesa....."
"Please, don't do that to me. Lele!" Aniya.
"Don't leave me please."
Patuloy niya."Kung gaano mo'ko ka mahal ganon rin sa mag-ina mo. Mahalin mo sila ng lubos puso. Wag mo silang iwan't lokohin, ipaglaban mo sila....."
Hindi ko'na namalayan ay umiiyak na pala si Roydy. Tumingala ako sa kalangitan, napaka-ganda. Ang buwan ang nagsisilbing ilaw ng dilim. Tuwing malungkot ka, nan'dito si buwan, umiiyak ka tuwing gabi, tuwing wala kang kasama, nan ' didito pa rin siya para damayan ka. Buwan. Pati na ' rin ako humahagulgol na pala.
"......wag mo kalimutan na meron kang ako sa tuwing may kailangan ka."
Tumingin ako sa posisyon niya at lumapit dahil naka luhod na siya kakaiyak. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon na sumabat siya. Dah mas hahaba pa ang pag-uusap namin. Niyakap ko siya ng mahigpit kung saan hindi niya ito malilimutan pa muli.
"I love you so bad. You are the first person I ever showed my heart to and you are the reason no one will ever see it again. Good bye Roydy my first man."
Hinalikan ko ang kanyang noo. Pagkatapos kong ibulong ang mga salitang kaiwan-iwan. Tumayo na 'ko at umatras sa huling sandali kong tingin kay Roydy. Ngumiti ako sabay takbo. Rinig kong sumisigaw si Roydy ng napaka-gandang pangalan ko. Malayo na 'ko sa kanya. Kaya tumigil ako kung saan hindi niya ako makikita. May lumapit sa kanya. Isang babae at yun ang babaeng papakasalan niya 't makakasama habang buhay. Muli ako tuamkbo at lumakad. Subalit hindi ko na namalayan ay lumalabo na ang paningin ko. Bago ako himatayin ay may sumalo sakin. Isang lalake. Dahan - dahan kong pinikit ang dalawang mata ko. May tiwala ako sa taong sumalo sakin.
"I got you, baby."
-NashRedzz
YOU ARE READING
YOU BELONG WITH ME
Teen FictionHabang iniiwan ni Lele Salazar ang mga nakaraan niya kasama ang mahal niyang Ex BoyFriend, dito niya makikilala ang bagong mamahalin ulit niyang lalake ngunit hindi madali ang gusto niyang mangyari. Subalit hindi sumuko si Lele na imposibleng mahali...