SHAN'S POV
Bahagya kong pinakiramdaman ang aking paligid at namalayan kong nakahiga ako sa isang malambot na kama. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kisame.
It's not the ceiling of my bedroom. Where am I? And what happened?
"She's already conscious." Sinubukan kong lumingon sa pinanggalingan ng boses pero nabigo ako. I groaned as I felt an excruciating pang from the back of my trunk. Mahina akong napamura nang dahil do'n.
"Shan. At last! Akala namin ay hindi kana magigising." Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Emerald.
"Cut that tactlessness, Emie." Kasunod niya si Merriana na ngayon ay bahagyang nakangiti sa akin. She's giving me a sense of relief from her stare, way too different from her usual staid demeanor.
Mabilis ding lumapit sa kinahihigaan ko sina Miss Pearl at Sir Alvin na ngayon ay nakamasid sa akin habang bakas sa mga mukha na parang naalisan na sila ng tinik sa lalamunan.
Why? Ano ba'ng nangyari?
"Are you alright? May masakit pa ba sa'yo?" Mahina akong tumango kay Miss Pearl dahilan para masapo niya ang mukha niya. She's frustrated. I can sense it.
"Masakit pa ba ang likod mo?" I stilled because of Sir Alvin's question. Hindi ako nakasagot.
Did I suffered from my back pain again?
Did they saw the tattoo?
That wing tattoo?
Simula nang dumating ako dito sa Empyrea ay hindi na ito nagparamdam nang kahit konting kirot, to the point that I almost thought that it already vanished. But of course, I was wrong. Hindi lang ito kumikirot, but it's still there. At halos nakalimutan ko na ang tungkol dito.
"Shan." I flinched when I heard Sir Alvin's voice calling me. Nagtataka akong napatitig sa kanya. "Masakit pa ba ang likod mo?" I absent-mindedly nodded at him which made him cuss.
What's going on? Ano ba talaga ang nangyari?
"W-what h-happened?" I managed to ask as I felt my back endure a distressful pricking feeling. I couldn't stand the way it tortures me, and so I let out a palpable painful grimace as I gripped the mattress of the bed.
Shit! Ano ba'ng nangyari at nakakaramdam ako ng sobrang pananakit mula sa likod ko?
"Shan, we suggest na magpahinga ka muna. Mukhang hindi pa sapat ang tatlong araw mong pahinga dahil hanggang ngayon ay nakakaramdam ka pa rin ng sakit sa likod mo." Napanganga ako sa sinabi ni Miss Pearl. Tatlong araw?
"Tatlong araw akong--- tulog?" I unbelievably asked as I tried to remember what happened that made me confined in bed for three days. Pero wala akong maalala.
"Shan, saka na namin ipapaliwanag kapag maayos na ang kalagayan mo. Magpahinga ka muna para makabawi ka ng lakas." Sir Alvin explained while looking very much worried. I bit my lower lip when I felt a sudden pang behind me. Hindi ko hinayaang makita nila iyon. Ayokong mag-alala sila.
At isa pa, kailangan kong alalahanin ang nangyari kaya ganito ang kinahantungan ko. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at pagkatapos no'n ay narinig ko ang paisa-isa nilang paalam kasabay ng papalayong yapak ng mga paa mula sa aking kinahihigaan.
"Shannnnnnnn! Wake up! Wake up!"
Mabilis akong nagmulat pagkatapos ng isang mahabang panaginip. Well, I guess it wasn't really a dream. Dahil iyon ang nangyari sa akin four days ago. Napanaginipan ko ang nangyari kung bakit ako humantong sa ganitong kalagayan.
YOU ARE READING
EMPYREAN SENTRIES: Return Of The Zephyrian Princess
FantasyI was in grave danger as I felt my blood oozing from the cut. But then he came, all the way from the unknown. He saved me. And took me to a place far from what is believed to be existing. Nangako siyang ibabalik niya ako kung saan ako nanggaling. An...