Hey, Pretty Stranger

69 0 0
                                    


"Oh,sh't." bulong ko habang habol ang hininga at ng mapansing palinga-linga siya sa paligid. Agad akong nagtago sa isa sa mga book shelf dito sa book store.

Kingina. Kanina pa ko takbo ng takbo para lang mapagtaguan ko tong ex ko. Pagkatapos niya akong iwan maghahabol siya saken ngayon. Tanga ba siya? Buti nalang nakamove on na'ko.

Oh di kayo relate no? Try mo din magmove on.

Mas lalo akong kinabahan ng pumasok siya sa loob ng store. Umatras ako palikod,"Ay pota!" gulat kong sabi ng may mabunggo ako.

"Omygosh sorry po," sambit ko ng makitang naka kunot ang noo ng lalaking nabunggo ko. Lagot na! Nagalit ko pa ata. Huhu. Gwapo pa naman siya.

"Kuya sorry po talaga di ko naman kasi sinasadya eh. Sorry na po!" pagmamaka-awa ko na mas ikina kunot ng noo niya.

"Tss," yan lang ang narinig ko sa kanya sabay talikod at naglakad paalis. Suplado. Hmp.

"Sienna?" napalingon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Natigilan ako ng mapagtantong si Jeff yung nasa harap ko.

Sh't.Shot. Shoot. Amp. Argh!

Bulong ko sa utak ko. Habang nag iisip ng susunod kong gawin.

"Please Sienna? Kausapin mo naman ako," pagmamaka awa niya.

"I want you back." dagdag niya pa. Na siyang ikinatawa ko.

"You want me back?" sarkastikong tanong ko. "Pagkatapos ng lahat ng panlolokong ginawa mo sakin noon,gusto mo pang bumalik ako sayo?" tatawa-tawang sabi ko.

"Yung totoo nasisiraan kana ba? Or baka naman nabusted ka lang ng nililigawan mo kaya gusto mo lang ng pansamantalang girlfriend?" pang-aasar ko.

Nakita ko ang galit sa mga mata niya na ikinatuwa ko. 'Natamaan ka no?'Sabi ko sa isip ko.

Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko sabay hila saakin paalis doon sa shelf na pinagtataguan ko kanina. Gagi ang sakit ng kamay ko!

"Bitiwan mo ako!" sigaw ko habang sinusubukang kumawala sa kamay niya. Napansin ko namang napatingin sa amin yung ibang naroroon. Nakakahiya!

"You better stop complaining kung ayaw mong titigan tayo ng mga tao dito." nakangising bulong niya. I gritted my teeth in anger.

Ibinigay ko ang buong lakas ko para alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Nagtagumpay naman ako. Agad akong lumayo sa kanya bago niya pa man mabawi ang kamay ko.

"Stop this Jeff. I already have a boyfriend." walang alinlangan kong sabi.

"Oh really? Then,where is he? Bakit hindi mo siya kasama?" taas kilay niyang tanong.

I started to regret what I just said. Bakit ko nga ba kasi sinabing may bf ako eh ang totoo wala naman talaga.#foreversingle, charot.

"There you are," nakangiti akong lumapit sa lalaking nasa isang shelf habang busy na nagtitingin ng libro.

My gosh. Gabayan nawa ako sa gagawin ko.

"Kanina pa kita hinahanap babe andito ka lang pala," ani ko sa lalaki. Lumingon ito sa akin habang naka kunot ang noo. Taena siya yung nabunggo ko kanina. Patay!

"What?" inosenteng tanong niya. Huhu kinakabahan ako. Pero kailangan kong lunukin ang pride at takot ko.

"Hays ikaw talaga babe," iling iling kong sabi. Napansin ko namang tinaasan niya ako ng kilay.
Suplado talaga siya.

"Is this your boyfriend?" tanong ni Jeff. Hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa amin.

"Duh, hindi pa ba halata?" pagtataray ko.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now