Taas noo at walang ngiti akong naglakad patungo sa aking classroom. Lahat ng madadaanan ko ay tumatabi. The students, janitor and even the teachers. Isang ngisi ang kumawala sa labi ko. I love it everytime they are doing this. I felt like i'm the Alpha and they're just an Omega.Today is my first day of being a grade twelve student in Saint Agustin University. I just transferred here last year for my grade Eleven since i'd got bored on my former school where i taked my Grade Nine and Ten. I see no contender there so i leave.
The World revolves around competition. It gives our life the excitement that we're looking for. Pag wala nito ay walang saya ang buhay ng tao at magiging walang kabuluhan.
Nang makapasok sa classroom ay marami na ang nandoon kaya kaunti nalang rin ang bakanteng upuan at sa likod nalang ang meron. Tamang-tama naman dahil sa likod ko rin gustong umupo para sa unang semester at sa harapan naman sa ikalawa.
Dumating na ang Adviser namin at gaya ng inaasahan ay nagpakilala muna siya at nakipag-chikahan muna sa mga classmate kong nasa harap. Isa ito sa mga rason kung bakit ayoko sa harapan umupo dahil pag may libreng oras ay nakikipag kuwentuhan lamang ang mga guro sa estudeyante nila imbes na sulitin ito sa pagtuturo. Binabayaran sila ng malaki para magturo at hindi para makipag tsismisan Tsk!
Since first day of school ay wala munang mangyayaring palitan at three hours lang ang pasok namin kaya wala pang alas dose ay pinauwi na kami. Bago lumabas ng school ay tinawagan ko na ang drayber na nakatalagang magsundo sa akin.
Nang makalabas ako ay ganoon na naman ang naging senaryo. Walang sino man ang nagtangkang humarang sa dinaraanan ko kaya hindi ako nagka-problema hanggang makarating ako parking lot.
Habang papasok sa mansyon ay nakarinig ako ng ingay na labis kong ipinagtaka. Sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming bisita na darating ngayon.
Nang makapasok ako ay napahinto ako sa aking nakita. Si Devil—ang kapatid ko at ang mga new found friends niya. Mukhang natunugan ni Devil ang pagdating ko dahil lumingon ito sa gawi ng pintuan at nagawa pang kumaway bago lumapit sa akin.
"My dear sister" Akmang yayakapin niya ako ng lumayo ako sakanya.
"Explain" Mahina ngunit madiin kong sabi sakanya.
"Mag relax ka nga kahit minsan. Patagal ng patagal nagiging pareho na kayo ni dad" Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan siya ng kilay.
Akala niya siguro ay natutuwa ako sa mga kabulastugan na ginagawa niya. Lalo lang nadadagdagan ang inis ko sakanya.
"Tumambay lang kami dito at mamayang gabi ay uuwi narin sila. 'Wag kang mag-alala señorita we're not going to make any noise that would disturb your silence—"
"That's not what I want to hear Moron" I rolled my eyes at him and look at his friend. "Magsusugal kayo dito sa bahay? Do you think it's appropriate na gawin niyo 'tong pasugalan?"
"But—"
"Don't but me Devil. Oras na lumabas ako ng kwarto ko mamaya at nandito parin ang mga kaibigan mo ay ipapahatak ko sila sa Guard" Napansin ko ang pag-irap niya at tanging tango nalang ang nasagot.
Bago pumasok sa kwarto ay tinapunan ko ng tingin ang mga kaibigan ni Devil halatang lahat ay nagtataka tungkol sa pinag-usapan namin.
Pagkapasok ay naupo ako sa kama at napahiga nalang hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.
Gabi na ng magising ako. Nang lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa living area kung saan nakatambay ang mga kaibigan ni Devil ay nakita kong wala na sila don at wala rin ang kapatid ko. Siguro ay sa ibang lugar gumimik ang mga iyon. It's fine with me kahit saan sila magpunta basta 'wag lang dito sa bahay.
