Malayang Tugma

9 0 0
                                    

Kagaya ng aking mga tula,
Pinilit ko tayong magtugma
Naki-ayon sa musika ng mga letra,
Upang makaindayog ng mga salita

Dahil bukod sa pagiging manunulat,
Ay isa rin akong manunula
Sabik sa mga pariralang,
Kaaya-aya ang pitik sa dila

Ngunit kahit mga salita'y pagtugmain,
Hindi ka parin napasaakin
Dahil tama man ang sukat sa taludturan,
Kailangan ma'y ang pusoy 'di matuturuan

Kasabay ng iyong paglaya,
Ay unti-unti akong iniwan ng mga salita
Ngunit wala akong pangamba
Dahil mananatili tayong malayang tugma

-b l a c k t i n t x

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blankong PapelWhere stories live. Discover now