nakatingin sasalamin
animo'y wala sa sariling katinuan
kalungkutan at kahugkangan
iyon ang tangi mong nararamdaman
napapikit ka
ang mga tagpo sa inyong nakaraan
luhang kanina pa pinipigil
ay kusang tumulo ng walang tigil
ang pangako niya'y iyong natandaan
pangakong puno ng kasinungalingan
pangakong ikaw ay di niya iiwan
pangakong kayo'y magmamahalan, magpakailanman
bakit nga ba napakatanga mo?
hinayaan mo siyang manipulahin ang buhay mo
katawan at oras ay sinayang mo
lalo na ang puso mong naging manhid dahil sa sobrang pagmamahal mo
ngayon, ikaw ay natauhan
ngunit hindi alam kung paano sisimulan
alam mong mahal mo siya
ngunit nabalot na iyon ng galit para sa kanya
ngayon mo napag-isip-isip na tama sila
na noon ay sinasabihan mo ng pakielamera
dahil ang pagmamahalan ninyo'y hinahadlangan nila
nagsisisi ka kung bakit hindi pinakinggan sila
ngunit hindi pa naman huli ang lahat
may oras pa para ikaw ay makapagsimula
bagong buhay na wala siya
bagong buhay sa piling ng iba